Chapter THIRTY

449 11 1
                                    

Chapter 30

~Tyron's POV~

Ng lumapag ang eroplano, agad kaming bumaba ng eroplano at dumiretsyo sa lobby. Si Kev agad ang nakita ko. Nakita ko siyang kumaway kaya kumaway din ako.

Lumapad ang ngiti ko ng makita ko si Shantal. Lalapitan ko na dapat siya ng biglang tumakbo sa tabi ko si Tiffany. Nakahawak siya sa braso ko habang papunta kami nina Shantal.

"Tyron, welcome back! Kumusta si Tita?" tanong ni Kevin.

"Ayos naman. Kumusta naman kayo nung wala ako?"

"Ayos naman kami, namiss ka ni Shantal." sabi ni Jane.

"Nasaan nga pala si Shantal, nakita ko lang siya dito kanina, bakit wala na siya?"

"Ha? Paano? Ay alam ko na, umalis na yon." sabi ni Jane.

"Bakit naman eh kararating ko pa lang, ni hindi pa nga kami nagkakausap eh."

"Paano pa yun makikipag-usap sayo eh sigurado akong nakita niya yang kasama mo!" sabi ni Jane.

"Ah, oo nga pala. Ito nga pala si Tiffany, younger sister ko."

"Kapatid mo yan? Kaya pala kamukha mo. Ilang taon na ba yan? Pwedeng pang Ms. Universe ah." - Jane

"Talaga po ba, ate? Salamat po." masayang sabi ni Tiffany. Gustong gusto kasi niya kapg pinupuri siya ng ibang tao.

"Ate ka diyan, eh parang magka age lang eh."

"Naku, hindi. Malaki ang tanda natin sa batang iyan. Would you believe na 11 years old lang siya?" tanong ko.

"11 lang yan, seryoso ka dude? Penge ng birth certificate." sabi naman ni Kevin.

"Oo nga, sinong maniniwalang 11 lang yan eh magkasintaas na kami." sabi ni Jane. Pinakita ni Tiffany ang passport niya kay Jane. Nakalagay doon ang fullname at age niya. " 'Tiffany Sandoval, 11 years old. Oo nga, 11 nga lang siya. Pero kung magkapatid kayo, bakit Sandoval apelyido niya? Di ba Montenegro ka?"

"Tama, half sister ko lang siya. Iba ang daddy niya."

"Ahh, so, anak siya sa labas? Sorry sa term pero nagtatanong lang naman ako." paliwanag ni Jane.

"Hindi siya anak sa labas. Kasal ang mommy ko sa daddy niya at ganoon din papa ko."

"Ha? Ang gulo." - Jane.

"Ganito kasi yon, Jane." si Kevin. Siya na ang magpapaliwanag tutal alam naman niya ang kwento. "Ang mommy ni Tyron ay kasal sa papa niya. Kaya lang nung 3 years old pa lang siya ay namatay sa isang encounter ang papa niya. Sundalo kasi. After 7 years ng pagpapalaki sa kanya ng mommy niya ng mag-isa, nakilala naman ng mommy niya ang daddy ninTiffany at nagpakasal din sila. Ano, gets mo na?"

"Ahh, oo, gets ko na. Sorry Tiffany sa ginamit kong term ha."

"Okay lang po yun ate, ganoon naman talaga po ang tao eh, madali sa atin ang manghusga kapag hindi pa natin alam ang buong isrtorya."

"Wow, ang lalim noon ahh, parang dumudugo ang ilong ko, Kev, pakitingin mo nga?"

"Kadiri ka, Jane. Magpakita ka naman ng kahit kaunting manners. Kaya walang nagkakagusto sayo eh, ganyan ka."

"Huwag mong pakialaman ang love life ko, bokya ka din naman ehh, pakialaman mo ang love life ko kapag may girlfriend ka na." singhal ni Jane kay Kevin.

"Alam niyo po, ang cute niyong tingnan na dalawa." sabi ni Tiffany habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Cute ako, alam ko na yon, pero ang isang ito, nakakata-cute." sabi ni Jane.

"Hindi ko alam na joker ka pala, pero kapag ikaw ang comedyante, maiiyak ang manonood sa jokes mo, ang sama!" sabi naman ni Kev.

"Ay ang kapal din neto!" susugurin sana ni Jane si Kev pero pinigilan ko.

"Tama na nga yan, pwede bang umuwi na tayo at pagod na ako sa byahe, pwede?" tanong ko.

"Oo nga pala, si Kevin kasi ehh." - Jane

"Ikaw kaya."- Kevin.

"Ikaw!" - Jane

"Hindi ba talaga kayo titigil?"

"Tigil na." sabay na sabi ng dalawa.

"Wow, ang ganda talaga ng bahay mo, kuya. Sure ka na pwede akong mag-stay dito?" tanong ni Tiffany ng makarating kami sa bahay ko.

"Oo naman, ikaw pa ba, as long as magpapakabait ka while you're here."

"Of course naman, kuya." sabi ni Tiffany at naglibot sa loob ng bahay.

"Ano ng plano mo kay Shantal ngayon? Mukhang kaya nagwalk out ay dahil nagselos diyan sa kapatid mo." tanong ni Kev.

"Hindi ko pa alam eh, ano nga ba?"

"Siguro, manda kung ipakilala mo si Tiffany kay Shantal at sabihin mong kapatid mo."

"Sa palagay mo, maniniwala kaya siya?"

"Aba'y dapat lang na maniwala siya, yun naman kasi ang totoo eh."

"Sige, pero sa palagay mo, pumasok pa kaya ngayon sa school?"

"Itatanong ko lang kay Jane." sabi ni Kevin at kinuha ang phone niya at saka itinext si Jane.

"Aba, halos isang linggo lang akong nawala, tapos malalaman ko na lang na textmate na pala kayo ni Jane?" biro ko.

"Gusto mo bang tulungan pa kita o hindi na?" seryosong sabi ni Kev.

"Joke lang naman, seryoso ka agad ehh."

"Sabihin mo lang kung ayaw mo ng tulungan pa kita, okay lang naman sa akin."

"Nagbibiro lang naman ako, sige na, itext mo na si Jane."

"Sige." maya-maya pa ay mukhang nagreply agad si Jane. "Nasa bahay daw sila ni Shantal."

"Ganoon ba? Sige, doon tayo pupunta."

TOK! TOK! TOK!
"Ako ng magbubukas!" narinig kong sabi ni Jane mula sa loob. "Mabuti naman at nandito na kayo, kanina ko pa kayo hinihintay eh."

"Sorry, traffic kasi, si Shantal?" tanong ko.

"Nandoon sa kwarto niya, pumasok ka na. Si Tiffany, kasama niyo?" tanong nito.

"Oo, ipapakilala ko kay Shantal."

"Ahh, mabuti pa nga, hindi ko pa nga nauulit sa kanya ang tungkol sa inyo ni Tiffany eh."

"Sige, Tiffany halika na."

"Coming, kuya! Hi, ate Jane." bati ni Tiffany kay Jane.

"Hi din, Tiffany."

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Shantal kahit nakabukas naman ito. Naka-dapa siya sa kama at ng makitang ako ang nasa may pintuan ng kwarto niya ay bumalikwas siya ng bangon.

"Anong ginagawa mo dito?" walang tonong tanong ni Shantal.

"May gusto lang akong ipakilala sayo," sabi ko at sinenyasan ko si Tiffany para lumapit sa akin.

"Huwag na. Hindi ko na kailangang makilala kung sinuman ang kasama mo. Wala akong pakialam kung magkarelasyon man kayo, maaari na kayong umalis." sabi ni Shantal at tumalikod na.

"Shantal, ito nga pala si Tiffany, nakababatang kapatid ko." sabi ko.

"Eh, ano naman sa akin kung nakababatang kapatid mo siya?" tanong ni Shantal at maya-maya ay napaawang ang bibig.

"Tama ang narinig mo, kapatid ko si Tiffany, Shantal at single pa rin ako, at mananatiling single hanggat hindi mo ako sinasagot." sabi ko.

"Hello, ikaw pala ang babaeng pinakamamahal ng pogi kong kuya, ako nga pala po si Tiffany, half sister niya, mother side." pakilala ni Tiffany sa sarili at bumeso pa kay Shantal.

"Magkapatid pala kayo."

"Oo, magkapatid nga kami." sagot ko.

~EndOfChapter30~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon