Chapter FORTY-SEVEN

447 11 0
                                    

Chapter 47

~Tyron's PoV~

"Ma, yung totoo, bakit ba tayo nandito kina Shantal?" tanong ko habang naghihintay kami sa may garden sa bahay ng Tita ni Shantal.

"Wala naman. Gusto ko lang makilala ang nagpalaki kay Shantal."

"But why? For what? Ma, you know naman how this mean to me, huwag mo naman sana akong ipapahiya?"

"Of course not. Bakit ko naman gagawin yon. Just stay put and relax, ako ng bahala."

"Kinakabahan ako sa mga linyahan mong ganyan Ma, eh."

"Don't be. Just trust me on this, okay?" sabi ni mommy at hinawakan pa ako sa kamay.

"Okay, Ma."

"Okay, that's my boy." sabi niya at tinpik-tapik ang kamay ko. Maya-maya pa ay binalikan na kami ni Shantal at kasunod na niya ang Tito at Tita niya.

"Meryenda muna kayo." sabi ng Tita ni Shantal sa amin.

"Salamat. Ako nga pala si Elvira, ang mommy ni Tyron." pakilala ni mommy.

"Ako naman si Minerva, ang Tita ni Shantal. Kapatid ko ang mommy niya." sabi naman ng tita ni Shantal.

"Ahh, sabi nga sa akin ni Tyron ko na maaga daw naulila si Shantal sa magulang at kayo ng asawa mo ang nag-alaga sa kanya simula noon." sabi ni mommy.

"Oo. Dalawa lang kasi kaming magkapatid ni Ate Rose tapos nag-iisa namang anak ang daddy niya at ulila na rin, kaya kinuha na namin siya. Napakabait namamg bata niyang si Shantal. Wala kaming naging problema diyan habang lumalaki siya, at matalino pa."

"Unang kita ko pa lang naman sa batang iyan ay nakita ko na agad na mabait talaga siya, ewan ko nga ba kay Tyron kung bakit halos apat na taon niyang sinasabi sa akin na ang sungit-sungit daw ni Shantal." natatawang sabi ni mommy. Nang tingnan ko si Shantal, ang sama ng tingin niya sa akin na parang gusto akong kainin.

"Naku hindi. Sadyang mabait ang batang iyan." sabi ni Tita Minerva. Biglang sulpot si Jane at nakisali sa usapan.

"Naku Ma, kung alam niyo lang, mabait namam talaga si Shantal sa lahat, maliban lang kay Tyron." sabi ni Jane.

"Paano naman nangyari yon?" tanong ni Tita.

"Pano ba naman po kasi, halos apat na taon na ding pinupuno ni Tyron ng sulat ang locker nitong si Shantal. Pati sa bahay ay may dumarating pang sulat at regalo. Araw-araw yun ha. Walang palya." kwento ni Jane. Binalingan ako ni mommy.

"Ahh, kaya pala kapag pinabibisita kita sa Canada ay palagi kang walang pera, ikaw talagang bata ka." napatawa na lang sko sa sinabi ni mommy.

"Iha, nasa iyo pa ba ng mga regalo ni Tyron sayo?" tanong ni Tita.

"Opo naman, alam ko namang hindi biro ang presyo ng mga iyon kaya paanong hindi ko po itatago." sagot ni Shantal.

"Tama ka, Ma. Mukha na ngang gift shop ang bahay ni Shantal, sa dami ng regalong naroon." sabi ni Jane.

"Talaga ba?" natatawsng tanong ni Tita.

"Mabuti na lang anak at mabait talaga itong girlfriend mo, kung sa ibang babae yon, dahil ayaw niya naman sayo noon, baka ibinenta niya na ang mga iyon." sabi ni mommy.

"Tita Elvira, hindi po yun gagawin ni Shantal kasi may gusto din naman po siya kay Tyron noon. Ewan ko nga po ba sa babaeng yan kung bakit pinatagal pa niya bago niya pinansin si Tyron." sabi ni Jane.

"Ahmm!" nakita kong tinarakan ng mata ni Shantal si Jane at ng makitang naka-tingin ako sa kanya ay nginitian niya ako.

"Ooops, pasok muna po ako sa loob." paalm ni Jane at dali-daling pumasok sa loob ng bahay nila. Kumain lang sina mommy at namaalam ng umuwi.

"Mauna na kami ha, baka may dumating kaming bisita sa bahay." paalam ni mommy.

"Sige, salamat sa pagdalaw. Mag-iingat kayo pauwi." sabi naman ni Tita.

"Sige. Ikaw Tyron, sasama ka na bang umuwi sa amin ng kapatid mo?" tanong ni mommy.

"Susunod na lang po ako, Ma." sagot ko.

"Sige, mag-iingat ka pag-uwi. Mauna na kami Shantal." paalam niya kay Shantal at bumeso pa.

"Ingat po kayo, Tita. Salamat po sa pagdalaw."

"Sige." ng makaalis si mommy, pinagpaalam ko si Shantal sa Tita niya.

"Tita, pwede po bang lumabas muna kami ni Shantal sandali?" tanong ko.

"Oo naman, basta kung gagabihin kayo ay itetext ako para hindi ako nag-aalala." paalala ni Tita.

"Opo, salamat po."

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Shantal

Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Magmo-motel tayo."

"Ano?! Mag-isa ka!" sabi Shantal dali-daling naglakad pabalik sa bahay ng Tita niya.

"Hoy, joke lang naman, hindi ka na mabiro. Kakain mg tayo." sabi ko.

"Ay lilinawin mo."

"Oo na po, tara na. Saan mo ba gustong kumain?" tanong ko.

"Kahit saan, hindi pa naman ako nagugutom eh."

"Bakit, hindi ka naman kumain kanina sa bahay niyo ahh."

"Nawala kasi ang gutom ko dahil sa mommy mo. Kinabahan talaga ako ng sobra doon sa pakikipag-usap niya kay Tita."

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam, akala koy hindi sila magkakasundo." sabi ni Shantal.

"Bakit naman ang hindi, ay mabait naman ang mommy."

"Oo nga, kaso istrikto kasi si Tita pagdating sa mga manliligaw ko kaya wala akong pinapayagan makapanligaw sa akin noon."

"Ahh, kaya naman pala kahit gusto mo na ako noon ay hindi mo pa rin ako pinapansin, dahil magagalit ang Tita mo?"

"Hindi no. Talaga lang ayaw ko sayo ng mga panahon na yon."

"Sus, nag-deny pa eh binuking ka na ni Jane kanina."

"At naniwala ka naman ay luka-luka nga yong babae na yon."

"Kung hindi yon totoo, bakit mo siya tinarakan ng mata kanina?"

"Ah, eh, kasi gumagawa siya ng kwento. Hindi maganda yon."

"Sus, huli ka na. Huwag ka ng mag-deny pa."

"Hindi ako nagde-deny. Bahala ka kung sa kanila ka maniniwala."

"Sus, tampo naman agad ehh, sige na. Sayo na ako maniniwala, hindi na sa kanila."

"Good." naka-ngiting sabi ni Shantal.

~EndofChapter47~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon