Chapter FIFTY

581 11 3
                                    

Chapter 50

~Shantal's PoV~

"May balita ka ba kay Tyron?" tanong ko kay Kev ng magkita kami sa resto.

"Ang paalam niya sa akin ay uuwi daw muna siya sa mommy niya, hindi ba nagsabi sayo?"

"Hindi eh, ano naman kayang pumasok sa kukote noon at lumayas ng walang paalam?"

"Busy ka daw kasi kaya hindi na nagsabi sayo na aalis aiya. Ayaw daw niya na maka-abala pa sayo."

"Kahit kelan, ang arte talaga noon, nagkakalalaki eh, dinaig pa ako."

"Bakit hindi mo na lang tawagan?"

"Matagal ko ng tinatawagan yon, yung huling tawag ko nga sa kanya ay pinagpatayan pa ko, tapos simula noon ay hindi ko na makontak."

"Ahh, tampo kasi yon sayo. Hindi mo na daw siya mahal."

"Sira talaga yun, sino namang nagsabi sa kanya na hindi ko na siya mahal? Eh pag-aaral lang naman ang inaasikaso ko."

"Pinaliwanagan ko na nga din yon na baka busy ka lang talaga sa pag-aaral mo, pero puro pagtatampo ang pinaiiral, kaya yun, lumayas."

"May number ka ba ni Tita Elvira?"

"Meron. Sige, si Tita na nga lang ang tawagan mo at dun mo na lang kumustahin si Tyron." sabi ni Kev at ibinigay sa akin ang number ni Tita Elvira.

"Salamat."

"Good morning po, Tita. Si Shantal po ito." bungad ko ng may sumagot sa tawag.

"Oh, Shantal, ikaw pala. Di ba sabi ko sayo last time ay mommy na ang itawag mo sa akin."

"Mommy nga po pala, pasensya na po. Kumusta po pala si Tyron, nandiyan nga po ba siya sa inyo?"

"Oo, iha. May ilang araw na rin simula ng dumating siya dito. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang sumulpot yun dito. Ano bang nangyari sa inyo? Nag-away ba kayo?"

"Hindi po kami nag-aaway, kaya nga po hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya umalis ng hindi nagsasabi sa akin, nag-aalala na nga po ako."

"Ganoon ba? Sige, kakausapin ko na lang si Tyron, baka magsasabi kung anong problema niya."

"Sige po, salamat po. Tatawag na lang po ulit ako."

"Sige, iha. Salamat sa pagtawag. Mag-iingat ka diyan."

"Salamat din po. Kayo din po diyan, mag-iingat din."

Maka-ilang beses akong tumawag kay Tita Elvira para kumustahin si Tyron pero prating iisang balita lang ang sinasabi niya, "Naku iha, wala pa ring pagbabago. Palagi pa ring nagkukulong sa kwarto niya, tinatanong ko kung anong problema, pero hindi naman nagkukwento."

Wala na akong maisip na iba pang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon kundi ang huli naming napag-usapan. Ang tungkol sa kasal at pagkakaroon ng anak.

Sa totoo lang, marami pa akong pangarap sa buhay, marami pa akong gustong mapuntahan at gawin, pero kung kapalit naman ng katuparan ng lahat ng pangarap ko ay ang pagkawala ng lalaking pinakamamahal ko, huwag na lang.

"Couz, Kev. Kailangan ko ng tulong niyo!" text ko sa dalawa.

"Okay, I'm on my way!" sagot agad ni Kevin.

"Sige, kita tayo sa park." sagot naman ni Jane.

Maya-maya pa ay dumating na nga ang dalawa at inilatag ko na ang aking plano para kay Tyron. Tinawagan ko si Tita Elvira para ibalita ang napagkasunduan naming plano.

"Sige iha, ako ng bahala. Sisiguraduhin kong darating diyan bukas ng gabi si Tyron. Pasasamahan ko na siya kay Tiffany para siguradong matuloy ang plano mo."

"Salamat po, mommy."

"Salamat din, Shantal, anak. Sigurado akong matutuwa si Tyron."

"Sige po, sana lang ay huwag makahalata si Tyron."

"Siguradong hindi. Ako ang bahala."

"Ano na guys, ready na ba ang lahat? 4pm ang lapag ng eroplanong sinasakyan nina Tyron. Dapat ay nandoon ka na Kevin, para sunduin sila at dalhin dito." tanong ko sa mga kasamahan kong nag-prepare ng lahat para sa surprise kay Tyron.

"Copy that!" sagot ni Kevin.

"Okay na ang lahat, Couz. Si Tyron na lang ang hinihintay at ang sunset para sa effect ng plano mo." sabi naman ni Jane.

"Good! Ako naman ang maghahanda para mamaya."

"Sigurado ka na ba dito, Couz? Baka naman nabibigla ka lang?" tanong ni Jane.

"Mula ng araw na sinagot ko si Tyron ay alam ko at gusto kong siya na ang makasama ko hanggang sa pagtanda, so ano pang dapat pag-isipan?"

"Tama ka. As long as mahal niyo ang isa't-isa at masaya kayong dalawa, walang mangyayaring masama."

"Tama. At alam kong dito ako magiging mas masaya."

Nagsimula na ang sunset. Naka-stand by na ang lahat. On the way na sila Tyron sa aming venue. At ready na rin akong harapin siya, suot ang isang simpleng white dress.

Madilim na ng nakarating sila Tyron sa venue. Kitang kita ko mula sa malayo ang pagkalito niya kung bakit doon sila dinala ni Kev. Sa tahimik, walang tao at madilim na lugar.

"Dude, ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Tyron.

"Basta maglakad ka lang ng diretsyo, malalaman mo din." sagot naman ni Kevin. Naglakad nga si Tyron at ng makatungtong siya sa nakalatag na carpet ay nagsimula ng buhayin ang mga ilaw.

May maliliit na puti at dilaw na ilaw na nagsisilbing gabay sa daraanan niya at ang nasa dulo noon ay isang malawak na pabilog na espasyo na may maliit na dinner table sa gitna.

May mga nakasabit na iba't-ibang litrato naming dalawa simula noong naging kami at mga litrato niya simula noong siya ay elementary hanggang bago naging kami.

Nang marating niya ang dinner table, hinayaan ko muna siyang pagmasdan ang mga litrato at saka ako lumabas sa pinagtataguan ko at nagpakita sa kanya.

"Hey," bati ko mula sa likuran niya. Halatang na-amaze siya ng makita niya ako roon.

"Shantal? Ikaw ang may gawa ng lahat ng ito? Bakit? Para saan?" nalilitong tanong ni Tyron. Bago pa ako sumagot, niyakap ko muna siya ng mahigpit.

"Ginawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita at ayokong mawala ka pa sa buhay ko." sagot ko at hinalikan ko siya sa labi.

"Mahal na mahal din kita, Shantal at ayoko ring mawala ka pa sa buhay ko."

"Napag-isipan ko na yung bagay na sinabi mo sa akin nung huling beses tayong nag-usap. Wala palang kwenta ang lahat ng meron ako kung wala ka naman sa tabi ko, kaya ngayon, handa ka bang samahan akong abutin ang mga pangarap ko?" tanong ko.

"Gagawin ko ang lahat para maabot mo ang lahat ng pinapangarap mo sa buhay, para maging masaya ka."

"Tyron," inilabas ko ang singsing at iniabot sa kanya, "pakasalan mo ako at sabay nating aabutin ang mga pangarap natin sa buhay." hindi agad sumagot si Tyron, sa halip ay may kinuha siya sa bulsa niya.

"Shantal, papakasalan kita at sasamahan kang abutin ang mga pangarap mo, at sabay tayong tatanda." sabi niya at isinuot ang hawak niyang singsing sa daliri ko. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Tyron." sagot ko at isinuot din sa kanya ang singsing na hawak ko.

~EndofChapter50~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon