Chapter TWENTY-SEVEN

434 10 1
                                    

Chapter 27

~Narrator's POV~

"Jane, kumusta na si Shantal?" tanong ni Kevin kay Jane ng magkita ang mga ito sa library.

"Ayos naman siya, si Tyron, kumusta?"

"Nasa Canada. Hindi niyo ba alam?"

"Late na kasi nung nabasa namin yung sulat niya, kaya hindi na kami nakasunod sa airport."

"Ahh, kaya naman pala. Eh napatawad na ba kaya ni Shantal si Tyron? Sincere naman si Tyron sa paghinge niya ng tawad sa pinsan mo eh."

"Alam naman namin yon, tsaka may balak na naman siyang kausapin si Tyron. Hindi niya lang alam ang sasabihin tapos umalis pa si Tyron."

"Babalik naman yon. Siguro, matagal na ang two weeks nun doon."

"Bakit ba nagpuntang Canada si Tyron? Anong gagawin niya doon?"

"Bumibisita sa mommy niya."

"Ahh, okay. Yun na lang sasabihin ko kay Shantal."

"Nga pala, nanliligaw pa ba kay Shantal yung si Frank?"

"Oo ata, lumalabas pa rin sila paminsan-minsan ehh."

"Ahh, sa palagay mo ba may pag-asa yun sa pinsan mo?"

"Hindi ko alam. Para namang nakikisama lang siya doon sa tao. Hindi kasi siya nagkukwento pagkakatapos ng date nila. Laging si Tyron ang bukang bibig kahit pa naiinis siya."

"Ahh, baka hindi pa lang niya nare-realize na si Tyron pala talaga ang gusto niya."

"Siguro nga. Nauuna kasi sa kanya palagi ang inis."

"Ano ba namang lagi niyang ikinaiinis kay Tyron eh mabait naman ang kaibigan ko."

"Ewan ko nga ba sa babaeng iyon, siya lang ang bukod tanging/walang amor kay Tyron."

"Baka naman babae din ang hanap ng pinsan mong iyon kaya ayaw sa gwapo."

"Sira ka talaga, babaeng babae yung pinsan ko ano!"

"Eh bakit ayaw niya kay Tyron?"

"Yun ang hindi ko alam. Malay natin, masagot na ang mga tanong natin sa pag-uwi ni Tyron."

"Sana nga. Nahihirapan na kasi si Tyronnsa trato sa kanya ni Shantal. Alam mo bang si Shantal ang first love noon, at kahit minsan ay hindi pa yun nagkaka-girlfriend dahil si Shantal nga ang hinihintay."

"Talaga ba? Ang alam ko kasi ay madaming nagkakadanrapa at nagkakagusto kay Tyron."

"Totoo naman yon, kaya nga lang, sa isang babae lang siya nakatingin. At kay Shantal lang."

"Ang swerte pala ni Shantal kapag nagkatuluyan sila, sigurado akong hindi magloloko si Tyron."

"Sigurado yon. Hayaan mo, itetext kita kapag pauwi na si Tyron."

"Sige, salamat."

**
"Couz, nakausap ko si Kev, nasa Canada daw si Tyron, nabisita sa mommy niya."

"Ahh,"

"At sasabihan na lang daw tayo ni Kev kapag pauwi na si Tyron."

"Ahh, okay."

"Ano ba naman yang sagot mo, okay ka lang ba?"

"Okay lang ako, huwag mo akong pansinin."

"Siguro, namimiss mo si Tyron, ano? Wala kasing nangungulit sayo simula ng umalis siya."

"Hindi ko siya namimiss no. Bakit ko naman mamimiss yun. Mabuti nga at natahimik ang buhay ko simula nung umalis siya."

"Sus, kunyari ka pa eh, huwag mo ng ideny. Tayong dalawa lang naman narito."

"Hindi naman talaga."

"Okay, sinabi mo ehh."

**
"Tiffany, anak, dumating na ang kuya Tyron mo." sabi ng ina ni Tyron sa anak na si Tiffany.

"Talaga ba, mhie? Saan siya ngayon?"

"Naroon sa kwarto niya, nagpapahinga. Huwag mo munang abalahin, at pagod yan sa byahe."

"Sus, minsan lang naman siya dumating, hayaan niyo na." sabi ni Tiffany at pumasok sa kwarto ng kapatid. Nang makita nitong nakahiga ang kapatid ay bigla na lang nitong dinambahan si Tyron. "Kuya!" gising nito sa kapatid. Dahil sa pag-alog na ginawa ni Tiffany, napilitang magmulat ng mata si Tyron.

"Oh, nandyan ka na pala, hindi mo naman namiss ang kuya, ano?" sabi ni Tyron at niyakap si Tiffany.

"Hindi naman nga! Kumusta ka naman, kuya? May girlfriend ka na ba?" tanong nito habang nakahiga sa tabi ng kapatid.

"Wala pa, bakit?"

"Ay, daig kita, ako may boyfriend na." pagyayabang ng dalagita.

"Sus, magtigil Boyfriend ka diyan, eh ang bata-bata mo pa kaya, isumbong kita diyan kay Tito eh." sabi ni Tyron at ginulo ang buhok ni Tiffany.

"15 na kaya ako. So pwede na akong mag-boyfriend."

"Gusto mo ng mag-boyfriend pero hindi ka pa naman marunong magbilang. 11 ka pa lang, no!"

"Eh after 4years, 15 na ako, ganoon lang yon, kuya."

"Huwag ka munang magmadalingbtumanda, Tiffany. I-enjoy mo muna ang pagiging bata mo. Maglaro ka kagaya ng ibang batang ka-edad mo, hindi yung pagbo-boyfriend na agad ang nasa isip mo."

"Sus, eh ikaw nga diyan, matanda na pero wala pa ring girlfriend. Siguro torpe ka, no kuya?"

"Hoy, hindi ahh. Hindi lang talaga ako gusto ng babaeng mahal ko."

"What?!! May babae palang kayang iresist ang charm ng gwapo kong kuya. Baka naman hindi tao yung nagugustuhan mo, kaya hindu ka makapasa-pasa sa standards niya."

"Baka nga. Baka nga anghel na bumama sa lupa ang babaeng iyon. Kaso napakataray naman niya para sa isang anghel. Nakakatakot."

"Naku, alam ko na kung ano yung babaeng gusto mo, hybrid un. Pinaghalong anghel at dragon." sabi ni Tiffany at tumawa ng malakas.

"Ewan ko sayong bata ka. Sari-sari ka rin ehh. Buti naman at magaling ka pa ring magtagalog."

"Syempre, sinasampal kaya ako ni mommy kapag lagi akong nag-eenglish dito sa bahay."

"Ay grabe naman si mommy."

"Okay lang, isang beses lang naman akong nasampal. Haha, tsaka hindi naman masakit, nagulat lang ako."

"Ahh, kaya sa susunod, ubusin mo muna ang english mo sa labas ng bahay bago ka umuwi."

"Ganoon na nga ang ginagawa ko. Kelan pala ang uwi mo, kuya?"

"Baka sa monday, bakit?"

"Pwede ba akong sumama?"

"Pauwi sa Pilipinas? Itanong mo kay mommy."

"Sige, kapag pinayagan ako, isasama mo ako ha."

"Bakit mo ba gustong sumama pauwi eh wala ka namang kilala doon?"

"Gusto ko lang makita yung mahal mong hybrid." sabi ni Tiffany at ngumisi.

"Ano namang gagawin mo kapag nakita mo na?"

"Secret, ako ng bahala. Don't worry, hindi ka naman mapapahiya."

"Siguraduhin mo lang at ililigaw kita doon kapag pinahiya mo ako sa harapan niya."

"Oo naman, magpapasalamat ka pa sa akin kapag nagkataon."

~EndOfChapter27~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon