Chapter TWENTY

485 11 0
                                    

Chapter 20

~Tyron's POV~

"Jane!" tawag ko sa pinsan ni Shantal.

"Oh, Tyron, kumusta na?"

"Bakit mo kinakausap yung Frank na iyon?" tanong ko. "Anong pinag-usapan niyo?"

"Ah, yun ba? Nagpapatulong kasi siya sa akin kung paano niya makakasama si Shantal."

"Eh anong sabi mo?"

"Sabi ko, oo."

"Ha? Bakit? Akala ko ba tayo ang kampi, bakit mo tutulungan ang lalaking iyon?"

"Ikaw naman talaga ang manok ko. Pero syempre, kailangan niyong lumaban ng patas. Hindi ka pa naman boyfriend ni Shantal kaya literally, pwede pang manligaw si Frank sa kanya."

"Hindi yon pwede!"

"Kung gusto mong sayo mapunta si Shantal, di paghirapan mo. Mag-effort ka."

"Sige, game ako diyan. At sinisigurado ko sayo na ako ang pipiliin ni Shantal, unang-una ay dahil manyak ang lalaking iyon."

"Kung ganoon, wala kang dapat ikatakot. Gawin mo lang ang dapat mong gawin."

"Tama ka."

"Syanga pala, gusto ko lang malaman mo na may date sina Shantal at Frank sa wednesday. Kung gusto mong mang stalk, okay lang, pero huwag na huwag kang makikialam sa kanila. Kung sa palagay mo ay hindi worth it si Frank sa atensyon ni Shantal, hayaan mong si Shantal mismo ang makakita noon, maliwanag?"

"Oo naman, salamat ha."

"Ginagawa ko ito dahil alam kong hindi mo naman paiiyakin si Shantal kung sakaling maging kayo, tama ba?"

"Oo naman, hinding hindi ko talaga siya paiiyakin. Salamat talaga."

"Sige, itetext ko na lang sayo kung saan sila magdidinner. Basta huwag kang magpapakita o makikialam."

"Oo, tatandaan ko yan."

"Sige, alis na ako."

"Sige."

"Dude, kailangan ko ng tulong mo." sabi ko kay Kev.

"Oh, bakit, anong meron?"

"May dinner mamaya sina Shantal at yung Frank na yun sa resto ng tito mo, pwede kaya akong mag-waiter doon ngayong gabi?"

"What? Are you serious? Bakit mo kailangang mag-waiter?'

" I just want to be around. Gusto kong malaman kung maiilang ba si Shantal sa dinner niya kung makikita ba niya ako sa paligid."

"Akala ko ba kabilin-bilinan sayo ni Jane na huwag kang makiki-alam o magpapakita man lang kay Shantal?"

"Hindi naman ako makiki-alam eh, gusto ko lang talaga siyang mabantayan, wala kasi akong tiwala sa tarantadong iyon eh, baka kung ano pang gawin kay Shantal."

"Pwede ka namang magbantay ng hindi ka magwe-waiter eh, mahahalata ka lang lalo na mwy gusto ka talaga kay Shantal."

"Ano naman, ay yun nga ang gusto kong mkita ni Shantal ehh."

"Eh paano kung makita ka din nung Frank?"

"Huwag kang mag-alala, magdi-disguise ako, para hindi nila makilala."

"Hay naku, ewan ko sayo. Bahala ka na, diskarte mo yan eh, sasabihin ko sa tito ko."

"Salamat, dude."

"No problem. At kung sakaling mabuking ka, huwag mo akong idadamay ha, baka pati saken ay magalit si Shantal ehh."

"Oo naman, hindi kita idadamay."

Saktong 6:30pm ng dumating sina Shantal. Simpleng dress lang ang suot niya pero lutang na lutang ang ganda niya. Nakita ko kung paano asikasuhin ng lalaki sa Shantal, kahit paano naman pala ay may pagka-gentleman ito.

Lumapit ang waiter para kuhanin ang order nila. Sa kabilang table naman ay mayroon ding naka-upo at kinukuhanan ng order. Pumasok sa kitchen ang mga waiter. Tinanong ko agad kung anong order nung nasa katabing table nina Shantal at agad akong nagprisintang ako na ang magdadala.

"Sigurado ka bang gagawin mo to?" tanong ni Kev na kasama kong nagtatago sa kitchen. "Pwede ka pang umatras."

"Hindi. Itutuloy ko ito, kahit ano pang mangyari." sabi ko. Pinauna ko muna yung waiter na may dala ng pagkain nina Shantal at saka ako sumunod. "Here's your order, Ma'am, Sir. Enjoy your food." sabi ko sa customers at ngumiti pa.

"Thank you." sabi ng lalaking customer. Hindi agad ako napansin ni Shantal pero nakita naman ako ng kasama niya

"Hey!" tawag pansin ng lalaki. Bastos talaga eh.

"Yes, Sir? May order pa po ba kayo?" magalang kong tanong kahit gusto ko ng sakalin ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Hindi ba, ikaw si Tyron Montenegro?" tanong nito. Biglang napatingin sa lalaki si Shantal ng marinig ang pangalan ko.

"Ha? Sino kamo, si Tyron? Malabo naman ata na yang waiter na yan ay maging si Tyron," sabi ni Shantal na sinulyapan lang ako.

"Pero si Tyron talaga ito, tingnan mo." sabi ng lalaki.

Tumingin nga sa akin si Shantal. Nakakunot ang noo niya at para bang kinikilala pa akong maige kaya ngumiti ako at bumati. "Hi, Shantal, nandito ka pala?"

Nanlaki ang mata ni Shantal ng makita ako. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito, at bakit ganyan ang suot mo?"

"Hindi na mahalaga kung bakit ako narito, ang maalaga ay mag-enjoy ka sa dinner niyo. Mauna na ako." paalam ko.

"Pero...."

"Hayaan mo na siya, Babe, kumain na tayo." narinig kong sabi ng lalaki. Wala na, distracted na si Shantal. Kada may mapapadaan na lamang na waiter ay tinitingnan na mabuti ni Shantal kung ako ba yon. Maya-maya ay hininge na ni Frank ang bill.

"Eto na ang bill niyo." sabi ko pgkaabot ng bill. Agad naman iyong binayaran ni Frank at inalalayan sa paglabas si Shantal. "Mag-iingat kayo." pahabol ko at nakita kong lumingon pa si Shantal bago tuluyang lumabas.

"Kumusta ang plano mong idistract si Shantal, effective naman ba ang pagsulpot mo bilang isang waiter?" tanong ni Kevin.

"Effective syempre. Ako pa ba? Tsaka hindi mo ba nakita yung mukha niya nung nakita niya akong nakabihis pang waiter, gulat na gulat siya. Sigurado akong hindi na ako mawawala sa isip niya ngayon."

~EndOfChapter20~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon