Chapter ONE

1.8K 27 0
                                    

Chapter 1

~Shantal's POV~

"Shantal, may sulat ka na naman."sabi sa akin ng pinsan kong si Jane sabay abot ng sulat.

"Kay Tyron na naman ba galing yan?"inis kong tanong.

"Aba malay ko. Wala namang nakalagay sa sobre kung kanino galing eh. Basahin mo kaya."sabi niya.

"Akin na nga,"sabi ko sabay kuha ng sulat at tiningnan. "Kay Tyron nga."sabi ko matapos pasadahan ng tingin ang sulat na hawak ko.

"Paano mo ba nasasabing kay Tyron galing ang mga sulat na dumadating sayo?"tanong niya.

"Jane, how many times do I have to tell and to remind you na ako ang classroom secretary for almost four years at kabisado ko na ang mga hand written ng bawat isang kaklase natin starting from first year? At alam kong sulat ni Tyron ang mga yan."sabi ko sabay tapon sa kama ng sulat.

"Eh, nandoon na tayo. Pero paano kung siya nga ang nagsulat pero iba ang talagang nagpadala?"

"What do you mean?"

"What I mean is, paano kung nagpasulat lang sa kanya ang tunay mong admirer? Hindi naman malabo yon, di ba?"

"Yah, you have a point. Pero kung ako ang admirer, kung magpapasulat ako ng love letter doon na sa maganda ang hand writing. At hindi kay Tyron na pangit magsulat."

"Oo nga no?"sang-ayon niya ng makapag-isip-isip. "So siya talaga ang admirer mo?"

"Siguro. Nakakainis na nga eh. Halos araw-araw ay may sulat sa locker ko. Tapos hanggang dito sa bahay may nadating pa rin?"

"Eh bakit ba hindi mo kumprontahin si Tyron at sabihing tigilan na ang pagbibigay ng sulat sayo?"

"Ayoko ngang lumapit doon, ang kausapin pa siya. Bahala siyang mapagod magsulat. Hindi ko naman binabasa eh."

"What? Bakit naman hindi mo binabasa? Ayaw mo bang kiligin?"

"Kiligin? Ang malamang kay Tyron galing ang mga sulat na yon, kinikilabutan na ako, paano pa ako kikiligin?"

"Eh bakit ka naman kinikilabutan? Gwapo naman si Tyron ah. Pamatay pa nga ang dimples niya. Ano bang ayaw mo sa kanya?"

"Ewan ko ba. Kapag nakikita ko siya, pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko. Naiinis ako kasi masyado siyang playboy."

"Playboy ba siya? Parang hindi naman. I think, talagang friendly lang siya pagdating sa girls."

"Friendly? Kaya ba sa tuwing makakakita siya ng magagandang babae eh nangingindat at pinalalabas pa niya ang dimples niya?"

"Yah. But wait, akala ko ba naiinis ka sa kanya, pero bakit lahat ng yan napapansin mo?"nanunukso niyang tanong.

"What? Lahat naman nakakapansin noon, no?"dipensa ko.

And it's true. Lahat ng babae napapansin ang kagwapuhan ni Tyron. Yes, he's truly gwapo. May dimples, maputi at maganda ang katawan.

Isa lang naman ang ayaw ko sa kanya, ginagamit niya ang pagiging gwapo niya para magpaiyak ng mga babae. At yan ang dahilan kaya inis ako sa kanya.

"Hoy! Bakit tulala ka diyan?"

"Ah, eh wala!"pagsisinungaling ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Wala lang. Wala kasing magawa sa bahay kaya pumunta na lang ako dito."

"Ganoon ba? Tamang tama. Kailangan ko nga ng kasambahay. Tanggap ka na."biro ko.

"Hala! Ayoko nga. Buhay prinsesa na ako sa bahay, magpapa alipin pa ako sayo, eh alam ko namang wala kang ipapasweldo sa akin."

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon