Chapter FORTY-EIGHT

458 10 0
                                    

Chapter 48

~Narrator's PoV~

Makalipas ang mahigit isang buwan, nagsimula na ulit mag-aral ang ating mga bida, at this time, college students na sila. Mas seryoso, mas hectic, at mas malapit na para maabot ang kani-kanilang mga pangarap.

Business Administration ang kinuha ni Tyron, dahil sa kumpanya ng kanyang ina na siya ang mamamahala samantalang Psychology naman ang kay Shantal. Kahit pa gaano sila ka-busy sa pag-aaral ay nabibigyan pa rin nila ng time ang isa't-isa na magkasama kahit once a week.

"Babe, kumusta ang week mo?" tanong ni Tyron ng magkita sila, sabado ng gabi.

"Hay, nakakapagod dahil may quiz na naman, tapos research pa, pero masaya naman kasi marami akong natututunan. Kumusta naman ang sayo?"

"Ayun, duling na ako sa kababasa ng numbers at graph. Pero maganda ka pa rin namam sa paningin ko." biro ni Tyron.

"Sus, ikaw talaga, binobola mo na naman ako."

"Aba'y hindi ah. Totoo ang sinasabi ko. Hindi ka na ba humaharap sa salamin at hindi mo alam?"

"Hindi na nga. Lagi kasing nagmamadali sa umaga eh."

"Eh di sa gabi ka manalamin, bago matulog."

"Ayoko, baka makakita ako ng mumu sa likuran ko."

"Sus, wala yan. Isipin mo na lang na baka stress din siya sa umaga kaya sa gabi na lang din siya nananalamin." natatawang sabi ni Tyron.

"Ay naku, kahit kelan ka talaga. Kumusta na nga pala sina Mommy at Tiffany?"

"Mabuti naman sila. Miss na daw ni mommy ang future daughter-in-law niya." naka-ngising sabi ni Tyron.

"Weh? Ikaw lang nagsabi ng 'future daughter-in-law' eh."

"Aba, hindi ha! Nagtatanong na nga din sila kung mayroon na daw laman yan." sabi ni Tyron at hinawakan ang tiyan ni Shantal.

"Meron, bituka at atay. Tigilan mo ako sa mga banat mo na yan, hindi mo ako madadala."

"Sayang naman. Baka lang kasi kako makakalusot." pa-cute na sabi ni Tyron.

"Nasabi ko na naman sayo, di ba? May pangarap pa ako, tsaka mga bata pa naman tayo, maano ba namang ienjoy muna natin ang buhay natin bago tayo pumasok sa pag-aasawa at pagiging magulang. Baka kung kelan nandoon na tayo, saka natin marealize na marami pa pala tayong pwedeng gawin at marating sa buhay, pero hindi na pwede dahil nakatali na tayo."

"Pwede mo pa rin namamg matupad ang mga pangarap mo kahit kasal na tayo eh. Kung gusto mo, huwag muna tayong mag-baby, kasal na lang muna. Okay lang sa akin yon."

"Pag-iisipan ko muna, pwede?"

"Sige, pero sana bilisan mo lang ha?"

"Sige."

Lumipas na ang araw, linggo at buwan, pero hindi pa rin nakakapag-desisyon si Shantal. Mas focus siya sa pag-aaral niya. Gusto niyang makatapos ng may karangalan kaya handa siyang gawin ang lahat, kahit pa ang mawalan ng oras para kay Tyron, makuha lang ang minimithi niya.

"Kumusta na, Couz?" bati ni Jane ng minsang bisitahin niya ang pinsan.

"Mabuti naman, eto subsob sa pag-aaral. Ikaw, baka puro lalaki ang inaatupag mo ha."

"Aba, nag-aaral din po ako, ano? Sa palagay mo ba ay papayag sina mama na hindi ko pagbutihin ang pag-aaral ko? Binging bingi na nga ako sa agi nilang sinasabi sa akin eh, ' Abah, Jane! Mag-aral ka ng mabuti. Daig na daig ka ng pinsan mo eh, siya pa yung walang pumupokpok para mag-aral ay siya iyong subsob kung mag-aral samantalang ikaw, para na nga akong sirang plaka sa kasesermon sayo pero wala a ring nangyayari!'"

"Sinasabi yan sayo ni Tita?"

"Naku, pasalamat ka nga at wala ka sa bahay, para na nga iyong alarm clock eh, on time ang pagbubunganga."

"Sus, gusto kasi nilang maging maganda ang buhay mo pagdating ng araw, kaya nila ginagawa iyon, pagpasensyahan mo na lang."

"Ano pa nga ba. Eh teka nga pala, nakita ko nga pala si Tyron sa labas kanina, ang sweet talaga ng boyfriend mo na yon, palagi ka pa ring binibisita kahit sobrang busy siya sa pag-aaral."

"Nakita mo siya sa labas? Nagka-usap ba kayo? Anong sabi niya?"

"Teka, bakit ganyan ang tanong mo, meron ba akong hindi alam tungkol sa inyo?"

"Matagal na kasi yung huli naming pagkikita, hindi niya rin ako dinadalaw dito sa bahay, inisip ko na lang na baka busy siya kaya ganun." 

"Umamin ka nga, nag-away ba kayo?"

"Hindi naman kami nag-away. Baka lang nagtampo siya nung sabihin kong mag-aral na lang muna kami at huwagunang isipin ang pag-aasawa." 

"Tsk! Sinabi mo yon? Malamang na magtatampo yon. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal, tapos sasabihan mo ng ganoon, sinong hindi magtatampo." 

"Bata pa namam kami, marami pa kaming pwedeng gawin at saka na lang magpakasal." 

"Oo nga, pero pwede mo pa rin naman gawin ang mga gusto mo kahit kasal na kayo, unless hindi ka pa sigurado kay Tyron." 

"Ano ba yang sinasabi mo, syempre sigurado na ako sa kanya. Kaya nga nag-aaral akong mabuti para maipagmalaki niya ako eh." 

"Ipinagmamalaki ka na niya simula pa noong una, kaya walang pinagkaiba kung mataas ang makuha mong parangal sa kolehiyo o hindi." 

"Ang gusto ko kasi ay makapag-turo man lamang bago ako magka-asawa. Atleast masasabi ko sa sarili kong natupad ko ang pangarap ko." 

"Sige, kung iyan talaga ang pangarap mo eh, wala ng kahit na sino pa ang makakapagpabago ng desisyon mo, sana lang huwag mong hayaan na mawala pa si Tyron sayo. Kasi sa tanang buhay mo, wala ka ng makikilala pang katulad niya na magmamahal sayo." 

"Sige, tatandaan ko yan." 

~EndofChapter48~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon