Chapter THIRTY-TWO

469 13 0
                                    

Chapter 32

~Tyron's POV~
"Oh, ano namang ginawa niyo doon at ang tagal niyo bago lumabas?" tanong ni Jane sa akin pagkalabas ko ng kwarto ni Shantal.

"Wala naman, nagheart to heart talk lang naman kami ni Shantal, don't worry." sabi ko.

"Sure ka na yun lang?"

"Oo naman, handa naman akong maghintay kay Shantal, sana nga lang ay hindi na ganoong katagal ang ipaghihintay ko." sabi ko at biglang lumitaw si Shantal sa tabi ko.

"Wala kaming ginawa, huwag kang malisyosa." sabi ni Shantal sa pinsan.  "Sige, sabi mo ehh." hindi kumbinsidong sagot ni Jane.

"Mauna na kami," paalam ko. "Tiffany, tara na," tawag ko sa kapatid kong busy sa panonood ng cartoons.

"Aalis na tayo, kuya?" tanong nito.

"Oo, tara na, sa bahay ka na manood."

"Okay." sabi nito at lumapit kay Shantal. "Ate, sama ka sa bahay, marami akong ikukwento sayo." sabi nito habang hawak-hawak ang dalawang kamay ni Shantal.

"Naku, may gagawin pa kami ni Jane eh, di ba, Jane?" halata namang nagdadahilan lang si Shantal.

"May gagawin ba tayo? Parang wala naman. Sige, sumama ka na sa kanila." sabi ni Jane at kumindat sa akin. "Ihahatid mo si Shantal pauwi mamaya , ha, Tyron!"

Tinanguan ko si Jane, "Oo naman, ako ng bahala sa pinsan mo."

"Yehey!! Tara na, Ate." sabi ni Tiffany at hinatak na palabas ng bahay si Shantal."

"Wait lang, magbibihis muna ako." sabi ni Shantal.

"No need! Magsho-shopping na lang tayo mamaya, let's go!" sabi ni Tiffany kaya nawalan na ng choice si Shantal kundi ang sumama.

Habang nasa byahe kami pauwi sa bahay namin, magkatabi sa backseat sina Shantal at Tiffany. Naririnig kong may pinag-uusapan sila, tapos biglang tatawa. Kapag naman lilingunin ko sila ay bigla silang natigil sa pag-uusap. Malamang na ako ang pinag-uusapan ng dalawang yon.

"Kuya, sa mall tayo ha!" sabi ni Tiffany.

"At bakit?" tanong ko.

"Di ba, magsho-shopping kami ni Ate Shantal."

"Huwag na, Tiffany! Sa bahay lang naman ang punta natin ehh. Okay na itong suot ko." sabi ni Shantal.

"Hindi pwede, marami tayong gagawin, manonood tayo ng sine, pupunta sa arcade, kakain, at marami pang iba."

"Aba, may pera ka ba?" tanong ko.

"Wala. Pero ikaw, meron!" sabi ni Tiffany at tumawa ng nakakaloko.

"Aba'y mahusay ka ring bata ka!"

"Alam kong binigyan ka ni mommy ng budget para sa akin, isusumbong kita, sige." banta ni Tiffany.

"Oo na, basta 500 lang ang budget mo."

"What?! Hindi kasya yun! Isusumbong talaga kita kay mommy!!" sabi ni Tiffany at hinawakan ang phone niya. "Hello, mommy!"

"Oo na nga, basta huwag sobra.!"

"Yehey!!!"

Tanghalian na ng makarating kami sa mall. "Kuya, gutom na ako, kain muna tayo." aya ni Tiffany.

"Tara, gutom na nga rin ako eh." sagot ko. "Ikaw, Shantal, gutom ka na rin ba?"

"Medyo."

"Sige tara, kain na tayo." sabi ko at nagpunta kami sa isang fastfood resto sa loob ng mall.

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon