Chapter NINE

626 18 0
                                    

Chapter 9

~Shantal's POV~

"Couz, sorry kanina ha, hindi ko naman alam na nandoon din si Tyron eh."simula ni Jane habang nakatambay kami sa gym ng school.

"Okay lang yun, ano ka ba. Huwag mo ng isipin yon, okay?"

"Sige, hayaan mo, next time, sisiguraduhin ko munang wala siya bago ako magsalita ng tungkol sa kanya."

"O mas maganda kung hindi na natin siya pag-uusapan pa."suhestiyon ko.

"Tama ka diyan, couz. Tutal naman sabi mo ay wala kang feelings sa kanya kaya hindi na natin siya dapat pinag-uusapan."

"Tama."sabi ko at nagpalinga-linga. "Teka, bakit ba tayo pinapunta dito? Wala naman ata tayong gagawin dito eh."

"Oo nga ano?"

"Sino bang nagsabing may gagawin tayo ngayon dito?"tanong ko.

"Yung SSG President. May importanteng announcement daw kasi para sa ating lahat."

"Announcement? Ano kaya yun?"

"Baka magkakaroon tayo na party!"

"Siguro nga. Ayan na yung ibang mga estudyante oh."sabi ko at itinuro ang mga paparating na estudyante.

"Oo nga, baka nandito na din si Mr.President."

"Ayan na nga siya, nasa stage na."

"Attention, students,"tawag pansin ng SSG President namin, "magkakaroon tayo ng Acquaintance Party next friday."

"Yes! Party party party!"-Jane.

"Ang theme ng party ay black and white. For the ladies, you should be wearing gowns. We don't like dresses. And for the gentlemen, alam niyo na kung anong bagay sa isusuot ng mga ladies, and take note, with tie and black leader shoes. Understood?"

"Yes, Sir!"sang-ayon ng lahat.

"Very well, then. Boys, eto na ang chance niyong ayain ang crush, o gf niyo para inyong maka-date sa party. That's all. You can go now."

"Ayiee, couz, sino kayang mag-aaya sayo para maging ka-date sa party?"kinikilig na tanong ni Jane habang paalis kami sa gym.

"Naku, for sure, wala. Alam naman nilang hindi ako mahilig sa ganyang mga party eh. Tsaka bakit ba ang date ko ang iniisip mo? Dapat ang ispin mo ay kung sinong makaka-date mo."

"Okay lang naman sa akin kahit wala akong ka-date. Basta makita lang kitang kasama ang Knight-in-shinning-armor mo eh napakasaya ko na."

"Asus, drama mo."

"Hindi nga, couz. Kahit wala akong date, basta ikaw meron, ayos na sa akin."

"Hala, ikaw bahala. Sinabi mo eh."

"Sige, tara na. Kita na lang tayo mamayang uwian."

"Sige. Hintayan na lang ulit tayo sa may gate."

"Okay, see you."

Pagdating ko sa room, iisa lang ang topic ng lahat. Acquaintance party.

May ibang nakapili na ng partner, ang iba nag-iisip na kung ano ang isusuot.

Pero ako, wala pa akong idea kung saan ako kukuha ng isusuot ko at kung may magiging partner ba ako.

Sabagay, kung walang kumuha sa akin bilang partner nila, I'm pretty sure na hindi ako mag-iisa sa party dahil nandoon naman si Jane.

Napatigil ako sa pag-iisip ng makita kong papalapit sa akin si Clarisse. Ang pinakamayaman at feeling pinakamaganda sa school. Ano kayang kailangan nito?

"May-?"napatigil ako sa pagsasalita ng lagpasan niya ako.

"Hey, Tyron."bati nito kay Tyron na nasa likuran ko.

Ah, si Tyron pala ang pakay niya, akala ko ako.

"Can you be my date sa party?"diretsyong tanong nito.

Wow! Halatang type niya si Tyron para tanungin niya ng ganoon. Ano kayang isasagot ni mokong?

"I'm sorry, Clarisse, pero may date na kasi ako. Hanap ka na lang ng iba."

Woah! Tinanggihan niya ang campus queen. Ganoon nga siguro kaimportante sa kanya ang date niya para i-reject si Clarisse.

"What?! At sino naman yang date na ipinagmamalaki mo, ha? Is she more beautiful than me? More famous, to choose over me?"mataray na tanong ni Clarisse.

"She is the most beautiful and the kindest lady I've ever meet. And I love her so much."sagot ni Tyron at tumingin sa akin.

"What?" I whispered. Bakit kaya ako tiningnan ng lalaking ito?

"I hate you! You don't deserve my attention. Magsama kayo ng date mo!"sabi ni Clarisse at nag-walk out.

Sa halip na malungkot ay nakita ko pang ngumiti ng matamis si Tyron habang nakatingin sa akin.

"Woah, bro! Bakit mo naman ni-reject si Clarisse? Ikaw na nga ang nilapitan niya eh."tanong ng kaibigan niyang si Kev.

"Gaya nga ng sinabi ko sa kanya, may date na ako at kahit siya pa ang binansagang 'Campus Queen' hindi ko siya pipiliin dahil ang ka-date ko ang pinakamamahal ko sa buong mundo."

"At sino naman ang malas na babaeng iyon at nagustuhan ng isang playboy na tulad mo?"

"Hindi siya malas, in fact maswerte siya dahil handa akong magbago para sa kanya."

Wow, talagang mahal niya yung girl. Sayang lang at hindi ko siya binigyan ng chance noong nasa akin pa ang atensyon niya.

"Talaga lang, bro, ha? Goodluck sayo."

"Salamat. Sayo din."

"Sige, alis muna ako ha."

"Wait, Kev. May ipapagawa ako sayo."

"Ano yon?"

"Lumapit ka dito."

"Ano yon?"

Parang batang nagbubulungan sina Tyron at Kev. Maya-maya pa ay nakita kong nagsisimula ng mapangiti si Kev. Mukhang may binabalak ang dalawang ito. Sana naman ay matinong balak.

"Yon lang ba, no problem. Ako ng bahala."

"Sige, aasahan kita ha. Balitaan mo na lang ako sa magiging progress ng plano."

"Sige. Alis na ako at hahanapin ko pa."

"Sige. Make sure na hindi kayo mahuhuli."

"You can trust me on this."

Nakow! Huwag pahuhuli? Parang masama ang kutob ko dito ah. By the way, ano nga bang pakialam ko sa mga ito, bahala na sila.

~EndOfChapter9~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon