Chapter FORTY-THREE

419 14 0
                                    

Chapter 43

~Tyron's PoV~

"Good morning, babe." bati ko kay Shantal na bagong gising pa lang. Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng breakfast.

"Anong ginagawa mo?"

"Breakfast natin." sabi ko at iniabot sa kanya ang tasa ng kape. "Magkape ka muna at maligo, after na lang ang breakfast." sabi ko.

"Pwede ba akong mag-apply na boss sa bahay mo?"

"Bakit naman bilang boss? So ano ang posisyon ko kapag tinangap kita bilang boss?"

"Ikaw ang personal cook ko." naka-ngiti niyang sabi.

"Okay, tanggap ka na. Pwede ka ng magsimula bukas."

"Agad-agad? Ang bilis naman."

"Ganoon talaga, ikaw ba naman ang magkaroon ng boss na ganyan kaganda, ewan ko na lang kung mag-iisip ka pa." sabi ko.

"Sus, baka masanay ako niyan." sabi niya at this time ay siya naman ang nakayakap sa akin mula sa likuran.

"Gusto ko ngang masanay ka, para pumayag ka ng magstay sa bahay ko." sabi ko at humarap sa kanya.

"Hindi ba masamang tingnan kung magsasama tayo sa isang bahay ay hindi pa naman tayo mag-asawa? Tsaka ang babata pa natin, hindi naman natin kailamgang magmadali." sabi niya at sumandal sa dibdib ko.

"Siguro nga tama ka, sa ngayon ay kilalanin muna natin talaga ang isa't-isa para pagdating ng araw na magkasama na tayo sa iisang bahay, hindi na tayo maninibago."

"Tama ka. Kaya ngayon, ang asikasuhin muna natin ay ang pag-aaral natin. At marami pa akong bagay na gustong magawa at makuha." sabi ni Shantal.

"Bagay? Gaya naman ng ano?"

"Secret." sagot niya at humigop ng kape. "Sasabihin ko na lang kapag nakuha ko na, baka kasi tulungan mo pa ako, ng hindi ko alam."

"Promise, hindi ako makikialam, sabihin mo na sa akin."

"Hindi pa pwede." sagot niya at nagpunta na ng banyo. Pagkatapos niyang malogo ay ako naman ang naligo at kumain kami ng sabay. Dahil sa plano namin, hindi pa rin kami sabay pumasok.

"Hi, Tyron." bati ni Clarisse ng makita ako sa may canteen.

"Hello. Kumusta ka na?" naka-ngiti kong tanong. Kailangan kong maging mabait sa kanya kung gusto kong malaman kung saan ba talaga nanggaling ang mga litrato ni Shantal.

"Aba, mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ah, mabait ka ata sa akin ngayon?" tanong ni Clarisse at humawak pa sa braso ko. Kahit naiilang ako dahil nakatingin si Shantal mula sa di kalayuan, narelax ako nung tanguan niya ako.

"Mabait naman talaga ako, hindi ba? Kaya mo nga ako nagustuhan eh." sabi ko at inaya ko siyang magmeryenda.

"Tama ka diyan. At kahit hanggang ngayon ay gusto pa rin kita. Kaya nga ipinakita ko agad sayo ang pictures ni Shantal eh, hindi ba?" sabi ni Clarisse at sumandal pa sa balikat ko.

"Oo nga eh, salamat pala sa ginawa mong iyon, atleast nalaman ko agad bago pa naging kami."

"So, ibig sabihin, hindi mo na siya gusto?" tanong ni.Clarisse at inilapit pa ang mukha sa akin.

"Sino ba namamg magkaka-gusto sa isang babaeng sinungaling at handang manira ng iba para lang magustuhan siya ng gusto niya, hindi ba?" mukhang tinamaan si Clarisse sa sinabi kong iyon dahil nag-iwas siya ng tingin.

"Oo nga, ayoko din nga sa mga sinungaling na gaya niya. Desperada!"

"Kaya ikaw, kung gusto mong magustuhan kita, ngayon pa lang ay magsabi ka na kung may sekreto ka kesa malaman ko pa sa iba." sabi ko at tumayo na. "Mauna na ako ha, kita na lang tayo mamaya, may klase lang ako." sabi ko at iniwan na siya.

~Shantal's PoV~

Papunta sana ako ng canteen ng makita kong naroon si Tyron kasama si Clarisse. Masakit na makitang may ibang babaeng nakahawak sa kanya pero okay lang dahil alam kongnpalabas lang naman ang lahat ng iyon.

Nang makita kong napatingin siya sa akin, tinanguan ko siya para ipagpatuloy niya ang ginagawa niyang pag-iimbestiga kay Clarisse. May hinala kasi kaming siya mismo ang kumuha ng mga pictures na ikinalat sa internet.

Nakita ko si Frank na papalabas ng campus kaya sinundan ko siya. Tinext ko din ky Tyron ang gagawin ko para alam niya kung saan niya ko hahanpin kung sakali.

Naka-usap na ni Jane sina Jem, Case at Meg at sinabi nilang si Frank daw ay nagprisintang iuwi ako sa bahay ng gabing mahilo ako, kaya malamang na plano niyang lagyan ng gamot ang iced tea na ibinigay niya sa akin. At aalamin ko ngayon kung ano ba talaga ang dahilan niya.

"Frank!" tawag ko. Lumingon naman siya at tumigil ng makita ako.

"Oh, Shantal, wala ka ng klase?"

"Wala na. Saan ang punta mo?"

"Magkakape sana, tara." aya niya.

"Sige, may sasabihin din kasi sana ako." sabi ko at sumama sa kanya sa isang cafe.

"Ano ba ang sasabihin mo?" tanong niya. Inilabas ko ang phone ko at ipinakita sa kanya.

"Anong ibig sabihin ng mga yan?" tanong ko.

"Hindi ko alam ang bagay na yan, saan mo nakuha yan?"

"Huwag mo na akong paikutin. Tapatin mo ako, sinong may kagustuhan na mangyari ito? At sinong makikinabang sa mga consequences nito?"

"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Wala akong kinalama sa bagay na iyan."

"Please naman, Frank. Tinrato kita ng maayos noong nanliligaw ka pa lang sa akin, kaya ibigay mo na sa akin to, please."

"Kung aamin ba ako sayo, hindi ako madadamay sa mga pwedeng mangyari kapag lumabas ang mga larawan na yan?"

"Oo, at hindi ko din sasabihin na ikaw ang nagsabi ng mga impormasyong kailangan ko."

"Sige, sisimulan ko sa unang araw na nilapitan kita, nung acquaintance party. May nag-utos lang sa akin na lapitan ka para lubayan ka ni Tyron. Pati yung panliligaw ko sayo, hindi yun totoo, hindi dahil hindi kita gusto, kundi dahil may iba akong gusto." kwento ni Frank.

Namangha ako sa mga sinabi niya. Naintindihan ko na ang lahat. Alam ko na kung sino ang tunay na may galit sa akin para siraan ako ng kung sino, at ng masira ang kung anumang merom kami ni Shantal.

~EndOfChapter43~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon