Chapter TWO

863 23 0
                                    

Chapter 2

Lumipas ang maghapon na wala ang loob ko sa mga lectures ng aming prof. Lumipad ang utak ko buong maghapon.

Nakatingin lang kay Tyron na nagpapa-cute sa mga kaklase naming haliparot habang ako'y nag-iisip ng paraan para maka-usap siya ng personal.

Alam ko na! Gagawa din ako ng sulat at ibibigay ko sa kanya. Tama!

"Couz!"bati ko kay Jane at patakbo ko siyang pinuntahan sa aming meeting place.

"Oh, hinga muna. Mukhang may naisip ka ng idea ah kung paano mo kakausapin si Mr.Admirer mo ah."naka-ngiti niyang sabi.

"Yah. At ang kailangan na lang nating gawin ay hanapin siya at ilagay ito sa gamit niya para mabasa niya."sabi ko at ipinakita ang sulat sa kanya.

"Letter ba yan?"

"Yap! Dahil mahilig siyang magbigay ng letter sa akin, sa ganitong paraan ko din siya pwedeng kausapin."sagot ko.

"What do you mean? Magiging mag-penpal kayo?"

"Hindi no. Ibig kong sabihin, sa pamamagitan ng sulat ko sasabihin sa kanya na gusto ko siyang makausap in private."paliwanag ko.

"Ow? Nice idea. So, ano pang ginagawa natin dito? Halika na at hanapin na natin si Mr.Admirer mo."

"Sige, pero saan tayo unang maghahanap?"tanong ko.

"Nakikita mo ba ang mga chikas na yon?"tanong niya sabay turo sa mga babaeng nagpalda pa ay bitin naman.

"Oo, bakit?"taka kong tanong.

"Stalker yan ni Mr.Admirer. Sila ang magdadala sa atin sa kanya."proud niyang sabi.

"Wow, galing mo naman, couz. Paano mo naman nalaman yon?"

"Syempre, I have my sources. Basta trust me on this. Hindi tayo mabibigo dito."

"Okay, I'll trust you."sabi ko.

"Okay! Lets go!"sabi niya at mala-secret agents kami kung kumilos. Walang matitirang bakas. Walang ingay na maririnig mula sa amin.

Sa kasusunod sa stalker ni Tyron, nakarating kami sa basketball court ng campus. At tama nga si Jane, kung nasaan si Tyron, papunta din doon ang kanyang stalker.

He's playing. Maraming babae ang kasalukuyang nanonood doon. Hindi dahil sa laro kundi dahil siya ang naglalaro.

At habang nagpapakitang gilas sa paglalaro, halatang halatang nagpapa-cute din siya sa mga babaeng naroon. At nakakainis yon.

"Hey, couz! Natulala ka na naman diyan. Nasaan na ba ang sulat?"tawag pansin sa akin ni Jane.

"Oh."sabi ko saby abot sa kanya ng sulat. "Anong gagawin mo?"

"Ilalagay natin to sa gamit niya mamaya pagkatapos ng laro."

"Ha? Paano naman?"

"Ako ng bahala. Don't worry. Magaling ako dito. Trust me."sabi niya sabay kindat.

"Ngayon pa ba naman kita pagdududahan. Syempre I'll trust you. Basta ikaw na bahala diyan."

"Oo nga. Ako ng bahala. Basta kapag natapos ang laro, maupo ka lang dito at panuorin mo ang gagawin ko."

"Okay, sige."

"At habang hindi pa tapos ang game, mag-cheer muna tayo para sa kanya."sabi niya at inilabas ang dalawang plastic bottles sa bag niya.

"Para saan naman yan?"tanong ko.

"Para dito."sagot niya at pinaghampas ng malakas ang dalawang bote at nagsisigaw. "Go Tyron, go! Go Tyron, go!"

"Hoy, para kang sira. Tumigil ka nga riyan. Mamaya makikita ka na niya eh."saway ko at hindi nga ako nagkamali. Naka-tingin na nga sa amin si Tyron at naiilang na ako.

"Couz, saan ka na punta?"

"Uuwi na ako. Ikaw na ang bahala diyan. After mong ibigay yan sa kanya, umuwi ka muna sa inyo at sabihin mo kay Tita Marcy na sa bahay ka matutulog mamaya. Okay?"

"Okay, sige. Ingat sa pag-uwi. Ako ng bahala dito."

Pagka-alis ko sa court, dumiretsyo na ako sa pag-uwi. Nag-shower at isinulat ang mga gusto kong sabihin mamaya kay Tyron pag magkaharap na kami.

~EndOfChapter2~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon