Chapter TWENTY-EIGHT

430 12 1
                                    

Chapter 28

~Shantal's POV~

"Couz, Couz!" si Jane, ke aga-aga nambubulabog na naman.

"Ano yon?" tanong ko habang naglalakad palapit sa pinto.

"Couz, couz, bilisan mo!" hindi pa nakontento sa pagsigaw, kumatok pa na akala mo'y wala ng bukas.

"Ano na naman ba? Bakit balak mo pa atang sirain ang pinto ng bahay ko. Agang-aga nambubulabog ka."

"Magbihis ka na, bilis! 9am ang dating ng eroplano ni Tyron. Katatawag lang sa akin ni Kevin." excited na balita ni Jane.

"Paano yan, may klase tayo, di ba? Baka naman pwedeng huwag na tayong sumalubong. Darating din naman yun kahit na hindi natin siya salubungin."

"Ano ka ba naman? Syempre, iba pa rin yung makikita ka niya agad. I'm sure na matutuwa yun kapag nagkataon."

"Sa ibang araw na lang siguro ako haharap sa kanya."

"Ano ka ba? Alam ko namang gustong gusto mo na din yun makita, kaya tara na," sabi ni Jane at itinulak ako papasok sa bahay ko. "magbihis ka na at ng maabutan natin siya. Traffic pa naman ngayon at weekdays."

"Hala sige na, maliligo naman muna ako."

"Sige, bilisan mo lang."

"Oo na, teka nga muna, ikaw ba ay naligo na?"

"Oo namam, ano palagay mo sa akin, takot sa tubig? Magmadali ka na at dadaanan tayo ni Kev dito, sabay-sabay na daw tayo sa pagsundo kay Tyron."

"Uyyy, may napapansin ako sayo ngayon." tukso ko.

"At ano naman? Na gumaganda ako? Hindi na bago yon, no! Matagal ko ng alam yon."

"Gaga! Hindi yon."

"Ay hindi ba? Eh ano pala?"

"Napapansin ko na napapadalas ang banggit mo sa pangalan i Kevin, anong meron sa inyo, ha? Don't tell me na nagkakamabutihan na kayo?"

"Yuck! Hindi no! Nagkataon lang na kaming dalawa ang tulay sa inyo ni Tyron."

"Tulay? Anong ibig mong sabihin?"

"Ah, eh, wala yun. Bilisan mo na lang diyan at mamaya lang ay nariyan na si Kevin."

"Oo na, parang mas excited ka pang makita si Kevin kesa makita si Tyron eh."

"Oy, huwag mo nga akong intregahin diyan. Magmadali ka na lang diyan."

"Oo na." Natawa na lang ako. Alam ko namang walang something doon sa dalawa, gusto ko lang talagang asarin si Jane.

8:30am, nakarating na kami sa lobby ng airport. Mas okay na daw na kami ang maghintay kay Tyron kesa siya ang maghintay sa amin.

"Yan, kamamadali mo sa akin, maghihintay pa tuloy tayo ng kalahating oras bago natin makita si Tyron." reklamo ko.

"Mas okay na yun, malay natin mapaaga ang arrival niya, di nandito na tayo para salubungin siya."

"Yung totoo, may bilin ka bang pasalubong sa kanya kaya atat kang salubungin yung tao?"

"Wala ha! Pero I'm sure na may dala yung pasalubong, lalo na sa iyo."

"Hindi na ako naasa. May dala siya at wala, okay lang sa akin,"

"Naks, okay lang kahit walang pasalubong kasi siya na mismo yung regalo para sayo, ganun?"

"Ay ewan ko sayo."

"Shhh, tahimik na kayong dalawa, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito ehh." saway ni Kevin.

"Sorry naman po. Anong oras daw ba talaga ang dating ni Tyron?" tanong ni Jane.

"Hindi ko sure. Basta yung last message niya sa akin ay malapit na daw magtake off ang eroplano."

"Mga anong oras yun?"

"Baka mga 45 minutes na ang nakakalipas."

"Ahh, ay di baka naka-landing na ang eroplanong sinasakyan niya?"

"Siguro. May kasama daw siya ehh." May kasama? Sino naman kaya ang kasama niya?

"Sino daw?" tanong ko.

"Hindi niya sinabi kung sino eh. Surprise na lang daw."

"May pasurprise surprise pang nalalaman yang kaibigan mo. Baka naman babae lang ang kasama niya, ha?" Hindi nga kaya babae ang kasama niya at baka girlfriend niya pa?

"Hindi ko nga alam. Kung alam ko ba naman, di sasabihin ko sa inyo."

"Naku, huwag lang talagang babae ang surprise niya at malilintikan yan sa akin! Alam na alam naman na kasama kami ni Shantal tapos mag-uuwi siya ng babae? Ano yon, nang-aasar? Ipangangalandakan niya sa amin na maraming nagkakagusto sa kanya at kahit anumang oras ay kaya niyang palitan si Shantal, ganoon?"

"Hindi naman ganoon si Tyron. Hintayin na lang natin ang pagdating ni Tyron at ng malaman natin kung sino ba iyong kasama niya."

"Ayusin ang niya talaga."

"Okay, relax ka lang," sabi ni Kev at hinimas ang magkabilang braso ni Jane.

"Naku, itigil mo nga yan, nachansing ka lang eh!" sabi ni Jane at inalis ng kamay ni Kev sa mga braso niya.

"Hoy, pinakakalma lang kita, assuming ka rin eh no? FYI, hindi kita type."

"Alam ko naman, kasi ang type mo, yung tipong kagaya ng type ko, LALAKI!"

"Aba, hindi ako bakla ha!"

"Ows, hindi nga?!"

"Magtigil nga kayong dalawa, mamaya niyo na ituloy yang lovers quarrel niyo, sa bahay." sabi ko. Natahimik naman ang dalawa at maya-maya ay may itinuro si Kevin.

"Ayun, ayun na si Tyron!" kumaway siya at nakita kong kinawayan din siya ni Tyron.

Nang mapagawi ang tingin ni Tyron sa akin ay nakita ko ang ngiti sa mga labi niya. Ngingitian ko din sana siya ng biglang may humagip sa braso niya at humawak doon. Iyon na siguro ng sinasabi niyang sorpres. Pero parang ang bata naman noon para maging nobya niya, pero malakas talaga ang pakiramdam kong may koneksyon ang dalawa dahil kita ko sa mga ngiti ni Tyron habang tinitingnan ang babae.

Dahil ayaw kong mapahiya kay Tyron at sa sarili ko, pinili ko na lamang na umalis ng walang paalam sa kanila. Kahit si Jane ay hindi ko sinabihan sa pag-alis ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero ayokong makita ng kahit na sino ang lungkot na nakapinta sa mukha ko ngayon.

Yung taong matagal na nanuyo sayo, kahit pa palagi mo siyang hindi pinapansin, yung akala mong hindi mapapagod para mahalin ka, ngayon ay makikita mong may kasama ng iba at masaya sa piling ng isa't-isa."

~EndOfChapter28~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon