Chapter TWENTY-THREE

455 13 2
                                    

Chapter 23

~Shantal's POV~

"Oh, anyare sa mukha mo? Bakit parang biyernes santo ang itsura?" tanong ni Jane ng magkasalubong kami.

"Paano ba namang hindi ay napagtripan na naman ako ni Tyron. Akalain mo ba namang tawagin niya akong 'mahal ko' dito sa campus. Pinagchichismisan tuloy ako ng mga walang magawa sa buhay."

"Oh, ano namang masama sa ginawa niya, di ba nga may gusto naman yun sayo kaya siguro tinawag ka niya ng ganoon."

"Pero kahit na. Unang-una, hindi naman niya ako girlfriend para tawagin ng ganoon at pangalawa, alam naman niyang nanliligaw sa akin si Frank. Ano na lang sasabihin ni Frank kapag nalaman niya ang nangyari."

"Concern ka ba kay Frank dahil may gusto ka na o dahil naaawa ka lang? Tsaka hindi pa rin naman kayo kaya wala pa diyang karapatang bakuran ka."

"Nandoon na ako, ay paano naman yung may mga gusto sa kanya, di ako na naman ang topic ng usapan nila."

"Hayaan mo na ang mga iyon. Naiinggit lang naman sila sayo dahil ikaw ang gusto ni Tyron at hindi sila. Tsaka pwede ba na huwag kang masyadong masungit doon sa tao, nakaka-awa naman eh."

"Eh paano naman kung maniwala nga ako na gusto niya ako pero talagang pinagtitripan niya lang ako, di ako naman ang kawawa."

"Alam mo, Couz, ngayon ko lang talaga narealize na ang manhid-manhid mo pala."

"Bakit na naman?"

"Sa palagay mo ba, eeffort ba si Tyron na magsulat ng love letters para sayo simula noong freshmen pa tayo hanggang ngayong senior na tayo kung trip ka lang niya? Hindi mo ba naisip na ang tagal ka na niyang hinihintay."

"Malay ko ba. Sinabi ko naman sayo na wala akong binasang kahit isang sulat na galing doon, paano ko malalaman nararamdaman niya."

"Di oras na para basahin mo ang mga sulat niya sayo, para kahit papaano ay masabi naman na hindi nasayang ang efforts niya sa pagsusulat ng lahat ng iyon."

"Ewan ko, bahala na."

"Hay naku, yan naman ang lagi mong sinasabi eh."

Napaisip ako sa mga sinabi ni Jane. Baka nga oras na para basahin kong lahat ang mga sulat ni Tyron para sa akin.
Pag-uwi ko, kinuha ko ang kahon ng sulat ni Tyron.

"Shocks, ang dami naman nito. Baka umagahin na ako sa pagbabasa ng mga ito. Yung huli na lang niyang sulat ang babasahin ko."

"Good morning, Shantal. Gusto ko lang sabihin na ang ganda mo kagabi. Sana nakatulog ka ng maayos dahil ang sarap ng tulog kasi nakita kita. Have a nice day! Tyron"

"Hay naku, nabasa ko na ito eh. Bahala na nga. Ayoko ng magbasa." itinago ko na ang kahon na puno ng sulat at nahiga.

"Oh, anong balita?" tanong ni Jane sa akin kinaumagahan.

"Wala. Tinamad na akong magbasa. Tsaka kahit naman mabasa ko sa mga sulat niya noon na mahal niya ako, malay ba natin kung yun pa rin ba talaga ang nararamdaman niya. Bahala na. Ayokong mag-asume kasi baka masaktan lang ako."

"Sige, ikaw ang bahala. Pero huwag mong pagsaraduhan ng pinto si Tyron kung hindi mo pa naman sinasagot si Frank."

"Oo, sige, gagawin ko yan."

"Syanga pala, kelan ulit ang date nyo ni Frank?"

"Hindi ko alam. Hindi naman niya ako inaaya eh. Baka nalaman na niya yung ginawa ni Tyron. Baka nadisappoint saken."

"Kung ganoon man ang nangyari, hayaan mo na. Ibig sabihin lang noon ay hindi ka niya ganoon kagusto."

"Siguro nga."

"Ay, maiba ako, pwede bang pahiram ng phone mo? May tatawagan lang ako?"

"Oo naman, eto."

"Naku, mahina ang signal, punta lang ako sa labas ha. Ibabalik ko agad, dito ka muna."

"Sige." lumabas si Jane at maya-maya ay may lumapit sa akin. Si Frank pala.

"Hi." bati niya.

"Hi din, kumusta?" tanong ko.

"Okay lang naman, ikaw? Mukha yatang hindi maganda ang mood mo ngayon ahh. May problema ka ba?"

"Wala naman."

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo ng dahil sa akin?"

"Boyfriend? Wala naman akong boyfriend."

"Sabi eh boyfriend mo daw si Tyron."

"Hindi ah! Ni hindi nga nanliligaw sa akin yun eh, paano ko naman magiging boyfriend."

"Ahh, yun kasi ang usap-usapan ehh. Pinagsisigawan pa nga daw ni Tyron."

"Yun na nga ang ikinaiinis ko ehh, sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung pag-uusapan nila ako, eh hindi naman nila alam ang tunay na kwento."

"Hayaan mo na lang sila. Nood na lang tayo ng sine para makalimot ka, gusto mo?"

"Kelan? Tsaka anong movie?"

"Mamaya sana. Kahit anong gusto mo. Romance, comedy, action, horror, kahit ano. Ikaw ang mamimili."

"Sige, sama ako diyan."

"Sige, okay lang ba kung after class ay pumunta na tayo?"

"Sige. Wala naman akong gagawin after class ehh." sagot ko. Bumalik na si Jane dala ang phone ko. "Oh, sino ba tinawagan mo, nakausap mo ba?"

"Si mama lang. Hindi ko nga macontact. Baka nasira na naman phone nun. Ibibili ko na lang kapag nagkapera ako."

"Mabuti pa nga at ng lagi mo siyang makumusta."

"Hi, Frank. May date kayo?" tanong ni Jane.

"Oo, movie date after class. Gusto mong sumama?"

"Naku, hindi na, next time na lang siguro. Salamat na lang."

"Sige, ikaw ang bahala." sabi niya kay Jane at bumaling sa akin. "Paano, punta muna ako sa iba kong subject. Sunduin na lang kita mamaya sa may gate."

"Sige." sabi ko at umalis na siya.

"Mukha namang deadma lang si Frank sa chismis, hindi ba?"

"Ewan ko. Pero tinanong niya ako kung boyfriend ko si Tyron."

"Anong sabi mo?"

"Malamang, HINDI. Alangan namang sabihin kong OO."

"Tama ka naman, tapos niyaya ka niya mag-movie? Bakit daw?"

"Para daw makalimot ako."

"Ay dapat iuntog na lang ang ulo mo sa pader, mas effective yun."

"Sira ka talaga, di namatay naman ako kapag nagkataon."

"Di mahina lang, para makalog lang utak mo."

"Ewan ko sayo, pumunta ka na lang sa klase mo at baka ma-late ka pa."

"Oo na po, ikaw rin."

~EndOfChapter23~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon