Chapter FORTY-TWO

415 14 0
                                    

Chapter 42

~Narrator's PoV~

Gaya ng napag-usapan nina Shantal at Tyron, hindi sila magkasabay ng pumasok. At buong maghanpon silang hindi nagpapansinan. Tinitingnan nila kung lalapit ba si Clarisse o si Frank.

Habang wala pang nangyayari sa pano ng dalawa, kumikilos naman sina Kev at Jane para mag-imbestiga. Iniimbestigahan ni Kev ang Unknown account na nagkalat ng pictures sa facebook habang si Jane naman ay yung tatlong research buddy ni Shantal ang iniinterview.

Pagsapit ng gabi, nagpupulong sila sa bahay ni Jane.

"Oh, ano ng progress sa plano niyong dalawa, may lumapit na ba sa inyo?" tanong ni Kev.

"Wala pa, pero nagpapapansin na sa akin si Clarisse sa malayo." sabi ni Tyron.

"Eh ikaw, Shantal?"

"Hindi pa rin nalapit si Frank. Feeling ko nga ay ginagawa lang distraction si Frank sa akin pero wala naman talaga siyang gusto sa kin." sabi ni Shantal.

"Ikaw naman, Jane?"

"Kahit paano naman ay may sense ang nalaman ko mula un sa tatlong bruha." simula ni Jane. "Nalaman ko na talagang nakiusap lang sa kanila si Frank para isama siya sa location ng interview. At nung gabing mahilo ka sa club at mawalan ng malay ay nagprisinta si Frank na siya ng bahala sayo. So pwedeng plano talaga ito ni Frank."

"Pero sino naman ang kasabwat niya at kumukuha ng mga pictures?" tanong ni Shantal.

"Yun ang dapat nating lalong alamin." sabi ni Tyron.

"So, paano, ganoon ulit bukas. At kapag wala ng ibang progress pa, gagamit na tayo ng dahas." sabi ni Jane at sinuntok pa ang palad.

"Grabe ka, Jane. Umamin ka nga, yung totoo, babae ka ba talaga?" tanong ni Kev.

"Aba'y oo naman. Gusto mong ipakita ko pa sayo ang pruweba?"

"Naku, hindi na. Salamat na lang." nagkatawanan sila dahil sa sagot ni Kevin.

"Magsi-uwi na nga kayo, kailangan ko ng magbeauty rest." taboy ni Jane.

"Naku, baka kahit mag rest ka kahit hanggang in peace ay walang beauty na makikita sayo." tukso ni Kev kay Jane.

"Anong sabi mo? Aba! Lokong to ah. Anong tingin mo sa akin, pangit?" napalakas ang boses ni Jane kaya nakagalitan siya ng mama niya.

"Jane, ang boses mo! Gabi na. Magsitulog na kayo." sigaw ng mama niya.

"Opo, ma. Uuwi na po sila."

"Sige na nga, bukas na lang ulit kami babalik dito." sabi ni Shantal.

"Sige, kahit hindi niyo na isama yan." turo ni Jane kay Kevin.

"Sus, for sure naman ay mamimiss mo ako kapag hindi ako sumama." sabi ni Kev.

"In your dreams." sabi ni Jane at umirap pa.

"Sige na, uuwi na kami. Good night, Couz."

"Okay, good night. Bye." ihinatid nina Tyron at Kevin si Shantal sa bahay nito.

"Gusto niyo ba munang magkape?" tanong ni Shantal.

"No thanks, ayokong mangitim." biro ni Kev.

"Arte! Ikaw, Tyron, kape?"

"Mauna ka na, Kev. Dito na muna ako." sabi ni Tyron.

"Okay, sinabi mo eh. Paalala lang, may pasok tayo bukas, huwag masyadong magpapakapuyat." sabi ni Kevin at ngumisi pa.

"Ang dumi talaga ng isip mo. Umuwi ka na nga." taboy sa kanya ni Tyron.

"Oo na, uuwi na po. Mag-iingat kayo!" pahabol pa nito at kumindat pa.

"Sira ulo talaga yun, kung anu-anong sinasabi. Tara na sa loob, malamig na." sabi ni Tyron at pumasok na sila. Ano kayang gagawin natin para mapaamin si Frank kung sino ba talaga ang may plano nung picture na yon? Tama kaya yung suggestions ni Jane na gumamit na tayo ng dahas?"

"Naniwala ka naman sa luka-lukang iyon? Baka kapag ginawa nati yon ay ipakulong pa tayo ni Frank."

"Pwede rin naman natin siyang ipakulong dahil sa ginawa niya sayo nung gabing yon."

"Pwede nga siguro pero ayoko namang umabot pa tayo sa hablahan. Naniniwala ka ba na may nangyari talaga sa amin ni Frank nung gabing yon?"

"Kung meron man o wala, wala na akong paki-alam. Ang mahalaga ay alam kong ako ang mahal mo."

"Pero talaga namang walang nangyari sa amin eh, alam ko. Alam ko ang katawan ko."

"Naniniwala naman ako sayo, at isa pa ay kilala kita. Alam kong hindi ka ganoong klase ng babae. Matino ka at higit sa lahat ay hindi ka sinungaling."

"Salamat, babe sa paniniwala at pagtitiwala mo sa akin. Mahal na mahal kita." sabi ni Shantal at hinawakan ang kamay ni Tyron.

"Mahal na mahal din kita." sagot naman ni Tyron at hinalikan ang kamay ni Shantal.

"Babe, pwede bang dito ulit ako matulog ngayong gabi?"

"At bakit? Hindi ka naman lasing kaya hindi mo sasabihin na hindi mo kayang magdrive pauwi."

"Wala lang. Gusto lang kita makasama ng matagal. Simula kasi ng mangyari ang eskandalo at magpanggap tayong hiwalay na ay hindi na kita masyadong nakakasama. Kaya sana kahit sa pagtulog sa gabi at pag gising sa umaga ay kasama kita."

"Sus, palusot mo. Gusto mo lang umiskor eh."

"Pwede ba?"

"Seryoso ka?"

"Oo sana, kug pwede."

"Hindi pwede. Dito ka matulog sa labas." sabi ni Shantal at pumasok na sa kwarto niya at inilock iyon.

"Babe, sorry na. Hindi na po, yayakap na lang ako, please babe, open the door."

"Hindi! Diyan ka lang sa labas." sabi ni Shantal.

Ilang oras ang lumipas at nakatulog na si Tyron. Lumabas si Shantal para tingnan ang nobyo at nakita niyang namamaluktot sa lamig si Tyron. Ginising niya ito at pinalipat sa tabi niya sa kwarto.

"Yakap lang, at wala ng iba pa." sabi ni Shantal at agad namang yumakap ang nilalamig na si Tyron.

~EndOfChapter42~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon