Chapter THIRTY-SIX

403 9 0
                                    

Chapter 36

~Tyron POV~

Mabigat ang loob kong iwanan si Shantal kahit alam kong two weeks lang naman akong mawawala. Kung wala lamg talaga siyang importanteng gagawin, isasama ko talaga siya kahit maubos pa ang budget ko para sa pag-asikaso ng mga kakailanganin niya makasama lang siya sa akin.

"Kuya, okay lang yan! Babalik ka pa naman eh, makikita mo pa si ate Shantal, kaya itigil mo na yang pag-eemote mo diyan. Isipin mo na lang na makakasama mo ulit kami nila mommy."

"Sige, yun na nga lang. At isa pa, gusto ko na din naman ulit makasama si mommy. Napaisip nga din ako tungkol sa kinwento mo saken tungkol kay mommy."

"Huwag mong sasabihin kay mommy na may sinabi ako sayo ha, magagalit sa akin yun."

"Oo naman. Dahil naman natulungan mo ako para mapalapit kay Shantal, magiging mabait ako sayo."

"Nga pala, kayo na ba ni ate Shantal?"

"Feeling ko, kami na. Pero sabi niya ay hindi pa niya ako sinasagot."

"Hay naku, baka naman hindi mo pa ulit siya tinatanong, paano ka niya sasagutin?"

"Hindi pa nga. Ano bang kailangan kong gawin?"

"Hay naku, kuya. Ako pa naman ang tinanong mo, malay ko din ba diyan."

"Oo nga naman, bakit nga ba tinatanong pa kita." napabuntong hininga na lang ako. Saka ko na lang ulit siguro iisipin kapag pauwi na ako.

"Naku! Arthur, nariyan na ang mga anak natin!" rinig kong sigaw ni mommy ng makita kaming papalabas na ng airport.

"Mommy!" nagtatakbong sinalubong ni Tiffany si mommy at ang daddy niya.

"Kumusta ang baby ko? Mabait ba naman si kuya sayo?" tanong ni mommy kay Tiffany at bago sumagot si Tiffany, tumingin muna ng nakakaloko sa akin.

"Si kuya ba, naku ma," simula ni Tiffany at tumingin ulit sa akin. Paktay kag bata ka sa akin kapag nilaglag mo ako kina mommy. "Okay naman kami ni kuya, ma. Actually, nag-enjoy nga ako sa pagtira sa kanya eh." sabi niya at dumila pa.

"Mabuti naman kung ganoon. Tara na sa bahay at ng makapahinga kayong dalawa." sabi ni Tito Arthur.

"Okay, daddy!" sabi naman ni Tiffany na nakayakap sa daddy niya habang naglalakad.

"Hindi ka naman ba pinahirapan ng kapatid mo, anak?" tanong ni mommy habang magkasabay kaming naglalakad. Naka-akbay ako sa kanya.

"Hindi naman po masyado, ma." biro ko.

"Salamat sa pag-aalaga mo sa kapatid mo, anak."

"Wala yun, ma."

"Anak, ready na ang dinner." gising sa akin ni mommy.

"Anong oras na po ba,?" pupungas-pungas kong tanong.

"8pm na, anak."

"Ganoon po ba? Sige po, ma, susunod na po ako. Mag-shower lang po ako." sabi ko.

"Sige anak. Hihintayin ka na namin at ng sabay-sabay tayong kumain."

"Mauna na kayo, ma. Pero madali lang po ako."

"Sige," sabi ni mommy at bumaba na siya. Nag-shower ako saglit at nagpunta na sa kusina.

"Kain na, anak." sabi ni Tito Arthur.

"Salamat po," tahimik kaming kumain at pagkatapos ay magkatulong kami ni Tiffany na maghugas ng pinagkainan.

"Salamat, kuya." sabi ni Tiffany ng makatapos kami sa gawain namin.

"No problem. Pahinga ka na." sabi ko kay Tiffany.

"Okat po. See you tomorrow. Good night."

"Good night din."

Alas diyes na pero gising pa ako. Siguro ay mahaba ang naging tulog ko kaya hindi pa man lang ako dalawin ng antok. Nandito ako sa harap ng fireplace.

"Anak, bakit hindi ka pa natutulog?" si mommy.

"Hindi pa po ako inaantok, ma."

"May problema ka ba, anak? Kanina ko pa kasi napapansing malalim ang iniisip mo." mommy ko nga siya, kahit matagal na kaming hindi magkasama, alam pa rin niya kapag may iniisip ako.

"Iniisip ko lang po si Shantal, ma."

"Yung matagal mo ng crush? Pinapansin ka na ba niya?"

"Opo. Sa totoo nga po niyan ay nililigawan ko na siya eh."

"Oh, di dapat ay masaya ka dahil may pag-asa ka na sa kanya."

"Masaya naman nga po ako na close na kami. Kaya lang, nahihirapan naman akong lumayo, dahil sa kanya."

"Ahh, kaya naman pala. Sa una lang yan, anak. At babalik ka din naman eh, magkikita din naman kayo."

"Opo nga. Pero nalulungkot pa rin po talaga ako. Gusto ko nga po sana siyang isama papunta dito, nagkataon lang na marami siyang inaasikaso sa school kaya hindi siya nakasama."

"Yun naman pala eh, ibig sabihin, gusto ka din niya makasama. Tsaka pwede mo naman siyang tawagan at ivideo call habang nandito ka."

"Ganoon na nga lang po gagawin ko habang nandito ako. Atleast, kahit paano ay magkakaroon tayo ng pagkakataong makapag-bonding." sabi ko at sumandal sa balikat ni mommy.

"Oo naman, anak. Namiss ka ni mommy." sabi ni mommy at niyakap ako. Niyakap ko din naman siya.

"Namiss din po kita, ma. Kung may paraan lang para magkasama na ulit tayo, gagawin ko. Bakit ba hindi na lang kayo bumalik sa Pilipinas?" tanong ko.

"Gusto ko, anak. Kaso wala naman kaming lulugaran doon. At isa pa, narito ang trabaho ni Tito Arthur mo, at nag-aaral pa si Tiffany. Kung uuwi kami sa Pilipinas, masasayang yung mga natutunan niya dito at magsisimula ulit siya sa umpisa. Bakit hindi na lang ikaw ang tumira dito sa amin?"

"Ma, alam mo naman po kung bakit hindi ako makaalis ng Pilipinas ng matagal, di ba? Noon, dahil lang kay papa, ngayon, isa na rin sa dahilan na rin si Shantal. Sana po maintindihan niyo."

"Oo naman, anak. Naiintindihan kita."

"Salamat ma."

"Walang anuman. Magpahinga ka na sa kwarto mo at malamig na rito. Huwag ka ng malungkot." sabi ni mommy at hinalikan ako sa noo. "Good night, baby."

"Good night, ma." pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Shantal. Nagring lang iyon pero walang sumasagot. Nagpasya na lang akong itext siya. "Babe, good morning dyan. I missed you already. Ingat ka today. I love you." sabi ko at isinend na ang text at natulog na.

~EndOfChapter36~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon