Chapter FIFTEEN

557 14 0
                                    

Chapter 15

~Shantal's POV~

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako talaga ang piniling ka-date ni Tyron ngayong gabi, kahit pa nagtapat na siya sa akin ng nararamdaman niya. Malay ko ba kung pinasasakay niya lang ako, di ba?

"Hoy, Couz, anyare sayo? Bakit tulala ka diyan?" tanong ni Jane na nakaupo na pala sa tabi ko.

"Ha? Eh, wala naman. Bakit naupo ka na, nasaan na ang ka-date mo?" tanong ko ng mapansing wala siyang kasama.

"Ah, ayun, nasa ibang table, nakikipaglandian." sabi ni Jane at uminom ng juice.

"At okay lang sayo?"

"Abay oo naman. Hindi ko naman boyfriend yon, bakit hindi ako magiging okay."

"Sabagay, may point ka naman diyan. Kumain na nga lang tayo." sabi ko at nilantakan na ang dessert na nasa table namin.

"Eh si Tyron, nasaan?"

"Ayun, nasayaw pa rin hanggang ngayon. Hindi na tinigilan ng mga babae eh, kada makikitang uupo ay aayaing sumayaw." sabi ko.

"At hinahayaan mo naman?"

"Bakit ko naman babawalan, hindi ko naman nobyo."

"Pero manliligaw mo naman."

"Hindi ko nga pinayagang manlogaw, remember?"

"Oo nga pala. So bakit parang malungkot ka?"

"Hindi ako malungkot no, antok lang." dahilan ko.

"Antok eh kaaga pa naman, wala pa namang 10 pm ah!"

"Nakaka-antok kasi ang music."

"Sus, kunyari ka pa, gusto mo lang maisayaw ulit ehh."

"Ni Tyron? Hindi na no! Tama na yung isang sayaw."

"Kumusta nga pala yung first dance niyo?"

"Ayos lang naman, para lang akong nakikipagsayaw sa floor mop."

"What?! Bakit naman sa floor mop? Hindi ba siya marunong magsayaw? Mukha namang marunong ahh!"

"Marunong nga. Pero yung feeling ko nung kasayaw ko siya ay katulad ng feeling ko kapag pinagma-mop ako kahit hindi ko gusto."

"Eh? Talaga ba? Wala ba talagang chance si Tyron sayo?"

"Sa ngayon, wala pa rin."

"Bakit parang naging bato naman ang puso mo pagdating kay Tyron?"

"Mahabang kwento." sagot ko at napabuntong hininga.

"So...." sabi ni Jane at tiningnan ako ng nakakaloko. "May history pala kayo ni Tyron ha, bakit hindi ko alam yun?"

"Marami ka pang hindi alam, Couz."

"I'm willing to listen. Kahit pa abutin tayo ng year end."

"No way! Hindi ako magkukwento ng kahit ano sayo!"

"But, why?"

"Dahil madaldal ka. So, puntahan mo na ang date mo at mamaya ay uuwi na tayo." taboy ko kay Jane.

"Sige na nga, makasayaw ulit. Bahala ka na muna diyan."

"Sige." pagkaalis ni Jane ay lumapit sa akin si Tyron.

"Hi." bati niya ng naka-ngiti.

"Hi." binati ko dim naman at ayokong magmukhang suplada. "Mabuti naman at pinaupo ka na ng mga babaeng yon."

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon