Chater THIRTY-ONE

452 13 1
                                    

Chapter 31

~Shantal's POV~

"Anong ginagawa mo dito?" si Tyron, nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"May gusto lang akong ipakilala sayo," sabi niya at may sinenyasan sa labas."

"Huwag na. Hindi ko na kailangang makilala kung sinuman ang kasama mo. Wala akong pakialam kung magkarelasyon man kayo, maaari na kayong umalis." sabi ko at tumalikod na.

"Shantal, ito nga pala si Tiffany, nakababatang kapatid ko." sabi niya.

"Eh, ano naman sa akin kung nakababatang kapatid mo siya?" tanong ko at ng marealize ang sinabi ko, napanganga na lang ako. WHAT? MAGKAPATID KAYO?

"Tama ang narinig mo, kapatid ko si Tiffany, Shantal at single pa rin ako, at mananatiling single hanggat hindi mo ako sinasagot." sabi niya.

"Hello, ikaw pala ang babaeng pinakamamahal ng pogi kong kuya, ako nga pala po si Tiffany, half sister niya, mother side." pakilala nung kapatid daw ni Tyron na Tiffany daw ang pangalan at bumeso pa sa akin.

"Magkapatid pala kayo." OH MY, kung anu-ano na agad ang sinabi ko eh magkapatid naman pala silang dalawa.

"Oo, magkapatid nga kami." sagot ni Tyron at ngumisi.

"Eh bakit ka naka-ngisi diyan?" tanong ko.

"Tiffany, doon ka muna sa labas, may pag-uusapan lang kami ni ate Shantal mo." utos nito sa kapatid.

"Ayoko pang magkaroon ng pamangkin, ha! Huwag muna kayong gagawa." biro ng bata at nagtatakbong lumabas.

"Pasensya ka na sa kapatid ko ha, matabil lang talaga dila noon palibhasa ay liberated, pero good girl naman yun."

"Mukha naman, pero bakit parang bata pa rin kung kumilos?"

"Bata pa naman nga iyon. 11 lang yon."

"Seryoso, 11 lang yung kapatid mong yon?"

"Oo, matangkad lang talaga, kaya napagkakamalang dalaga na."

"Ahh, okay."

"Nga pala, nakita kita kaninang umaga sa airport, bakit bigla kang nawala nung lapitan ko sina Kev at Jane?"

"Ha? Hindi ah, hindi naman ako nagpunta, baka kamukha ko lang sa malayo ang nakita mo, napagkamalan mo lang na ako."

"Bakit ba nagdedeny ka pa eh sinabi na sa akin nung dalawa na kasama ka nila kanina nung nagpunta sa airport?"

"Hindi naman ako nagdedeny, kaya lang...."

"Kaya lang, ano?"

"Kaya lang.... wala! Huwag mo ng isipin, bakit ka ba nandito?"

"Namiss kasi kita, hindi kasi kita nakita nung bago ako umalis, at nawala ka naman sa airport kanina, kaya pinuntahan na kita dito." sabi ni Tyron at niyakap ako mula sa likuran.

"A-anong ginagawa mo?"

"Hayaan mo muna akong yakapin ka kahit 5 minutes lang." sabi niya at nanatiling nakayakap sa akin.

"Ba-bakit ba? A-ano bang problema mo?"

"Hindi mo pa ba talaga nararamdaman na mahal na mahal kita? Kulang pa ba ang mga effort na ginagawa ko? Ano pa bang kailangan kong gawin para sagutin mo ako?"

"Hi-hindi ko alam, bakit ba tinatanong mo ako ng ganyan?"

"Dati kasi ang gusto ko lang ay pansinin mo ako, ngayon namang napapansin mo na ako, ang gusto ko naman ay ang sagutin mo ako. Pasensya ka na kung makulit ako, matagal na kasi akong nagtiyaga na tingnan ka lang, ngayong hawak na kita, lalong ayaw na kitang pakawalan, kaya please lang, sabihin mo na sa akin kung anong kailangan kong gawin para lang sagutin mo na ako."

"Tyron, please, hayaan mo munang mag-sink in sa akin lahat ng ito at ng makapag-isip-isip naman ako, pwede?"

"Oo naman, basta hayaan mo akong tulungan kang makapag-isip. Hayaan mo akong makasama ka pa rin."

"Parang date? Ganoon?"

"Oo, para makilala mo lalo ako. At ng mapatunayan ko talagang totoo ang nararamdaman ko sayo."

"May choice pa ba ako ngayon, eh ayaw mo ng bitiwan ang kamay ko." sabi ko at tumingin sa kamay kong kanina pa niya hawak hawak.

"Ay, sorry naman." sabi ni Tyron at binitawan na din sa wakas ang kamay ko. "So, simula bukas, sabay na lagi tayong papasok?"

"Sabay lagi? Kailangan pa ba yon?"

"Oo naman. Para makilala mo ako lalo at ng malaman ng ibang lalaki na hindi ka na nila pwedeng ligawan dahil nakareserve ka na para sa akin." sabi ni Tyron at ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi pa man kita sinasagot, binabakuran mo na ako, lalo na siguro kapag naging tayo, baka palagyan mo pa ako ng tattoo na TYRON MONTEVERDE's PROPERTY sa noo ang nakalagay?"

"Oo nga ano, pwede ko nga palang gawin yun, buti pinaalala mo." seryosong sabi ni Tyron.

"Seryoso ka, gagawin mo sa akin yon?" tanong ko. Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Tyron at tumawa ng malakas.

"Hindi, syempre. Hindi ko dudumihan ang maganda mong mukha. Sayang!" sabi ni Tyron at kumindat pa.

"Ay hindi naman ako papayag na palagyan mo ng ganoon eh,"

"So, official na tayo ha. Dating na ang status natin simula bukas."

"Ikaw lang ang nagsabi niyan. Bahala ka."

"Sus, kunyari ka pa eh, alam ko namang gusto mo rin. Pakipot ka lang." natatawang sabi ni Tyron.

"Ay, sobra ka naman. Tara na nga sa labas at baka kung anu-ano ng iniisip na kapatid mo, dahil ang tagal natin bago lumabas ng kwarto." sabi ko at lalabas na sana ako ng kwarto ng pigilan niya ako.

"Wait lang, may request lang ako." sabi niya at humarap siya sa akin.

"Ano ba yon, dalian mo lang."

"Pumikit ka."

"At bakit?"

"Basta pumikit ka na lang, para makalabas na tayo."

"Oo na, pipikit na, tapos?" tanong ko matapos pumikit. Nakiramdam ako kung anong gagawin niya, at nagulat na lang ako ng maramdamang dumampi ang labi niya sa noo ko.

"Mahal na mahal kita, Shantal. Huwag mong kakalimutan yan kahit anong mangyari."

~EndOfChapter31~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon