Chapter EIGHT

610 17 0
                                    

Chapter 8

~Tyron's POV~

"Ikaw naman kasi, kung hindi mo ipinilit na ubusin natin ang cake na dala ni Tyron kagabi, di sana hindi tayo na-late ng gising."narinig kong sabi ni Shantal.

Woah! Inubos nila yung dala kong cake? Mukhang mahilig sila doon ah.

"Sayang kasi kung hindi natin uubusin. Masarap naman di ba?"sagot ni Jane.

Masarap ba? Sayang, hindi ko natikman.

"Oo nga, kaso magkaatrangkaso naman yata tayo dahil sa katakawan."angal ni Shantal.

Trangkaso? Kapag nagkatrangkaso si Shantal, hindi ko siya makikita. Oh no!

"Hindi naman siguro."hindi siguradong sagot ni Jane.

"Sana nga."sagot ni Shantal.

Dapat talagang hindi ka magkasakit. Hindi ko kaya kayang hindi ka makita. Buti na lang may dala lagi akong gamot.

"Eto oh, gamot."sabi ko at iniabot ang gamot sa kanya.

"Nandito ka din?"halatang nagulat siya ng makita ako sa tabi niya. "Kanina ka pa ba diyan? Narinig mo lahat ng pinag-usapan namin ni Jane?"sunud-sunod niyang tanong.

"Medyo."sagot ko.

"Argh!"narinig kong sabi niya. "Thanks, but no thanks."sagot niya at iniiwas ang tingin sa akin.

"Oy! Anyare sayo? Bakit bigla kang tumahimik?"tanong ni Jane.

"Wala, tumahimik ka na lang din diyan."sagot niya.

"Eh bakit nga? Lagi ka na lang natatahimik kapag si Tyron ang topic natin."

Lagi ba akong topic ng dalawang ito? Pero bakit?

"Shhh-shhh-shhh. Tama na."natatarantang sabi ni Shantal.

"Oh bakit? Bakit ka namumula? Huwag mong sabihin nai-in-love ka na kay Tyron?"

"Shhh. Tumahimik ka na nga. Please."

"Uy, si Shantal. In-."

"Please, huwag ka ng maingay. Nandito siya sa tabi ko."pabulong niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

"What? Really? Patingin!"sabi niya at agad na sumilip.

"Hel-lo."bati ko.

"Oh?! Nandiyan ka pala talaga, Tyron. Hehe."natatawa niyang sabi at bumalik na sa dating pwesto

"Sabi ko sayo eh. Tumahimik ka na diyan at ng makapasok na tayo."sabi ni Shantal.

"Okie!"

Tumahimik na sila kaya rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa presensya ni Shantal. Ewan ko kung bakit pero talagang ang lakas ng epekto niya sa sistema ko.

"Okay! Well done everyone. Pwede na kayong pumasok sa mga klase niyo at siguraduhing hindi na muling male-late."sabi ni Mr.Corpuz.

"Yes, Sir."sagot ng lahat at isa-isa ng nagsipag-alisan.

Nakita kong paalis na din sina Shantal at Jane. Gusto ko sana siyang lapitan pero nahihiya ako.

"Hey, bro! Let's go. Ano pa bang ginagawa mo diyan?"tanong ni Kev at inakbayan pa ako.

"Ah, wala. Sige, tara na."

"Gusto mo ba ulit makapanligaw kay Shantal?"

"Hindi na muna ngayon, ayoko pa ulit mabasted."

"Don't worry, bro. Ako ang bahala. Trust me."

"Yan nga ang ikinababahala ko eh, ikaw ang didiskarte. Baka lalong mapasama."

"Hindi kita ipapahiya dito. Promise."

"Sana nga."

~EndOfChapter8~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon