Chapter TWELVE

569 15 0
                                    

Chapter 12

~Tyron's POV~

"Anlaki naman. Sobra sobra naman ito kung para lang sa party. Hindi ko matatanggap ito."

"Just take it. Kung may labis man dyan, itabi mo para sa gastusin ni Shantal. Alam ko namang ulila na siya at kailangan niya ng pang-araw-araw na gastusin. Sabihin mo na lang na sayo galing yan."

"Sure ka ba na ibibigay mo sa kanya ito?"

"Yes, I'm sure."

"Pero bakit?"

"Sobra kong mahal si Shantal kaya lahat ay gagawin ko para lang matulungan siya kahit hindi niya alam."

"Naku, maraming salamat. Hayaan mo, ako ng bahalang magbudget nito para sa kanya. Maraming salamat talaga."

"Wala yun, basta para kay Shantal. Sige na, pwede ka ng pumasok. Ingatan mo yang credit card at huwag mong ipapakita kay Shantal."

"Sige, teka pala, tungkol sa party."

"Anong tungkol sa party?"

"Paano ang magiging entrance namin?"

"Ah, okay. May date ka na ba?"

"Wala pa eh."

"Okay, ikaw Kev?"

"Wala pa rin."

"Good. Kayo na lang ang magka-date."

"Okay. Tapos?"

"Aabangan kayo ni Kev sa entrance ng hall na pagdadausan ng party, susunduin ka niya at sasabihin mo kay Shantal na maglakad siya hanggang gitna ng hall at nandoon ang date niyang naghihintay sa kanya. But remember, huwag mong sasabihin na ako ang date niya, okay?"

"Okay. Copy that. Papasok na ako. Kita na lang tayo sa party. Ako ng bahala kay Shantal."

"Sige."

"Bro, akala ko ba may date ka na kaya ni-reject mo si Clarisse kahapon?"tanong ni Kev ng makaalis si Jane.

"Oo nga."

"Eh paano si Shantal? Hindi naman pwedeng dalawa ang date mo."

"Isa lang naman ang date ko, at si Shantal yun."

"So mahal mo talaga si Shantal? Totoo na ba yan?"

"Oo, bro. Totoo na talaga to. Mahal ko na talaga siya."

"Well, that's good for you, bro. It only means na magkakaroon na ng tamang direksyon ang buhay mo."

"Yun ay kung matututunan din akong mahalin ni Shantal."

"So, anong plano mo ngayon?"

"Sa gabi ng party, magtatapat ako sa kanya ng feelings ko and hopefully she'll say 'yes'."

"Well, what if she say 'no'?"

"Then i'll do everything just to pleased her and love me back."

"Then, it's official. You're truly, madly, deeply in love with Shantal."

"Ewan ko sayo, Kev. Maghanap ka na din ng isusuot mo. Make sure na hindi mo ako matatalbugan."

"Oo naman. Ano bang isusuot mo?"

"White toxido. Kaya dapat, ibang kulay ang sayo, gets?"

"Okay. Sagot mo din ba ang isusuot ko?"

"No way. May mayaman kang chicks, di ba? Doon ka humingi."

"Wala na kami eh."

"That's your problem now."

"Grabe ka sakin, bro."

"Hindi ah. Kaya mo na yan. Simulan mo ng maghanap ngayon pa lang."

"Ano pa nga ba, makapasok na nga lang."

"Mabuti pa nga. Tayo na."

Mabilis na lumilipas ang araw, abalang abala ang mga estudyanteng itinalagang coordinator ng party.

Meron ng nagkakabit ng iba't-ibang palamuti sa gagamiting hall, gumagawa ng mga paper mosaic, naglalagay ng iba't-ibang klase ng ilaw, nag-a-arrange ng gagamiting tables and chairs at marami pang iba.

Excited na ang lahat para sa party. Excited na ang lahat para sa kani-kanilang mga date, lalong lalo na si Tyron.

Hindi na siya makapaghintay na dumating ang gabing kanyang pinakahihintay. Ang gabing ipagtatapat niya sa harap ng maraming tao ang kanyang pag-ibig para kay Shantal na dinadasal niyang maging pinaka-masayang gabi rin ng kanyang buhay.

~EndOfChapter12~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon