Chapter TWENTY-TWO

442 12 2
                                    

Chapter 22

~Tyron's POV~

"Psst. Psst." may kung sinumang nasutsot sa kung saan. May pangalan ako, kaya kung ako man ang tinatawag niya, mautas siya sa kasusutsot. "Psst. Tyron!" yan, kaganda ganda ng pangalan ko'y ayaw sasabihin. Si Jane pala ang natawag.

"Oh, bakit?"

"Bakit ka diyan! Ikaw ang bakit!"

"Ay bakit nga?"

"Di ba usapan natin ay sasabihin ko sayo kung saan ang punta nina Shantal pero hindi ka mang gugulo? Ay bakit nagpakita ka pa?" mahinang tanong ni Jane pero halata mong inis siya.

"Hindi naman ako nanggulo ah, gusto ko lang malaman kung madi-distract si Shantal kapag nakita ako."

"Ay oo naman. Kahit naman yata ako ay mag-iisip din kung bakit ang isang Montenegro ay bigla ko na lang na makikita sa isang resto bilang waiter. Nakakapag-isip naman talaga yun, di ba?"

"Hindi yon, bakit, ano bang sabi sayo ni Shantal?"

"Madami. Pero hindi mo na kailangang malaman. Sa susunod, hindi ko na sasabihin sayo kapag may lakad yung dalawa. Nanggugulo ka ehh."

"Kahit hindi mo ako sabihan, may paraan ako para malaman kung nasaan siya."

"Hala, nakakatakot ka!"

"Hoy, grabe ka naman, marami naman talagang paraan para malaman kung nasaan ang isang tao eh, hindi mo kailangang matakot."

"Paano naman?"

"Tracking device."

"At saan mo naman ilalagay?"

"Sa lagi niyang dala-dala kahit saan."

"Paano mo naman ilalagay ng hindi ka mahuhuli?"

"Hindi ako ang maglalagay, ikaw."

"Ay bakit ako?"

"Kasi mabait ka, di ba?"

"Naku, naku, kung hindi ka lang talaga gwapo, hindi ako pauuto sayo ehh. Sige na nga, ibigay mo na lang sa akin ang tracking device kapag meron ka na at ako na ang bahalang maglagay."

"Okay, thanks!"

"Mahal ko!" tawag ko kay Shantal ng makita ko siya sa hallway. Nakita kong lumingon siya kaya tinawag ko ulit siya. "Mahal ko, hintayin mo naman ako, aam kong narinig mo ako." sabi ko pero sa halip na tumigil sa paglakad si Shantal ay lalo pa itong nagmabilis.

"Bakit mo ba ako hinahabol?!" tanong niya.

"Tinatawag kita pero tumatakbo ka." sabi ko at inakbayan siya.

"Lubayan mo nga ako!" sabi niya at pilit na tinatanggal ang braso ko sa pagkaka-akbay sa kanya.

"Ayoko nga. Baka kasi kapag ginawa ko yun ay maagaw ka pa ng iba, mahirap na."

"Unang-una, hindi ako sayo kaya walang maaagaw sayo. At pangalawa, ni hindi nga tayo masasabing magkaibigan para akbayan mo ako."

"Di magsisimula ako sa umpisa, makikipagkaibigan ako sayo ngayon para bukas close na tayo at sa isang araw ay girlfriend na kita."

"In your dreams!" sabi niya.

"Bakit ba ang sungit monsa akin? Dahil ba sa Frank na iyon? Kayo na ba?"

"Wala kang pakialam sa kung anumang meron kami ni Frank. Labas ka na roon."

"Hindi naman ako nakikialam. Nagtatanong lang ako kung bakit palagi mo akong nire-reject, kapag sinabi mong nobyo mo na si Frank, titigilan na kita. Nobyo mo na ba siya?"

"Hindi pa, pero...."

"Wala ng pero. Hindi pa kayo kaya pwede pa kitang ligawan kahit anong oras ko gustuhin at hindi mo ako mapipigilan."

"Bahala ka sa buhay mo, mapapagod ka lang kung ipagpapatuloy mo ang gusto mo."

"Kung akala mo ay susukuan kita ng ganoon kadali, nagkakamali ka. Kapag sinagot mo si Frank saka lang kita titigilan." sabi ko at iniwan ko na siya.

"Kev, may kilala ka bang marunong maglagay ng tracking device sa phone?" tanong ko kay Kevin.

"Tracking device? Aanhin mo naman yon?"

"Gusto kong malaman kung paano ko malalagyan ang phone ni Shantal para alam ko kung saan siya nagpupunta at ng madali ko siyang mapuntahan."

"Ibang klase ka talaga. Una binigyan mo ng credit card tapos ngayon tracking device naman? Ano bang napasok sa isip mo?"

"Gusto ko lang maniguradong okay siya palagi."

"Paano mo naman malalaman kung base lang sa tracking device? Susundan mo?"

"Kung kinakailangan, gagawin ko."

"Baliw ka na nga, Tyron. Kumpirmado na."

"Baka nga."

"Sige, magtatanong tayo kung paano. Pero kapag nalaman natin, paano mo naman mahahawakan ang phone niya?"

"Si Jane na ang bahala sa bagay na iyon."

"Naks, di ikaw na ang maparaan. Sana lang ay maging successful ang balak mo."

"Oo naman, kelan ba naman ako nagplano ng palpak."

"Kaya nga ako'y bilib sayo ehh. The best ka!"

"Hala, tama na ang bola, trabaho na!"

~EndOfChapter22~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon