Chapter THIRTY-THREE

456 13 0
                                    

Chapter 33

~Shantal's POV~

Napangiti na lang ako ng maalala ang huling sinabi sa akin ni Tyron. "Mahal na mahal kita, Shantal. Handa akong ligawan ka ulit, araw-araw hanggang sa handa ka ng sagutin ako."

"Sana lang talaga totoo yang sinasabi mo. Dahil feeling ko ay nahuhulog na ako sa charm mo, Tyron. Ayokong masaktan sa bandang huli." sabi ko sa sarili ko habang naka-upo sa kama at pinagmamasdan ang litrato naming dalawa na kuha sa photobooth sa mall.

KRING .. KRING .. KRING ..
Unknown number Calling ....
0912*******

"Ah, baka si Tyron. Ang bilis naman nilang nakauwi." sabi ko bago sagutin ang phone. "Hello?"

"Sabi mo, hindi ka nasagot ng tawag ng hindi mo kilala?" sabi ni Tyron sa kabilang linya.

"Hindi nga, pero alam kong tatawag ka kaya inisip kong baka ikaw ang natawag kaya sinagot ko."

"Sus, hinihintay mo pala tawag ko, paano pala kung hindi ako tumawag, di napuyat ka sa kaaantay?"

"Hindi naman siguro, patulog na nga ako nung tumawag ka eh,"

"Ganoon ba? Sige, bukas na lang ulit, magpahinga ka na."

"Joke lang, mapagpatol ka rin pala. Nasa bahay na ba kayo?" Parang ang bilis naman."

"Hindi naman, tama lang, wala kasing masyadong traffic."

"Ahh, si Tiffany, kumusta?"

"Ayun, nakatulog na sa couch. Pagod na pagod eh."

"Ah, ay huwag mo namang iiwan yang kapatid mo diyan sa ibaba, baka lamigin yan at magkasakit."

"Oo naman, ako ng bahala dito."

"Sige na, magpahinga ka na rin at sigurado akong napagod ka din kasusunod sa amin ng kapatid mo."

"Hindi naman masyado, nag-enjoy naman ako at nakikita kitang masaya."

"Sus, sabi mo lang yan, mamaya ay tulog ka din agad paghiga mo."

"Baka nga, at sana kasama rin kita sa panaginip ko."

"Ay huwag naman, magpahinga naman tayo." sabi ko at tumawa.

"Oo nga no? Sige, bukas na lang ulit." sabi niya.

"Sige, good night."

"Good night, I love you." sabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya binaba ko na lang ang phone. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Someday, masasagot ko na rin ang kanyang 'I love you'.

Nagising ako sa alarm ng aking phone. 5:30 am. Oras na para maghanda sa pagpasok ko sa school. 6:30am, gayak na ako para pumasok sa school ng tumunog ang phone ko, may tumatawag ng ganitong kaaga?

"Hello?" sagot ko na hindi tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Good morning!" masayang bati ng nasa kabilamg linya. Si Tyron.

"Oh, ang aga mo namang tumawag? Hindi ka ba papasok?" tanong ko.

"Papasok. May hinihintay lang ako." sabi niya.

"Ah, sino, si Kevin ba?" sabi ko at isinakbat na ang shoulder bag ko.

"Hindi. Ikaw."

"Ako? Anong ako? Papasok na ako sa school." sabi ko at lumabas na ng bahay. Inilock ko ang pinto at nagulat na lang ako ng pagharap ko ay nandoon na si Tyron. "Anak ng kabayo!"

"Sino?" tumatawa niyang tanong.

"Ano ka ba?! Agang aga nanggugulat ka!" sabi ko at hinampas ang braso niya.

"Aray. Masakit yon ah." sabi niya at hinimas ang brasong hinampas ko.

"Naku, napalakas at ang hamapas ko. Sorry naman, ginulat mo kasi ako eh!" sabi ko at pinispis ang braso niya.

"Okay na, hindi na masakit." sabi niya at hinawakan ang kamay kong pinampipispis sa braso niya at ikinawit sa braso niya.

"Niloloko mo lang pala ako, eh!!" sabi ko at binabawi ang kamay ko pero hindi niya bitiwan.

"Hindi kita niloloko. Masakit naman talaga, pero nung hinawakan mo, nawala na ang sakit." sabi niya at ngumiti. Lalong gumaganda ang umaga ko dahil sa ngiti niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Akala ko papasok ka, bakit dito ka nagpunta?"

"Oo nga, eh hinihintay pa kita. Di ba sabi ko sayo, araw-araw kitang liligawan ulit at sisimulan ko sa paghahatid sundo sayo."

"Ang OA mo naman. Hindi mo na kailangang gawin yon no."

"Hindi nga, pero gusto ko." sabi niya at humakbang na. "Tara na, baka malate pa tayo." sabi niya kaya napatingin ako sa wrist watch ko.

"My God, 6:45 na agad? Tara na. Ayokong malate!" sabi ko at kinaladkad na si Tyron.

"Dahan-dahan naman, baka madapa tayo." sabi ni Tyron. Sakto naman na may nakita na akong trysicle kaya pinara ko na. "Bakit ka napara ng trysicle?"

"Sasakay, malamang. Kung ayaw mong sumakay, di maglakad ka. Bahala kang malate." sabi ko.

"Dala ko kaya ang kotse ko." sabi niya kaya natigilan ako. Hindi ko kasi napansin ang kotse niya kanina.

"Naku, manong, pasensya na po, may nakalimutan pa pala ako sa bahay, mauna na po kayo at babalikan ko muna. Pasensya na po ulit." sabi ko sa drayber kaya umalis na ito.

"Siya, bilisan mo lang at baka maparusahan na naman tayo kapag nalate tayo." sabi ni Tyron at sumakay na sa kotse niya. Sumakay na rin ako at nagseatbelt. "Akala ko ba may kukunin ka pa? Asan na?"

"Alibi ko lang yun para umalis ang drayber. Ano, aalis pa ba tayo o hindi na?"

"Oo, aalis na." Pasalamat na lang kami at hindi kami nalate. Kung nagkataon, parusa na naman.

Ang makulit na si Tyron, ihinatid pa ako sa room ko. Sumulpot nung recess at kahit noong lunch break. At pati nung uwian na, akala mo'y kung sinong nag-aabang sa labas ng aming room.

Ng tumunog na ang buzzer, naglabasan na ang mga kaklase ko. Tinawag ako ni Frank.

"Kumusta ka na? Hindi na tayo nakakalabas ah."

"Oo nga eh, mabuti naman ako. Ikaw ba?"

"Mabuti din naman. Namimiss ka na." sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko pero agad ko namang binawi.

"Ah, may kailangan ka pa ba? Kung wala na, mauna na kong umuwi sayo."

"Ihahatid na kita, tara." sabi nito at umakbay pa sa akin at giniya ako palabas ng room. Nakita kong ang sama ng tingin ni Tyron sa kamay ni Frank na nasa balikat ko kaya inalis ko yun.

"Hindi na kailangan, salamat na lang, mauna na akong umuwi sayo. Ingat na lang." sabi ko at hinatak na paalis si Tyron.

Malapit na kami sa parking pero hindi pa rin nagsasalita si Tyron.

"Tyron, may problema ka ba?" tanong ko bago kami sumakay ng kotse, pero hindu siya sumagot. Papasok na siya ng kotse ng humarang ako. "Ano bang problema? Kanina ka pa tahimik ahh, hindi ka naman ganyan eh."

"Ano ba sa palagay mo? Kapag ako ba, nakita mong may inaakbayang ibang babae, okay lang sayo?" tanong niya. Syempre hindi! Baka masapak ko pa yung babae. Sagot ko sa utak ko.

"Wala lang naman yung nakita mo kanina eh. Napilitan lang naman akong lumabas ng room kasabay si Frank kasi mapilit siya. Huwag mo ng isipin yon. Umuwi na tayo." sabi ko. Niyakap na naman niya ako mula sa likuran.

"Sorry, nagselos lang ako. Ayoko lang naman na may umaaligid pa sayong ibang lalaki eh, nagseselos kasi ako. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, di ba?" sabi niya at humarap ako sa kanya.

"Oo, alam ko. At huwag kang mag-alala, hindi na mauulit yung nakita mo kanina, promise." sabi ko at hinawakan ang mukha niya. "Ngiti ka na." pero sa halip na ngumiti ay niyakap lang niya ulit ako.

"Natatakot akong maagaw ka ng iba, Shantal. Hindi ko kakayanin kapag nangyari yon." sabi niya.

"Hindi manyayari yon, huwag ka ng mag-alala." sabi ko at niyakap din siya.

~EndOfChapter33~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon