Chapter EIGHTEEN

498 12 0
                                    

Chapter 18

~Tyron's POV~

Nakatambay lang ako sa bahay kasama si Kevin ng biglang mag-ring ang phone ko. Si Jane pala, nagtext.

One message received..
From : Jane
'Tyron, gusto mo bang makita si Shantal? Punta ka sa OMG Mall, nandito kami ngayon, bilisan mo, kakain lang kami sa Jollibee at maglilibot na ulit, huwag mo akong tatawagan at baka makahalata si Shantal. See you, sama mo na rin si Kev.'

"Dude, tara, alis tayo!" sabi ko kay Kevin.

"Why? Saan tayo pupunta?"

"Sa OMG Mall."

"Mag-aano naman tayo doon?" tanong ni Kev. Ipinabasa ko sa kanya ang text ni Jane para matigil na siya sa pagtatanong. "Bakit naman kaya pati ako ay dinamay pa niyang si Jane?"

"Aba, malay ko. Baka type ka." biro ko.

"Maaari rin naman, sa lakas ba naman ng appeal ko eh, ewan ko na lang kung sinong hindi mabibighani." pagyayabang ni Kev.

"Oo nga, sa lakas ng appeal mo, kapag dumadaan ka, pati hangin lumalakas." biro ko.

"Ha! Ha! Ha! Baka nga pati si Shantal ay ako ang gusto kaya hindi ka pinapansin ehh."

"In your dreams!"

"Biro lang naman, dude. Tara na nga, at siguradong maraming chicka babes doon ngayon, makahanap ng bagong dyowa."

"Bakit hindi si Jane ang dyowain mo, maganda naman yun, mabait pa at maaasahan."

"Ayokong dyowain yon, kasi ayokong masaktan siya. Alam mo namang hindi pa ako handang magpakatino."

"Eh kelan mo ba balak magpakatino, kapag isang daan na ang bilang ng anak mo sa iba't-ibang babae?"

"Hindi naman, siguro kapag isang football team na."

"Puro ka talaga biro. Hindi na tayo bumabata, kailangan na nating magtino at mag-set ng priorities natin sa buhay."

"Sus, kung makapagsabi ka naman ng hindi nabumabata, para namang wala na sa kalendaryo ang edad natin, magrelax ka lang muna, at ienjoy ang pagiging bata."

"Oo na lang." sang-ayon ko sa kanya. Nagpunta kami sa mall na dala ang sarili naming kotse. Magkatabing parking space ang kinuha namin at magkasabay na pumasok sa mall.

"Nasaan na daw ba sila?" tanong ni Kev ng magpunta kami sa Jollibee pero hindi nakita sina Shantal.

"Malay ko, sabi eh kakain daw sila at pagkatapos ay maglilibot na daw ulit, hanapin mo na lang." sabi ko.

"Bakit kasi hindi mo na lang tawagan para alam natin kung saan sila pupuntahan."

"Kung pwede ko nga lang bang tawagan, kanina ko pa ginawa, kaso bilin ni Jane na huwag siyang tatawagan at baka daw makahalata si Shantal."

"So hindi pala alam ni Shantal na pupunta tayo ngayon dito?"

"Oo, kaya huwag kang madudulas kapag nakita na natin sila. Sabihin mo kapag tinanong ka na, may bibilhin ka lang at nagpasama ka lang sa akin, maliwanag?"

"Oo naman, kayang kaya ko yun."

"Sige, tara ng maghanap." sabi ko at tumunog ulit ang phone ko. Dali-dali ko yung kinuha mula sa bulsa ko at tiningnan kung sinong nag-text.

"Yan, baka si Jane na ulit yan." sabi ni Kev.

"Si Jane nga,"

"Anong sabi?"

"Nasa arcade daw sila."

"Oh, ano pang hinihintay natin, tara na sa arcade!"

"Tara!" agad naming narating ang arcade. Maraming tao kaya nagdesisyon akong maghiwalay kami ni Kevin sa paghahanap. At sa paglalakad ko ay nakita ko nga ang hinahanap ko. Hindi agad ako nakalapit ng makita ang lalaking huling nakasayaw ni Shantal na papalapit sa kanya. Nakinig muna ako sa pag-uusap nila.

"Shantal!" tawag nito.

"Hi?" bati naman ni Shantal.

"Mukha yatang hindi mo na ako natatandaan, ako nga pala si Frank, yung last dance mo nung acquaintance party?" pakilala ng lalaki.

"Natatandaan naman kita, hindi ko lang alam ang name mo noon." sabi ni Shantal.

"Ngayon alam mo na." naka-ngiti nitong sabi. Kung maka-ngisi naman parang asong ulol ehh.

"Oo naman." Paano ka ba naman hindi matatandaan ni Shantal eh manyakis ka.

"Kumusta, sinong kasama mo, boyfriend mo?" Okay naman ako, at huwag mong hintaying maging hindi okay at sasamain ka sa akin.

"Hindi, yung pinsan ko, si Jane. Tsaka wala naman akong boyfriend." Paanong wala, eh ano pala ako?

"Ahh, akala ko boyfriend mo si Tyron? Yun kasi ang sabi sa campus newspaper ehh." Yun talaga ang sinabi ko sa editor ng newpaper na ilagay nila. Para wala ng kagaya mong magbalak pang pumorma sa kanya.

"Yun nga din ang nabasa ko. Hindi totoo yun, hindi ko boyfriend si Tyron." Sige, hindi pa. Pero malapit na.

"So pwede pala kitang ligawan kung ganoon?" Aba! Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng mokong na ito ah!

Hindi sumasagot si Shantal. Yan, huwag ka ng sumagot at akong sasagot.

"So ano, pwede ba akong manligaw sayo?" ulit pa ehh..

"Hindi pwede!" sagot ko. Nanlaki ang mata ni Shantal ng makitang ako ang nasa likuran niya.

"Tyron? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Shantal.

"Oo nga naman, brad, anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba si Shantal?" epal ng lalaki.

"Hindi naman. Amoy ko lang kapag may nagbabalak ng hindi maganda kay Shantal." matapang kong sabi.

"Brad, don't worry, malinis ang intensyon ko kay Shantal. Wala kang dapat isipin." sabi ng lalaki at inakbayan si Shantal.

Hinatak ko palapit sa akin si Shantal at inakbayan siya. "Ako lang ang pwedeng umakbay kay Shantal at wala ng iba, naiintindihan mo ba?"

"Teka nga, hindi ka naman niya boyfriend, bakit kung makagwardya ka diyan ay daig mo pa ang sundalo?"

"Dahil ganoon ako, teritoryal. Kaya kung ayaw mo ng gulo, layuan mo si Shantal!" pagbabanta ko.

"Teka muna, huwag naman kayong mag-away dito. Nakakahiya sa mga tao oh!" awat ni Shantal. "At pwede ba, lubayan niyo muna akong dalawa, naguguluhan ako sa inyo eh!" sabi ni Shantal at lumabas na ng arcade.

"Couz, wait!" hinabol siya ni Jane.

"Hindi ako susuko kay Shantal dahil lang sa sinabi mo, gusto ko siya. At titigil lang ako sa panliligaw at paglapit sa kanya kapag sinabi na niya mismo." sabi ng lalaki at umalis na.

"Hey, dude, what happen? Nakita mo ba sina Shantal?" tanong ng kararating lang na si Kev.

"Naka-alis na sila. Teka, saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang umabot dito sa pwesto ko?"

"May nakita kasi akong magandang chick doon sa kabila, alam mo na, 'hi & hello'." paliwanag ni Kev.

"Kahit kelan ka talaga. Tara na nga, baka abutan pa natin sina Shantal."

"Opo, susunod na po."

~EndOfChapter18~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon