Chapter THIRTY-SEVEN

399 10 0
                                    

Chapter 37

~Narrator's POV~

Simula ng umalis si Tyron, naging abala naman si Shantal sa kanyang mga projects at activity. At pagdating ng gabi ay pinipilit niyang imessage si Tyron. At dahil magkaiba ang oras, mabilis lang ang kanilang pag-uusap.

"Good morning," bati ni Shantal ng mag-video call siya kay Tyron.

"Good morning din sayo diyan. Pupunta ka na ba sa group interview niyo?" tanong ni Tyron na nakahiga na at handa ng matulog.

"Oo, medyo late na nga ako eh, late na kasi ako nakatulog kagabi dahil dun sa report sa nauna na naming interview." sabi ni Shantal.

"Ganoon ba? Ay magmadali ka na, tawagan mo na lang ako mamaya kapag free ka."

"Eh paano kung tulog ka pa? Di naistorbo ko pa pagtulog mo."

"Okay lang yon, basta mag-iingat ka sa pupuntahan niyo ha. Kasama mo ba si Jane?"

"Hindi eh, may iba siyang lakad. Kaya ko naman ito. Marami naman pati kaming magkakasama, kaya hindi mo kailangang mag-alala pa."

"Basta mag-iingat ka pa rin. Isang linggo na lang at palagi na ulit akong nasa tabi mo. Kulang na nga lang ay matulog na lang ako maghapon-magdamag para mabilis ang oras." seryosong sabi ni Tyron. Natawa naman si Shantal sa sinabing iyon ni Tyron.

"Sira ka ba? Di nagkasakit ka naman kung pagtulog na lang ang aatupagin mo. Di hindi ka na nakakain."

"Sa panaginip na lang ako kakain, kasama mo."

"Ay grabe. Ganoon ka kain-love sa akin?" biro ni Shantal.

"Hindi. Ganoon ako kabaliw sayo." sabi ni Tyron at nagpa-cute pa.

"Ay sus! Matulog ka na nga, antok lang yan, bye." sabi ni Shantal.

"Bye, i love you." sabi ni Tyron. Nasanay na rin si Tyron na hindi sinasagot ni Shantal ang 'i love you' niya at kuntento na siya sa ngiti ni Shantal sa kanya.

Nagtext ang kagrupo ni Shantal na sa Cafe sila magkikita-kita, kaya doon na dumiretsyo si Shantal. Pagdating niya doon ay naroon na ang mga kagrupo niya.

"Hello." bati niya sa mga kagrupo. "Pasensya na kayo kung ngayon lang ako, kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman, may hinihintay pa tayong isa." sabi ni Case.

"Sino pa ba? Akala ko ba ay apat lang tayo, sino pang hinihintay natin?" tanong ni Shantal. Nandoon na kasi ang mga kagrupo niya, sina Case, Jem at Meg.

"Ayan na pala siya eh," sabi ni Jem at ng lumingon si Shantal ay si Frank ang nakita niyang papalapit sa kanila.

"Si Frank?" tanong niya sa mga kasama niya.

"Oo, nagpresinta kasi siyang ipagdrive tayo, kaya pumayag na kaming isama siya." sabi ni Jem.

"May problema ba, Shantal?" tanong ni Meg.

"Ah, eh, wala naman." sagot ni Shantal.

"Ladies, mukhang kumpleto na tayo, shall we?" naka-ngiting tanong ni Frank. Halata namang may crush ang tatlong ito kay Frank, paano sila makakatanggi. Baka nga pinakiusapan pa nila yung tao.

"Okay." sabi ng tatlo at agad na bumuntot sa lumabas na si Frank.

Kahit hindi naman kailangan, itinext ni Shantal kay Tyron na kasama nila si Frank.

Dumating na sila sa kanilang location. Sa isang day care center. Ang topic ng kanilang survey ay 'Kung makabubuti ba ang K12 program sa mga mamayan ng Pilipinas o Hindi'.

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon