Chapter TWENTY-NINE

424 10 0
                                    

Chapter 29

~Tyron's POV~

"Uy si Kuya, ang lapad ng ngiti, bakit kaya?" nanunuksong tanong ni Tiffany. Sakay na kami ng eroplano pauwi sa Pilipinas.

"Nag-message kasi sa akin si Kev, naroon na daw siya sa airport at kasama niya si Shantal." sabi ko.

"Ay talaga naman palang lalapad ang ngiti mo eh, ganoon mo talaga kuya kamahal ng babaeng iyon para maging masaya ka na na nalaman mong hinihintay ka rin niya?"

"Oo naman. Hinihintay niya ako, ibig sabihin, napatawad na niya ako at pwede ko ng ituloy ang panliligaw ko sa kanya."

"Sus, in love nga talaga si kuya. Ang swerte swerte ng babaeng iyon, alam mo kung bakit, kuya?"

"Bakit?"

"Maswerte siya bukod sa gwapo ka na, mahal na mahal mo pa siya. At sa nakikita ko, kaya mong gawin ang lahat basta para sa kanya."

"Tama ka naman diyan, Tiffany. Pero maswerte din naman ako kung sasagutin niya ako, kasi kapag nagkataon, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo."

"Hmp, ang korny mo, kuya!"

"Korny ka diyan. ikaw nga, kung makapagsalita ay akala moy matandang napakarami na ng karanasan sa buhay pag-ibig. Eh kahit nga isang beses, hindi mo pa naranasang main-love ng totoo."

"Hindi ah, nain-love na ako noon, kaso mga bata pa kami kaya pinagpaliban muna namin dahil mas pinili naming ituon ang isip at sarili sa pag-aaral, para kapag dumating ang araw na magtagpo ulit kami, at handa ng pumasok sa isang relasyong pangmatagalan, masasabi namin sa sarili namin na hindi kami nagkulang sa aming mga sarili." seryosong sabi ni Tiffany at nakita kong may luhang nagbabadya ng pumatak.

"Talaga? Sa bata mong iyam, naka encounter ka na ng ganoon klase ng love?"

"Syempre.... hindi! Ano ka ba naman, kuya. Plot lang yun ng paborito kong novel, naniwala ka naman agad na sa akin nangyari yon." tatawa tawang sabi ni Tiffany.

"Ikaw talagang bata ka, walang magawang matino. Tumahimik ka na nga lang kung ayaw mong iwan kita dito sa eroplano." banta ko.

"Oo na po, tatahimik na. Pero aminin mo, benta sayo yung drama ko, pwede na ba akong artista ngayon?"

"Oo, pwede na. Hayaan mo, kapag may nalaman akong audition para sa mga young stars, isasali kita. Siguraduhin mo lang na matatanggap ka."

"Oo namam, kuya. Gagalingan ko talaga ang pag-eemote para makuha ako. At kapag sikat na ako, bibili ako ng bahay at lupa sa Pilipinas para doon na tayo titirang lahat." naka-ngiti niyang sabi.

"Bakit sa Pilipinas mo gustong tumira? Ayaw mo na ba sa Canada? Di ba nandoon ang mga friends mo?"

"Gusto ko doon, kaso alam ko namang mas gusto mo sa Pilipinas, kaya doon na lang din kami titira para magkakasama na tayo nila mommy."

"Gagawin mo yon, para sa akin?"

"Syempre.... hindi ulit!"

"Sinasabi ko na nga ba eh! Talagang iniinis mo lang ako eh,"

Tumawa si Tiffany ng makitang naiinis na ako. "Hindi nga kuya, walang halong etchos. Gagawin ko nga yon, para makasama ka namin. Seryoso."

"Binibisita ko naman kayo sa Canada, di ba?"

"Oo, pero madalas kong nakikita si mommy na umiiyak dahil naaalala ka niya." biglang sumeryoso ang mukha ni Tiffany.

"Bakit naman? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Bilin kasi ni mommy na huwag ko daw sasabihin sayo, gusto daw niya na kapag maiisip mo siya, ay yung masayang mommy lang ang maaalala mo, wala ng iba pa."

"Pero bakit naman siya umiiyak kapag naaalala niya ako?"

"Kasi daw, nagsisisi siyang hindi ka niya nasubaybayan habang lumalaki ka. Sana daw ay mas matagal ka niyang nakasama, kasi mas malabo ka na daw niang makasama kapag may sarili ka ng pamilya."

"Naku, si mommy talaga, ang drama. Sino namang nagsabi sa kanya na kapag nag-asawa ako ay hindi ko na kayo dadalawin? Malabo namang mangyari yon. Tsaka bakit hindi na lang kayo sa bahay ko tumira? Malaki yon at ako lang naman mag-isa ang nakatira."

"Tinanong ko na din sa kanya yon. Ayaw niya daw tumira doon dahil bahay iyon ng papa mo. Pamana sayo, at dahil may pamilya na siyang iba, wala na siyang karapatang tumira doon."

"Hindi totoo yon, pwedeng pwede kayong tumira sa bahay ko dahil pamilya ko kayo. Hayaan mo, kapag gagraduate na ako, papauwiin ko kayong mag anak at sasabihin kong magstay na kayo sa bahay kasama ko."

"Talaga, kuya? Salamat ha! Kapag nangyari yon, palagi ng masaya si mommy at hindi ko na siya makikitang umiyak."

"Sige, gusto ko din naman kayong makasama, yun nga lang, tama ang sinabi mo, hindi ko gustong umalis ng Pilipinas. Unang dahilan ay si Shantal, at ang pangalawa ay ang Papa. Kapag umalis ako, sino na lang ang dadalaw sa kanya? Wala naman na siyang magulang at nag-iisa lang siyang anak. Ako lang ang kamag-anak na nadalaw sa kanya bukod sa mga taong humahanga sa katapangan niya."

"Anong klaseng tao ba ang Papa mo, kuya? Mabait ba siya sayo at kay mommy?"

"Sa pagkakatanda ko, kahit palaging umaalis si Papa dahil sa trabaho niya, hindi pa rin niya kami nakakalimutan ni mommy. At alam kong mahal na mahal niya kaming dalawa."

"Ahh, hindi mo ba siya namimiss?"

"Namimiss, syempre. Pero hindi masyado kasi bata pa ako nung namatay siya, kaya wala akong masyadong memory kasama siya, kaya hindi ako masyadong nalulungkot."

"Sana hindi ako iwan ni daddy o kaya ni mommy. Baka hindi ko kayanin."

"Alam, Tiffany, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas, kaya hanggat kasama pa natin sina mommy at tito, dapat mahalin natin sila ng sobra para wala tayong pagsisihan sa bandang huli."

"Ginagawa ko naman yun, kuya. Kaya lang may pagkakaaon talaga na nagagalit pa rin sa akin sina mommy at daddy."

"Baka naman may nagawa kang hindi maganda. Ang mga magulang kasi, wala yang gagawin o sasabihin makakasama sa anak nila, kaya kung ayaw mong magalit sila sayo, sundin mo ang mga sinasabi nila."

"Paano kung hindi ko naman gusto ang pinapagawa nila sa akin?"

"Pwede namang pag-usapan. Sabihin mo sa kanila ang dahilan mo kung bakit ayaw mong gawin ang pinagagawa nila at sigurado rin ako na sasabihin din nila kung bakit gusto nilang ipagawa yun sayo."

"Naku kuya, buti na lang at isinama mo ako, may nakakausap ako ng matino. Sa bahay kasi puro na lang joke, joke, joke. Nakaka stress na rin minsan."

"Para ngang mas okay yung nagbibiruan sa bahay kesa laging nag-aaway."

"Oo naman. Pero minsan, talagang kailangan ko ng makakausap ng matino."

"Hayaan mo, simula ngayon, pwede mo ng sabihin sa akin lahat ng hindi mo masabi kina mommy."

"Salamat, kuya! The best ka talaga."

~EndOfChapter29~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon