Chapter FORTY-FIVE

419 10 0
                                    

Chapter 45

~Narrator's PoV~

Kinaumagahan, tinext agad ni Shantal si Clarisse gamit ang bagong #.

"Kung hindi mo buburahin ang mga litrato ni Shantal Vergara sa internet, katawan mo naman ang pagpi-pyestahan ng mga netizens bukas ng umaga." yan ang laman ng message niya kay Clarisse.

Agad naman nagreply si Clarisse. "Sino ka ba? At ano yang sinasabi mong katawan ko ang pagpi-pyestahan bukas?"

"Gawin mo na lang ang sinasabi ko dahil may hawak kaming ikasisira ng image mo kapag nagkataon." message ni Shantal. Hindi nakatiis si Clarisse at tinawagan na ang # na ginagamit ni Shantal pero hindi yon sinagot ni Shantal.

"Bakit hindi ka sumasagot?! Tinatakot mo lang ako eh, pwes nagkakamali ka ng tinatakot, hindi mo ako matatakot!"

"Matakita ka dahil totoo ang sinasabi ko. Burahin mo ang mga kinalat mong pictures ni Shantal Vergara, kung hindi, ito ang viral na makikita mo bukas ng umaga." sabi ni Shantal at isinend ang video clip na inedit nila.

"Saan mo iyan nakuha? Hindi ako yan. Hindi mo ako maloloko!"

"Nasa akin ang kabuuan ng video clip na yan, gusto mong isend ko pa sayo ng buo? Ay hindi, ipopost ko na lang pala sa internet, siguradong magba-viral agad ito."

"Wag! Gagawin ko na ang sinasabi mo, pero paano ako makakasigurado na kapag ginawa ko ang gusto mo ay hindi mo ikakalat ang video na yan?"

"Gawin mo ang sinabi ko at makaka-asa kang hindi mo na ulit makikita ang video na yan."

"Sige, gagawin ko na."

"Sige, magbabantay kami." mabilis pa sa alas-kwatro ay nabura agad ang mga litrato ni Shantal sa internet. Maya-maya pa'y nagtext ulit si Clarisse. "Nagawa ko na ang gusto mo. Paki-usap, huwag mong ilalabas ang video na yan, alang-alang na lang sa mga magulang ko."

"Makaka-asa ka. At sa susunod, huwag mo ng pakiki-alaman si Shantal kung gusto mong hindi na ulit kita gambalain pa."

"Naiintindihan ko." sagot ni Clarisse at pinutol na ni Shantal ang sim card na ginamit niya.

"Sana lang talaga ay tigilan ka na ni Clarisse sa ginawa nating iyan sa kanya." sabi ni Tyron.

"Siguradong titigil na yon, dahil alam naman niya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kung guguluhin pa niya si Shantal." sabi naman ni Jane.

"Sana nga." sabi naman ni Shantal.

Kinaumagahan, pagpasok nina Shantal ay nakasalubong nila sa hallway si Clarisse. Sa halip na sungitan sila nito ay tumigil ito sa isang tabi at umiwas sa kanila.

"Mukha ngang natakot si Clarisse sa ginawa natin kahapon sa kanya." sabi ni Jane.

"Shhh. Huwag na nating pag-usapan yan dito at baka may makarinig pa sa atin." saway naman ni Shantal.

"Oo nga, tama ka diyan." sang ayon ni Jane at pumasok na sila sa kanilang room.

"Oy, kumusta?" tanong ni Shantal kay Frank ng tumabi siya rito.

"Ayos naman ako, ginugulo ka pa ba ni Clarisse?" tanong ng binata.

"Hindi na. Salamat sayo."

"Mabuti naman kung ganoon. Pasensya na talaga kung nagpagamit ako sa kanya, ha? Nabulag lang talaga ako sa pag-ibig ko sa kanya. Mali na pala ang ginagawa ko."

"Ayos lang yon, atleast sa palagay ko naman ay alam mo na ngayon kung anong tama." sabi ni Shantal.

"Tama ka. At mali ding minahal ko si Clarisse."

"Okay lang yon, sigurado naman akong may makikita ka pang mas higit sa kanya." sabi ni Shantal at bumalik na ulit sa upuan niya.

"Sana nga, sayang lang at hindi pwedeng ikaw." bulong ni Frank sa sarili.

"Kumusta ang maghapon mo?" tanong ni Tyron kay Shantal ng sunduin siya nito sa room.

"Ayos lang naman, tahimik kasi hindi ako inaasar ni Clarisse." sagot ni Shantal.

"Mabuti naman kung ganoon, magkakasama na ulit tayo ng matagal ng walang inaalalang makakakitang iba." sabi ni Tyron at kinuha ang dala ni Shantal na mga libro.

"Oo nga eh, may lakad ka pa ba? Baka nakaka-abala na ako, okay lang naman na hindi mo ako ihatid sa bahay." sabi ni Shantal.

"Sus, ikaw pa ba. Alam mo namang priority kita eh. Hatid na kita sa bahay mo, kung wala kang ibang gagawin."

"Sige, ikaw bahala."

"Baka gusto mo munang mag-dinner sa labas, bago kita ihatid sa bahay?"

"Okay lang naman, basta libre mo."

"Syempre naman, ako nag-aya eh, tara." nang akmang sasakay na sila ng kotse ni Tyron ay biglang sulpot nina Jane at Kevin.

"Saan ang punta niyo, pasama!" sabi ni Jane at sumakay na sa kotse.

"Oo nga naman, pasama din." sabi naman ni Kevin at umupo sa tabi ni Jane sa back seat.

"Ay ano pa nga bang magagawa namin ay sakay na kayo. Basta talaga pgkain ang pupuntahan, malalakas ang pang-amoy niyong dalawa, ano?" puna ni Tyron sa dalawa at sumakay na rin sa kotse.

"Mas marami, mas masaya, hindi ba?" sabi naman ni Shantal.

"Oo, pero hindi sa date natin." naka-simangot na sabi ni Tyron.

"So, may date pala kayo? Don't worry, magiging pipi at bingi kami nitong si Kevin. Huwag niyo kaming alalahanin." sabi ni Jane.

"Tama! Basta kakain lang kami." sabi naman ni Kevin na nag-thumbs up pa.

"Oo na, sige na. Mga panira!" sabi ni Tyron at tinawanan lang siya ng mga kaibigan.

~EndofChapter45~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon