Chapter SIX

632 17 0
                                    

Chapter 6

~Shantal's POV~

Kaya kinaumagahan ...

"Jane, gising na. Umaga na."malat kong sabi kay Jane na namamaluktot pa sa kama ko.

"May pasok ba?"mahina niyang tanong.

"Oo, kaya gumising ka na. Uuwi ka pa sa inyo para mag-ayos bago pumasok."sabi ko at hinila ang mga paa niya hanggang sa mahulog siya sa kama.

"Aray!"anggal niya at napilitang bumangon habang hinihimas ang masakit na balakang. "Bakit mo naman ako ihinulog?"ika-ika niyang tanong.

"Ayaw mo pa kasing bumangon, eh may pasok pa nga tayo."paliwanag ko.

"Pwede bang bukas na lang tayo pumasok?"mahina niyang tanong.

"At bakit?"

"Masama kasi pakiramdam ko eh."

Agad ko siyang nilapitan at dinama ng palad ko ang kanyang noo.

"Hindi ka naman nilalagnat ah, alam mo namang kapag may lagnat lang valid ang hindi pagpasok sa school natin. At isa pa, biyernes na ngayon kaya umuwi ka na at mag-ayos para sa pagpasok."taboy ko sa kanya.

"Hindi ba pwedeng pahiramin mo na lang ako ng uniform at undies? Magka-size naman tayo, di ba?"

"Oo, pwede kitang pahiramin ng uniform, pero undies? Nuh-oh!"

"Grabe siya sa akin oh, sige na, etong pinaqisan ko ng undies ang gagamitin ko. Para sa swimmung class mamaya ay mangamoy bilasang isda ako."sabi niya at agad pumasok sa banyo.

"Okay, pati undies."sabi ko.

"Yes! Love you, couz. Maliligo na ako."sigaw niya.

"Okay, ipapatong ko na lang sa kama ang isusuot mo. Pagkatapos mong maligo, pumunta ka na sa kusina at kakain muna tayo bago pumasok."

"Okay!"

Bago pumuntang kusina, kumuha muna ako ng aking isusuot na uniform at undies at sa banyo sa may kusina na maliligo bago mag-prepare ng aming pagkain.

Natapos na akong maligo at maghanda ng aming kakainin pero wala pa ring nasulpot na Jane para kumain.

Napagpasyahan kong sunduin na siya sa kwarto para kumain ng makita kong gayak na siya pagpasok pero mahimbing na naman natutulog.

"Jane!"sigaw ko na ikinagulat niya.

"Couz? Bakit? May sunog ba?"natataranta niyang tanong.

"Wala. Bumangon ka na riyan at ng makakain na tayo. Malapit na tayong ma-late. Gusto mo bang maparusahan dahil late tayo?"

"Ayaw."parang bata niyang sagot.

"Yun naman pala eh, bumangon ka na diyan at handa na ang almusal."

"Okay, susunod na ako."

"Ay, hindi. Sabay na tayo at baka tapos na akong kumain eh hindi ka pa rin nasulapot sa kusina."

"Oo na, sasabay na."

Mabilis kaming kumain dahil talagang late na kami. Bago kami pumasok ay dumaan muna kami sa bahay nila para kunin ang bag niya dahil mas mabigat ang parusa sa walang dalang gamit kesa sa late.

At gaya ng inaasahan, late na nga kami. Pagpasok namin, rinig na namin ang mga daing ng pinaparusahan. At ganoon din ang sasapitin naming dalawa ni Jane.

"Ms. Vergara, Ms. Perez, can I talk to you, ladies?"tawag ng aming P.E. teacher na si Mr.Corpuz.

"Ano po yun, Sir?"sabay naming tanong.

"Sumali ba kayo ng beauty contest kagabi, kaya kayo na-late?"tanong niya.

"Hindi po, Sir."sagot ko.

"Ikaw, Ms. Perez?"

"Valid po bang reason yun, Sir?"

"Syempre, HINDI!"

"I'm sorry, Sir."sagot ni Jane.

"Then why the two of you were late?"

"Sir, ang totoo po kasi niyan, na-late po kami dahil nasobrahan po kami sa sweets kagabi."paliwanag ni Jane.

"Ah, so nagkaroon kayo ng sore throat, ganoon ba?"

"Ganoon na nga po. Medyo masama po pati ang pakiramdam namin kaya na-late kami ng gising."dagdag pa niya.

"Naku, kawawa naman pala kayong dalawa. May lagnat ba kayo?"concern na tanong ni Mr.Corpuz.

"Wala po."sagot ni Jane.

"Kung ganoon, pumila na kayo dito at umiskwat."utos ng terror na si Mr.Corpuz.

"Sir naman, pwede po bang pass muna kami diyan?"

"Ms. Perez, hindi naman ako ang nagsabi sa inyo na magpaligaw kayo kahit may pasok pa kinaumagahan, kaya huwag na kayong umangal at pumila na kayo dito."

"Pero, Sir?"

"Wala ng pero-pero. Pila na!"

"Opo."sabay naming sagot at napilitan ng pumila at gawin ang parusang nakalaan para sa amin.

"Ikaw naman kasi, kung hindi mo ipinilit na ubusin natin ang cake na dala ni Tyron kagabi, di sana hindi tayo na-late ng gising."sisi ko sa kanya.

"Sayang kasi kung hindi natin uubusin. Masarap naman di ba?"

"Oo nga, kaso magkaatrangkaso naman yata tayo dahil sa katakawan."

"Hindi naman siguro."

"Sana nga."umaasa kong sagot.

"Eto oh, gamot."sabi ng katabi kong lalaki at inaabot ang gamot sa akin.

"Nandito ka din? Kanina ka pa ba diyan? Narinig mo lahat ng pinag-usapan namin ni Jane?"sunud-sunod kong tanong.

"Medyo."

~EndOfChapter6~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon