Chapter FOURTEEN

546 14 0
                                    

Chapter 14

~Narrator's POV~

"Tyron? Seriously? Akala ko ba may ka-date ka na, kaya ni-reject mo si Clarisse? Pinagti-tripan niyo ba ako? Hindi magandang bito ito." sabi ni Shantal na nawala ang excitement sa mukha.

"Yes, I have, at ikaw yon. Ikaw ang gusto kong ka-date ngayong gabi." sabi ni Tyron at iniabot ang isang malaking red rose kay Shanal. Nagdadalawang isip si Shantal kung tatanggapin ba niya ang bulaklak o hindi. Nilapitan siya ni Jane.

"Tanggapin mo na yan, pag-uusapan ka na lang din naman ng lahat bukas, lubus-lubusin na natin ngayong gabi." sabi ni Jane.

Napag-isip-isip niyang tama ang sinabi ng pinsan niya, pag-uusapan din naman siya kahit hindi niya tanggapin ang bulaklak, lalabas pa siyang nagmamaganda kapag ginawa niya yun.

"Salamat. Sana hindi ka na nag-abala pa. Pasensya na, pero nawalan na ako ng ganang makisaya sa party na ito, uuei na lang ako." sabi ni Shantal at tumalikod na.

Nagsalita na ang prinsipal kaya tumingin anglahat sa stage. "Ladies and gentlemen, maupo muna ang lahat. May importante akong iaannounce." sabi ng prinsipal kaya napilitan rin si Shantal na maupo.

"Doon ang table natin." sabi ni Tyron. "Don't worry, kasama din natin doon sina Kev at Jane." dagdag pa ni Tyron kaya sumama na rin si Shantal.

"So, siya pala ang date mo, Tyron." sabi ni Clarisse na pinasadahan ng tingin si Shantal mula ulo hanggang paa.

"Ano naman sayo kung siya nga ang date ni Tyron? Inggit ka?" tanong ni Jane na nakataan pa ang isang kilay.

"Am I talking to you?" mataray na tanong ni Clarisse.

"Are they want to talk to you either?" pang-aasar ni Jane. Tiningnan siya ng masama ni Shantal kaya siya tumahimik.

"Iaannounce ko na kung sino ang 'King and Queen of the Night'." sabi ng prinsipal kaya naghiyawan ang mga estudyante. "Sino sa palagay niyo ang mananalo ngayon?" kanya-kanya ng pambato ang mga estudyante.

"I'm pretty sure na Si Tyron ang King at ako ulit ang Queen this year." masayang sabi ni Clarisse.

"Huwag kang pakakaasang ikaw pa rin ang Queen." nang-aasar na sabi ni Jane.

"At sino naman ang pwedeng maging Queen bukod sa akin, aber?"

"Kung pagbabasehan ang ganda, may ilang pwedeng itapat sayo, pero kung pagbabasehan ang ugali, matagal ka ng wala sa pwesto." sabi ni Jane.

"Abat!" natigil lang ang bangayan ng dalawa ng magsalita ulit ang prinsipal.

"Our King of the Night is, ...... ( drum roll ) Mr. Tyron Montenegro." nagsigawan ang mga babae ng tawagin ang pangalan ni Tyron. "Mr. Montenegro, come and join me here." sabi ng prinsipal.

"Congrats, bro. Wala ka pa rin talagang kupas." bati ni Kev.

"Congrats, my King. Hintayin mo na lang ako doon sa taas ha," sabi ni Clarisse at nagpa-cute pa.

"Asa ka naman." mahinang sabi ni Jane.

"Anong sabi mo? Kanina ka pa ha, namumuro ka na sa akin." nanggigigil na si Clarisse kay Jane.

"Wala ha, sabi ko, iaannounce na ang Queen, makinig ka." palusot ni Jane.

"Congratulations, Mr. Montenegro. Here's the bouquet, ikaw na ang mag-abot sa iyong queen na si ..... ( drum roll ) Ms. Shantal Vergara." natahimik ang lahat sa narinig, hindi sila makapaniwala. At mas hindi sila makapaniwala sa ginagawa ni Clarisse.

"Thank you, thank you so much! Deserve ko talaga ang manatiling Queen of the Night. Alam ko naman, thank you, thank you!" monologue ni Clarisse habang naglalakad papuntang stage. Nakatingin ang lahat sa kanya.

"Ehem.. Ms. Sanchez, nakikinig ka ba sa akin? Saang planeta ka ba galing at ganyan ang kinikilos mo?" tanong ng prinsipal.

"Po? Why? May mali po ba sa speech ko? Okay, uulitin ko." sabi ni Clarisse.

"Hindi na kailangan, Ms. Sanchez, basahin mo na lang ang result na hawak ko." sabi ng prinsipal at iniabot kay Clarisse ang papel.

"WHAT?!! Bakit pangalan ni Shantal ang nandito? Mali ito, may nagpalit ng result, hindi yan ang tunay na result, ako dapat ang Queen ng aking King. Hindi ang babaeng iyan." maktol ni Clarisse sa harapan ng lahat.

"Ms. Sanchez, mabuti pang bumalik ka na muna sa table mo at kumalma ka." sabi ng prinsipal at tumingin sa table nina Shantal. "Ms. Vergara, come and join your King."

"Ayoko," mahinang sabi ni Shantal.

"Ano ka ba naman, ipapahiya mo si prinsipal? Lumakad ka na doon. Bilis!" sabi ni Jane at sumunod na lang si Shantal.

"Congratulations, Ms. Vergara, you deserve to be this year crowned Queen, cheer up." sabi ng prinsipal.

"Thank you po, Ma'am."

"Now, greet your King." utos nito. Nilapitan siya ni Tyron at iniabot ang bouquet. "Congrats, tama naman si Ma'am, deserve mo ang nakuha mong title kaya ngumiti ka na." naka-ngiti nitong sabi. Pinagbigyan naman niya si Tyron. Ngumiti siya kahit halatang napipilitan lang.

"Now students, lets give our King and Queen a round of applause." sabi ng prinsipal at nagpalakpakan ang lahat. "Dj, music! This is your first dance as King and Queen of the Night. Enjoy everyone!" sabi ng prinsipal at bumaba na ng stage.

Nagsimula ng magsayawan ang ibag estudyante pero nakatayo pa rin si Shantal at hawak hawak ang mga bulaklak na bigay ni Tyron.

"May I have this dance?" tanong ni Tyron.

"Hindi ako sumasayaw eh." sabi ni Shantal.

"Okay lang, etong kanta lang na to, tapos uupo na lang tayo magdamag" sabi ni Tyron.

"Sige na nga, maranasan ko naman ang maisayaw, kahit minsan."

Pumunta ang dalawa sa gitna ng dance floor at nagsimula ng sumayaw kasama ang ibang estudyante.

"You look amazing." puri ni Tyron.

"Ikaw din naman."

"Talaga ba? So, okay na ba tayo?"

"Okay naman tayo ah, hindi nga lang tayo friends. Acquaintance lang."

"Kelan kaya ako mapapapunta sa friend stage?"

"Hindi ko alam, kapag hindi ka na siguro playboy." sabi ni Shantal. Nagkatawanan silang dalawa sa naging sagot niyang iyon.

~TheEndOfChapter14~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon