Chapter FIVE

672 23 0
                                    

Chapter 5

~Shantal's POV~

Lumabas ako ng garden ng masigurado kong naka-alis na si Tyron. Gusto ko munang magpahangin.

Hindi ko maintindihan pero sobrang bigat ng pakiramdam ko nung lumuhod at magmaka-awa sa harapan ko kanina si Tyron.

"Couz, bakit naman hindi mo tinanggap ang ibinibigay na bulaklak sayo ni Tyron?"tanong sa akin ni Jane.

"Dahil ayoko siyang paasahin na may nararamdaman din ako para sa kanya."sagot ko.

"Pero wala ka nga bang nararamdaman para sa kanya, couz?"

"Ha? Ano ba namang tanong yan. Syempre wala no! Bakit mo naman natanong yan?"

"Iba kasi ang nakikita ko sa mga mata mo sa sinasabi mo. Nakikita ko ang lungkot diyan sa mga mata mo ngayon."

"Halata ba?"

"Halatang-halata. Bakit mo ba siya ni-reject kung may feelings ka pala para sa kanya?"

"Wala akong feelings para sa kanya. Naawa lang ako sa sinapit niya kanina. Ibang iba kasi siya kanina kesa sa nakikita ko sa kanya sa school. Hindi ako sanay."

"Bakit hindi mo siya bigyan ng chance na patunayan sayo ang sarili niya, gaya ng hinihingi niya?"

"Ayaw ko kasi siyang paasahin. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ko kasi siya pagtagal."

"Di sabihin mo yan sa kanya. At kung gugustuhin ka pa rin niyang ligawan, nasa kanya na yon. At ibig sabihin din noon na talagang gusto ka niya."

"Sa palagay mo ba sincere siya sa mag sinabi niya kaina?"

"Hindi ka pa ba naman naniniwala sa sinabi niya kahit nagmakaawa at lumuhod na siya sa harap mo kanina?"

"Mahirap kasing paniwalaan. Hindi kasi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya eh."

"Sabagay. May point ka diyan. Teka, may dala nga pala siyang cake. Kukunin ko lang."sabi niya at nagtakbo papasok sa bahay.

"Pwede ko nga kayang bigyan ng chance si Tyron?"taning ko sa sarili.

"Eto na."sabi ni Jane at dala dala ang cake na pasalubong ni Tyron. "Alam mo, couz, buong akala ni Tyron, may pag-asa na siya sayo."

"Paano mo naman nasabi?"

"Tingnan mo nga itong cake ba dala niya sayo. May message pa. Tapos binasted mo lang."

Tiningnan ko ang cake, favorite ko ang flavor, tapos gusto ko ang design, at may message na 'Thank you, Shantal'.

"Oo nga no? Kung hindi naman siguro siya playboy, baka may pag-asa nga siya sa akin."sagot ko.

"So kapag nagbago siya, may chance na ba siya sayo?"

"Hindi ko alam. Magbago muna siya at ng malaman natin kung magkakaroon nga siya ng pag-asa."

"Okay, sinabi mo eh. Sa ngayon, kainin na muna natin tong cake. Mukhang masarap eh."

"Sige na, naglalaway ka na eh."

"Hindi naman."natatawa niyang sabi at agad na kumuha ng cake at nagpakabusog sa pasalubong ni Tyron.

"Pahinge nga ako. Para sa akin naman yan eh."

"Ay, oo nga pala. Eto oh!"sabi niya sabay abot ng platino na may lamang malaking slice ng cake.

"Kalaki naman. Baka di ko to maubos."reklamo ko.

"Dapat mong ubusin yan, para naman makaramdam ka kahit kaunting sweetness galing kay Tyron."tukso ni Jane.

"Hindi naman sweetness ang makukuha ko nito kundi cavities eh."angal ko habang kumakain.

"Kasi naman, kung tinanggap mo ang panliligaw ni Tyron, di sana dalawa kayong kumakain ng cake na dala niya."

"Eh dalawa naman tayong kumakain ngayon ah, anong pinagkaiba kung kaming dalawa ang kumain?"

"Kasi po, kung kayong dalawa ang kumain, konti na lang ang matitira at yun ang kakainin ko. Kaso ngayon, ako ang katulong mo sa pag-ubos nito. Yung parte na dapat kay Tyrpn ay ikaw na ang kakain kaya huwag ka ng magreklamo. Okay?"nakakalitong paliwanag ni Jane.

"Malabo."pang-asar kong sagot.

"Hay naku, kumain ka na nga lang."sagot niya at kumuha pa ng cake.

"Teka, bakit ba kailangan nating ubusin to ngayon eh may bukas pa naman?"

"Hindi na yan masarap bukas kaya ubusin na natin ngayon. Kain!"utos ni Jane.

"Okay, fine."kumain nga ako pero inuunti unti ko para si Jane ang maraming makain.

"Hoy, bakit ang bagal mong mangain diyan, ha?"puna niya. "Akala mo siguro madadayaan mo ako ha. Hala kain."sabi niya at nilagyan ng isa pang slice ng cake ang platito ko.

"Oo na, kakain na po."

"Good."

Buong gabi naming kinain ang napakalaking cake na dala ni Tyron. Pareho kaming hindi na nakapag hapunan dahil sa sobrang busog.

~EndOfChapter5~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon