Chapter TWENTY-ONE

458 10 1
                                    

Chapter 21

~Shantal's POV~

Kasalukuyan akong naglalakad galing sa tindahan ng maalala ko ang nagyari kagabi.

*Flashback*
"Hindi ba, ikaw si Tyron Montenegro?" tanong ni Frank sa waiter sa kabilang table.

"Ha? Sino kamo, si Tyron? Malabo naman ata na yang waiter na yan ay maging si Tyron," sinulyapan ko ang waiter at malabo talaga na si Tyron yun, bakit naman niya gagawing mag-waiter.

"Pero si Tyron talaga ito, tingnan mo." pilit ni Frank. Pinagmasdan kong maige ang waiter, parang kahawig nga ni Tyron pero hindi pa rin ako kumbinsido.

"Hi, Shantal, nandito ka pala?" Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si Tyron nga ang kaharap ko.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka narito, at bakit ganyan ang suot mo?" sunud-sunod kong tanong.

"Hindi na mahalaga kung bakit ako narito, ang maalaga ay mag-enjoy ka sa dinner niyo. Mauna na ako." simplengnsabi ni Tyron at umalis na.

"Pero...." hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

"Hayaan mo na siya, Babe, kumain na tayo." sabi ni Frank ng mapansing distracted ako. Dahil alam niyang hindi ako kumportable ay hininge na niya ang bill.

"Eto na ang bill niyo." si Tyron na naman, dala niya ang bill. "Mag-iingat kayo." sabi ni Tyron ng umalis kami sa table at sa hindi ko malamang dahilan, lumingon pa ako bago kami tuluyang makalabas ng resto.

*End of flashback*

"Kumusta ang date niyo ni Frank? Anong ginawa niyo kahapon?" tanong ni Jane habang naglalakad kami.

"Okay lang naman. Nagdinner lang kami tapos nag-aya na akong umuwi."

"Bakit naman? Hindi ka man lang nagrequest na manood ng movie?"

"Hindi na. Tsaka hindi na rin naman ako makaka-focus dahil maiiisip ko lang si Tyron."

"Ha? Bakit mo naman iisipin si Tyron?"

"Hindi ka maniniwala, pero kagabi, naroon si Tyron sa resto kung saan kami nagdinner ni Frank."

"What?" gulat na tanong ni Jane.

"Oo, nagulat nga din ako eh, at take note, nandoon siya hindi para kumain, kundi para mag-waiter."

"Talaga? Ano naman kayang pumasok sa utak noon at ginawa niya yon?"

"Yun nga din ang iniisip ko ehh, pero wala naman akong maisip na dahilan."

"Baka naman talagang nagwe-waiter siya doon. At nagkataon lang na doon din kayo kumain,"

"Baka nga."

"Mabalik tayo kay Frank, sa date niyo kagabi, anong rate niya from 1-10?"

"Ayos naman siya kagabi, gentleman at hindi niya ako pinilit na mag-stay nung sabihin kong gusto ko ng umuwi, kaya pwede na siguro sa kanya ang 7."

"7 lang, bakit ang baba naman? Sabi mo gentleman naman siya."

"Oo nga, kaso ay wala yung kilig o dugdug factor, alam mo yun?"

"Ahh, tama ka naman diyan. Dapat ay may kasama ring kilig factor para masabi mong successful ang isang date. So kelan ulit kayo lalabas?"

"Hindi ko pa alam, baka kapag hindi na busy sa school."

"Ahh, eh paano si Tyron? Kelan mo siya papayagang maka-date ka?"

"Hindi ko alam. Hindi naman niya ako niyayaya, alangan namang ako pa ang mag-aya, di ba, para namang ako ang lalabas na may gusto sa kanya nun."

"Oo nga naman, so paano, kita na lang tayo sa school mamaya."

"Sige."

Habang papasok ako ng campus, inihatid ako ng mga pares ng matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may mali ba sa akin o ke aga-aga ay may mga tama na agad sila.

Hindi ko na sila pinansin at dire-diretsyong tinungo ng locker ko. Pagbukas ko ng locker ko ay may nahulog na maliit na sobre. Sulat na naman, galing kay Tyron. This time, binasa ko iyon.

"Good morning, Shantal. Gusto ko lang sabihin na ang ganda mo kagabi. Sana nakatulog ka ng maayos dahil ang sarap ng tulog kasi nakita kita. Have a nice day! Tyron"

"Kung alam mo lang, dahil sayo ay napuyat ako." sabi ko sa sarili ko habang itinatago ang sulat sa gamit ko.

"Sinong kinakausap mo diyan?"

"Ay puyat!" nagulat ako dahil saktong pagsara ko ng pinto ng locker ko ay nagsalita si Tyron.

"Sinong puyat?" tanong ni Tyron na nakatayo pala sa tabi ko.

"Wala! Ano bang ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba?" tanong ko at naglakad na papunta sa room.

"Hinihintay kasi kita, bakit ba ngayon ka lang dumating?" tanong niya at sinabayan ako ng lakad.

"Eh bakit mo naman ako hinihintay? Sinabi ko ba sayong hintayin mo ako?"

"Oo."

"Kelan ko naman sinabi?"

"Kagabi. Dinalaw mo ako sa panaginip ko at sabi mo ay hintayin kita kasi gusto mo akong makasabay sa pagpasok. Kaya eto, hinintay nga kita." sabi niya na may nakakalokong ngiti.

"Hindi mo ba alam na ang panaginip ay kabaligtaran ng tunay na mangyayari? Kaya hindi mo dapat pinapansin ang panaginip." sabi ko at binilisan ang lakad. Pero dahil mahaba ang mga binti niya ay naabutan niya din ako agad.

"Kung ikaw ang laman ng panaginip ko at positive naman ang nangyayari, bakit ko iisiping kabaligtaran ang mangyayari? Eh dun ako masaya." seryoso niyang sabi.

"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga, huwag mo na akong sundan!" pero sa halip na tigilan ako ay lalo siyang sumunod at inakbayan pa ako. "Anong ginagawa mo?"

"Inaakbayan ang babaeng mahal ko, bakit, masama ba?" tanong niya.

"Masama. Masama ka!" sabi ko at nagtatakbo palayo sa kanya. Mabuti na lamang at hindi na siya sumunod dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko pa siya.

~EndOfChapter21~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon