Chapter FORTY-FOUR

429 14 0
                                    

Chapter 44

~Narrator's PoV~

Nag-meeting ulit sina Shantal sa bahay ni Jane ng gabing iyon.

"Nagconfess na sa akin si Frank." panimula ni Shantal.

"Oh, anong sinabi niya?" tanong ng bagong sulpot na si Jane habang may dalang meryenda.

"Hindi naman pala talaga ako ang gusto niya, napilitan lang siyang lapitan ako dahil may nag-utos sa kanya." sabi ni Shantal.

"Sinong nag-utos?" tanong ni Tyron.

"Sino pala ang gusto niya?" tanong naman ni Kevin.

"Oo nga, sino sino daw?" tanong naman ni Jane.

"Isa-isa lang naman, mahina ang kalaban." sabi ni Shantal. "Ang gusto niya talaga ay si Clarisse at ang nag-utos sa kanya para ligawan ako kuno ay si Clarisse din mismo."

"Pero bakit naman susunod sa kanya si Frank?" naguguluhang tanong ni Jane.

"Ang slow mo naman, malamang ay dahil gusto talaga niya si Clarisse." sabi ni Kevin.

"Eh oo nga, nandoon na ako. Ang ibig kong sabihin, anong mahihita niya sa pagsunod niya kay Clarisse?" tanong ulit ni Jane.

"Malay mo, nakakahalik si Frank doon o kaya ay nakakahipo." sabi ni Kevin.

"Yak! Nakakadiri ka naman, Kevin. Kung anu-anong sinasabi mo diyan." sabi ni Jane.

"Posible naman na ganoon nga ang nangyayari kaya siya nasunod. At baka talaga lang na mahal niya si Clarisse." sabi ni Tyron.

"Pero mali pa rin ang ginawa niya, bakit dinamay ka pa niya sa kalokohan niya, hindi ba niya kayang manligaw at mapasagot si Clarisse ng hindi siya mang-gagamit ng ibang tao?" gigil na sabi ni Jane.

"Yun nga din ang tanong ko sa kanya eh, na bakit pa niya ako dinamay, sabi niya, yun daw ang gusto ni Clarisse, na ligawan niya ako para layuan ako nitong si Tyron." paliwanag ni Shantal.

"Eh halata namang si Tyron talaga ang gusto ni Clarisse, kapag naghiwalay ang dalawang yan, at kung sakaling mapunta man si Tyron kay Clarisse, na malabo namang mangyari, si Frank pa rin ang talo sa huli dahil hindi din naman mapupunta sa kanya si Clarisse," sabi ni Jane.

"Atleast, baka napasagot niya si Shantal, hindi naman siya nawalan totally." sabi naman ni Tyron.

"So, ang puno't-dulo ng lahat ng gulong ito ay si Clarisse mismo." sabi ni Kevin.

"Siya na nga. Ano kayang magandang gawin natin ngayon?" tanong ni Shantal.

"Eh kung kausapin mo kaya ulit si Frank, Shantal? Baka naman may magagamit tayong kahit ano mula kay Frank na pwedeng ipangtakot kay Clarisse para burahin niya ang picture niyong dalawa ni Frank sa internet?" tanong ni Jane.

"Pantakot kay Clarisse? Gaya ng ano?" tanong ni Shantal.

"Gaya ng pictures o videoclip ng scandal o kahit ano." sabi ni Jane.

"Meron naman kaya ng ganoon si Clarisse?" tanong ni Kev.

"Malay natin meron, hindi masamang subukan." sabi ni Tyron.

"Ah, sige, sana makipag-cooperate si Frank." sabi ni Shantal.

"Sana nga at ng matapos na ang lahat ng gulong ito, at ng matahimik na tayo." sabi naman ni Tyron.

Kinaumagahan, ikinasa nila ang kanilang plano na tinawag nilang, 'Patayin sa Sindak si Clarisse'. At gaya ng napag-usapan, nilapitan ulit ni Shantal si Frank, pero this time, kasama niya si Jane at nakabantay sa di kalayuan sina Tyron at Kevin.

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon