Chapter SEVEN

647 19 1
                                    

Chapter 7

~Tyron's POV~

Napabalikwas ako ng ma-realize na tanghali na pala.

"Shocks! Male-late na ako. Siguradong may parusa ko nito kay Mr.Corpuz kapag nagkataon."

Dali-dali akong naligo, nagbihis at lumabas ng bahay. Para akong hinahabol ng kung sino sa bilis ng takbo ng kotseng minamaneho ko.

Nakakahiya naman kasi kung mapaparusahan ako ng dahil sa na-late ako ng pasok, naturingan pa naman akong may sariling sasakyan.

Nang makarating ako sa campus, ipinarada ko muna ang sasakyan ko at patakbong tinungo ang building namin ng makasalubong ko si Mr.Corpuz.

"Good morning, Mr.Montenegro. Mukhang nagmamadali ka ah."bati ni Mr.Corpuz.

"Medyo po, ayoko po kasing ma-late at maparusahan."naka-ngiti kong sagot.

"Ah, ganoon ba? Sorry to bring the bad news pero you're 5 minutes late."sagot niya.

"What?!"gulat kong tanong at napatingin sa relos ko at nakitang mag-aalas otso pa lang naman. "Sir, wala pa naman pong 8, so hindi pa po ako late."

"Mukhang ipinahamak ka ng relos mo ah. Tumingin ka dun."sabi niya at itinuro ang maliit na clock tower sa aming harapan.

"What? Late ng 35 minutes ang relos ko? Grabe naman."anggal ko. "Sir, pwede po bang pass muna ako sa punishment ngayon? Kasalanan po kasi ng relos ko eh."

"Rules ay rules. Kapag pinalampas kita ngayon at nalaman ng iba, baka gamitin din nilang excuse yan. Ganito na lang, tutal, alam ko namang nagsasabi ka ng totoo kaya hindi muna kita pagpu-push-up-in ngayon."

"Naku, Sir, maraming salamat po. Papasok na po ako."sabi ko at aalis na ng tawagin niyang muli.

"Mr.Montenegro, saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko."

"Ah, sorry po. Meron pa po ba kayong sasabihin?"

"Oo, lumapit ka dito."utos niya at sumunod naman ako. "Hindi kita pagpu-push-up-in ngayon dahil wala ka pang kasabay. Mamaya na lang kapag may kasabay ka na para hindi ka naman gaanong malumbay."

Nalaglag ang balikat ko sa sinabing iypn ni Mr.Corpuz. Akala ko pa naman ay ligtas na ako sa parusa. Hindi pa rin pala.

Maya-maya ay duma-rami na ang mga nadating na late. Karamihan ay lalaki at isa na dito ang kaibigan kong si Kev.

"Boys, pumila na kayo dito vertically at magsimula ng mag-push up."utos ni Mr.Corpuz.

Dali-dali kaming sumunod sa kanyang utos at nagsimula ng magbilang para sa 30 push ups na parusa namin.

"Hey, bro! Bakit ka nandito?"tanong ni Kev.

"Na-late ako ng 5 minutes."

"Eh bakit ka naman na-late?"

"Nung makagaling ako sa bar kagabi, bumalik ako kina Shantal. Nakita kong nasa may garden sila ng pinsan niya.

"Tapos? Lumapit ka ba ulit sa kanya?"

"Hindi na. Pinagmasdan ko na lang siya mula sa sasakyan kong naka-park sa di kalayuan sa bahay nila."

"Ganoon ba talaga katindi ang tama mo sa kanya, para pagmasdan pa siya mula sa malayo? Hindi na ikaw ang dating Tyron na nakilala ko, bro. Hindi ka ganyan dati."

"Pati nga ako'y nalilito sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ginugusto kong magpaka-tino para sa kanya."

"Pag-ibig yan, brad. Yan ang tunay na pag-ibig."

"Sa palagay mo ba may pag-asang magbago pa ang desisyon niyang pagbasted sa akin?"

"Oo naman, napaka-swerte kaya ng babaeng mamahalin ng isang Tyron Sandoval. Kung babae nga lang ako, liligawan kita eh."

"Hay naku, Kev. Puro ka talaga biro."

"Hindi ako nagbibiro, brad. Maswerte talaga ang mamahalin mo."

"Kung may magmamahal sa akin ng totoo."

"Meron yan, at speaking of the 'one you love' parating na siya."

"Ha? Nasaan?"taranta kong tanong at nagpalinga-linga.

"Ayun oh, kausap na ni Mr.Corpuz."sagot niya sabay turo sa di kalayuan.

"Oo nga ano? Bakit kaya sila na-late ngayon?"

"Ewan ko. Alamin mo mamaya."

"Para namang nakakahiya kung magtatanong ako eh binasted nga niya ako, di ba? Sabihin pa nun chismoso ako."

"Gandahan mo na lang ang approach para di ka niya pag-isipang nakiki-chismis lang."

"Hala, bahala na."

"Ayan na sila."biglang sabi ni Kev at napalingon ako sa pinanggalingan nila.

Nakita kong papalapit na sila sa pwesto namin kaya mas minabuti kong tumungo at mag-push up na lamang.

~EndOfChapter7~

Thank you for reading..
Don't forget to vote and leave some feedbacks..

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon