Chapter SEVENTEEN

565 15 0
                                    

Chapter 17

~Shantal's POV~

"Shantal..........!" sigaw ni Jane mula sa labas ng bahay ko. Agad akong lumabas ng bahay hinarap si Jane.

"Oh, anong nangyari, bakit naman kaaga-aga ay nasigaw ka diyan?"

"Ikaw ha, hindi mo naman sinabi sa akin na kayo na pala ni Tyron, akala ko ba ay hindi mo siya gusto?" tanong ni Jane.

"Sino bang nagsabi na kami na ni Tyron?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ka ba nagbabasa ng dyaryo ng campus? Mga picture niyo ni Tyron nung acquaintance party ang nasa frontpage."

"Ha? Bakit? May dala ka bang dyaryo diyan, patingin nga." sabi ko at iniabot naman ni Jane ang dyaryo. Tiningnan ko iyon at tama nga si Jane, picture namin ni Tyron ang nasa frontpage. Picture namin nung napili kaming King and Queen of the Night at may ilang pictures din na halatang stolen dahil nakatalikod kami.

"Kayo yan ni Tyron di ba?" tanong ni Jane at itinuro ang picture ng dalawang taong magka-abay.

"Oo, kami nga yam, pero hindi naman yan ang magsasabi kung magkarelasyon ba kami o hindi. Marami namang magkaibigang nag-aakbayan, di ba?"

"Tama ka naman diyan sa sinabi mo. Pero umamin ka, ano na ba kayo ni Tyron?"

"Hindi ko pa alam. Ang sabi lang niya ay may gusto daw siya sa akin kaya liligawan daw niya ako." sabi ko.

"Ayiiiiieeeeeee!!!!!" nagtatatalon sa kilig si Jane sa narinig.

"Manahimik ka nga diyan. Ang OA naman ng reaksyon mo eh. Malay naman natin na talagang linyahan niya lang yon sa mga babae niya."

"Paano naman kung hindi, may chance ba siya sayo?"

"Hindi ko pa alam. Pero kung manliligaw siya, okay lang, di kikilalalanin ko siya at doon ko malalaman kung magkakaroon ba siya ng puwang sa puso ko."

"Sus, huwag kang masyadong magpakipot, baka manawa siya sayo, ikaw din."

"Kung mahal niya talaga ako, hindi siya agad mananawang manuyo."

"Tama ka rin naman. Hay naku, bahala ka na nga. Pero kung ako lang ang liligawan ni Tyron, sasagutin ko siya agad. Mahirap na kapag naunahan ako ng iba." sabi ni Jane.

"Ay hindi tayo magkatulad. Ang gusto ko, kilala ko na siya bago ko siya papasukin sa buhay ko, para wala akong pagsisisihan sa huli."

"Tama! Pero ang swerte mo talaga, Couz. Akalain mo yon, nililigawan ka ng ng 'Campus King', maraming babaeng handang makipagpatayan para lang mapunta sa posisyon mo, at isa na doon si Clarisse."

"Alam ko naman, pero ayoko lang mgdesisyon ng base lang sa magagandang papuri kay Tyron. Gusto ko talagang makilala siya at ng malaman ko kung magiging magkasundo ba kami kapag magkarelasyon na kami."

"Oo na nga. Para ka ng pari diyan sa kasesermon mo ehh. Sige, magpaligaw ka at kapag sa palagay mo ay alam mo na ang lahat ng dapat mong malaman, at kung ayos naman ang nalaman mo, huwag ka ng mag-atubiling sagutin siya. Pwede mo rin naman kasi siyang makilala kahit magkarelasyon na kayo, di ba?"

"Oo nga, pero--."

"Ay, tama na nga, tara na lang mag-mall at ng marelax naman ang utak ko at kailangan kong irefresh ang utak ko dahil sayo."

"Hala, mabuti pa nga siguro. Maliligo lang ako at aalis na tayo."

"Okay! Bilisan mo ha! Balita ko ay maraming naka-sale na item ngayon sa mall eh. Marami akong bibilhin ngayon." sabi ni Jane.

"At saan ka naman kukuha ng pambili, aber? Ang alam ko ay wala ka namang ipon."

"May fairy godmother ako, ano! Kaya isasama kita para maabunan ka din ng grasya."

"Fairy godmother ka diyan. Sabihin mo, sugar daddy."

"Aba, hindi na masama kung iyon ang magiging sugar daddy ko, gwapo, mabait at galante pa."

"At talagang meron nga pala, sino naman ang naloko mo at binigyan ka ng allowance?"

"Secret! Akala ko ba'y maliligo ka na, maligo na at baka maubusan pa tayo!" sabi ni Jane at itinulak na ako papasok sa banyo.

"Oo na, maliligo na." sabi ko at pumasok na sa banyo at naligo.

"Wow, Couz, sale oh, at ang daming magagandang damit, tara, mamili tayo!" sabi ni Jane ng makakita ng boutique na naka-sale at kinaladkad ako papasok.

"Teka naman, hindi ka naman mauubusan diyan, huwag kang magmadali." saway ko sa kanya ng halungkatin ang mga patas ng sale items. "Maawa ka naman sa mga sales lady na magpapatas niyang hinahalungkat mo."

"Ay trabaho naman nila yon, kaya hayaan mo na." sabi ni Jane at nagpatuloy sa paghahalungkat. Nakakita ako ng saleslady at humingi ng pasensya. Sabi naman niya ay ayos lang daw.

"Sabi ko naman sayo eh, kaya mamili ka na din diyan ng gusto mo at magsukat ka na." utos nito.

"Hindi ko naman kailangan ng mga bagong damit eh, ayaw kong bumili." tanggi ko.

"Eh panu yan, hindi ako pwedeng bumili kung hindi ka bibili."

"Bakit naman? Hindi naman aking pera ang gagastusin mo." sabi ko.

"Oo nga, pero ang gusto ko, bibili ka rin. Nakakakonsensya naman na bili ako ng bili pero ikaw naman kahit isa ay walang binili, di ba?"

"Dami mong dada eh, kumain na lang tayo para mabusog tayo."

"Mabuti pa nga sigurong kumain na lang tayo, nagutom na nga ako sa kapipilit sa iyo eh, tara sa Jollibee."

"Sige, libre mo ha!"

"Oo naman, tara."

"Okay...!"

"Woah! Ang sarap! Nabusog ako!" sabi ni Jane ng makatapos kaming kumain.

"Mabuti naman at nabusog ka, nakatatlo ka ba namang extra rice eh, para kang hindi nag-almusal kanina."

"Kulang pa nga yon, nahihiya na lang ako sa kumuha ulit." sabi ni Jane.

"Mabuti naman at may hiya ka pa pala. Saan na tayo ngayon?" tanong ko ng lumabas kami sa Jollibee.

"Doon tayo!" sabi niya at nagtatatalong itinuro ang arcade.

"Diyan? Ayoko diyan, wala akong budget para maglaro."

"Ako ng bahala. Tsaka minsan lang naman tayo magsaya, di lubos-lubusin na natin."

"Couz, sige, pero one hundred lang ang budget mo. Pagkanaubos yun, aalis na tayo, okay?"

"Sige, one hundred lang. Tara na!" sabi ni Jane.

Pinapanood kong maglaro si Jane ng may lumapit sa aking lalaki.

"Shantal!" tawag nito. Hindi ko siya kilala pero parang siya yung lalaking huli kong nakasayaw nung acquaintance party.

"Hi?"

"Mukha yatang hindi mo na ako natatandaan, ako nga pala si Frank, yung last dance mo nung acquaintance party?" pakilala ng lalaki.

"Natatandaan naman kita, hindi ko lang alam ang name mo noon." sabi ko.

"Ngayon alam mo na." naka-ngiti nitong sabi.

"Oo naman."

"Kumusta, sinong kasama mo, boyfriend mo?"

"Hindi, yung pinsan ko, si Jane. Tsaka wala naman akong boyfriend."

"Ahh, akala ko boyfriend mo si Tyron? Yun kasi ang sabi sa campus newspaper ehh."

"Yun nga din ang nabasa ko. Hindi totoo yun, hindi ko boyfriend si Tyron."

"So pwede pala kitang ligawan kung ganoon?"

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi ng lalaking Frank daw ang pangalan. Bakit ata biglang may gustong manligaw sa akin ngayon?

"So ano, pwede ba akong manligaw sayo?" ulit pa nito.

"Hindi pwede!" sabi ng lalaki sa likuran ko. Paglingon ko, madilim ang mukha ni Tyron habang nakatingin kay Frank.

~EndOfChapter17~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon