Chapter FORTY-ONE

393 11 0
                                    

Chapter 41

~Tyron's PoV~

"Hindi pa rin ako makapaniwalang kayang gawin iyon ni Shantal. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Sa loob ng apat na taong pagsunod ko sa kanya, ni minsan ay hindi ko siya nakitang nagka-boyfriend, di lalo na ang makipag-sex sa kung sino lang." umiiyak kong sabi kay Kev. Nandito kami sa bahay at nagpapakalasing.

"Kahit naman ako ay hindi din naniniwalang magagawa yun ni Shantal. At gaya nga ng sinabi mo, hindi ganoon ang pagkakakilala mo sa kanya. Malay ba natin kung ginawa lang ang mga pictures na yon, kayang kaya naman ng gawin yon ngayon." sabi ni Kev.

"Hindi ko na talaga alam kung ano paniniwalaan ko. Sabi ng isip ko, hindi yun gagawin ni Shantal, pero sabi ng puso ko, paano nga kung ginawa niya? Paano kung hindi pa ako sapat sa kanya?"

"Bakit ba kasi hindi mo kausapin si Shantal? Kanina pa niya hinihintay ang tawag mo. Nag-aalala na siya sayo eh. Lagi nga niya akong tinitext, kaso hindi naman ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya tungkol sayo."

"Hayaan niyo na lang muna akong makapag-isip-isip. Ayoko muna siyang makita, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa kanya."

"Alam mo Tyron, mas madaling maayos ang problema kung mag-uusap kayo. Malay ba natin kung malaking misunderstanding lang ang lahat ng ito at baka may naninira lang sa inyong dalawa? Isipin mo ha, sa tagal mo ng nagbabantay kay Shantal, bakit ngayon lng may lumabas na ganito? Bakit kung kelan kayo na saka may lumabas na eskandalo? Hindi k ba nagtataka?"

"Kung paninira lang ang lahat ng ito, sino namang makikinabang kapag natuluyan kaming naghiwalay ni Shantal?"

"Sino pa ba, di yung mga taong may gusto sa inyo. For sure ay papapelan nila kayo once na malaman nila na nagkakalabuan na kayong dalawa."

"Sa palagay mo?"

"Sigurado ako doon. Ang dapat nating gawin ngayon ay alamin kung talaga bang ginawa lang ito para masira kayong dalawa."

"Tama ka."

"At sa ngayon, tawagan mo na si Shantal at sabihin mo kung anong nakita mo."

"Pupuntahan ko na lang siya at ng magkalinawan na kaming dalawa." sabi ko.

"Kaya mo pa bang magdrive? Marami ka ng nainum eh."

"Oo naman. Kayang-kaya pa." sabi ko at tumayo kaya lang ay bigla akong natumba.

"Tsk. Yan ga ang kaya, bukas mo nna lang kaya siya kausapin? Lasing ka na eh, baka lalo lang kayong hindi magkaintindihan."

"Hindi. Gusto ko ngayon ko na siya kausapin. Ihatid mo na lang ako sa kanila."

"Naku, sige, ihahatid na kita." walang tao ng dumating kami sa bahay ni Shantal. Tinawagan ni Kev si Jane at nalamang nandoon si Shantal. Maya-maya ay dumating na si Shantal.

"Oh, Kevin, gabing-gabi na ah, bakit napasugod kayo dito? At bkit parang lasing yang kaibigan mo?" tanong niya.

"Sabi ko nga sa kanya kanina ay bukas na lang kayo mag-usap dahil lasing na lasing siya, pero nagpumilit, nagpahatid pa rin dito."

"Naku, nayon ko lang nakitang naglasing yang lalaking yan."

"Sa totoo lang, ngayon lang talaga uminom yan, dahil lang sayo."

"Ipasok na nga natin ito sa loob. Mukha namang hindi ito papayag na umuwi ng hindi kami nagkakausap eh."

"Sinabi mo pa." kahit lasing ako at medyo antok na, rinig at alam ko pa rin kung anong nangyayari.

Ipinasok ako nina Shantal sa kwarto niya at inihiga. "Salamat, Kev. Ako ng bahala dito. Dito na muna siya, umuwi ka na muna. Salamat sa paghahatid sa kanya." sabi ni Shantal.

"Wala yun. Pagpasensyahan mo na lang yan sa kung anumang sasabihin niya, lasing lang yan. Bukas mo n lang kausapin."

"Sige, salamat."

Naiwan ako sa kwarto mag-isa at ng magising ako ay nakita kong tulog na si Shantal sa tabi ko. Hinawi ko ang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya at pinagmasdan siya.

"Alam kong hindi mo ako niloko. Nararamdaman ko yon." sabi ko at hinalikan siya sa noo. Bumangon ako at kinumutan siya. Pumunta ako sa cr at nagshower para matanggal ang sakit ng ulo ko.

Pagbalik ko sa kama ay tulog na tulog pa rin si Shantal. Napansin kong ay isang planganitang may tubig at bimpo n nakapatong sa silya sa side niya. Baka pinunasan pa niya ako bago siya natulog. Inalis ko ang planganita at inilagay sa cr. Umupo ako sa upuan sa tabi niya at muli na naman siyang pinagmasdan.

"Kahit pa anong sabihin ng iba ay hindi ako maniniwala. Ikaw lang ang tangi kong paniniwalaan, Shantal. Mahal na mahal kita." sabi ko. Muli akong tumabi sa kanya at niyakap siya.

Sobrang sakit ng ulo ko ng umagang iyon. Nagising ako na wala na sa tabi ko si Shantal. Nagshower ulit ako bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si Shantal na nasa kusina at nagluluto ng almusal.

"Good morning." bati ko sa kanya kaya napalingon siya.

"Oh, gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo? Sigurado akong masakit ang ulo mo ngayon." sabi niya habang inaasikaso ang niluluto niyang sinangag. Niyakap ko siya mula sa likuran.

"Salamat sa pag-aasikaso mo sa akin kagabi ha."

"Huwag mo ng isipin yon. Pero sa susunod na magpakalasing ka pa ulit ay hindi na kita aasikasuhin. Maliwanag?" tumango lang ako habang nakayakap pa rin sa kanya. "Maupo na tayo at kumain. Gusto mo ba ng kape?"

"Pwede ba?"

"Oo naman, kape lang eh." sabi niya at nagtimpla sa dalawang tasa ng kape. Maapos naming kumain ay naupo kami sa sala.

"Bakit ka ba naglasing kagabi?" tanong niya. "Nakita mo ba yung mga pictures?"

"Oo. Totoo ba ang mga yon?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano nangyari yon, dahil ni minsan ay hindi ako sumama kay Frank. Isang beses lang, noong research lang at itinext ko pa yun sayo."

"Oo, natatandaan ko nga ang text mo na iyon. At tinatawagan kita nung gabi pero unattended ang phone mo kaya inisip kong baka nalow bat at pagod ka sa ginawa mo maghapon."

"Ang natatandaan ko nung araw na un, pagkatapos ng interview ay nag ayang magdinner si Frank at pagkatapos ay nagpunta kami sa club. Iced tea lang naman ang ininum ko pero bigla akong nahilo. Nang magising ako, nandito na ako sa bahay, sa kwarto ko."

"Hindi kaya si Frank ang may plano ng lahat ng ito? Nilagyan niya ng pampatulog ang iced tea mo at ihinatid ka niya dito at pinicturan habang tulog?"

"Pwedeng ganoon ang nangyari, pero sigurado akong may kasabwat siya. Yung kumuha ng picture." sabi ni Shantal.

"Sino naman kaya?"

"Sino bang ngpakita sayo ng pictures? Sa palagay mo, paano siya magkakaroon ng copy nun kung hindi siya mismo ang kumuha?"

"Si Clarisse. Si Clarisse ang nagpakita sa akin ng pictures kahapon."

"At baka siya rin ang nagpadala sa akin ng mga pictures kagabi."

"Pero bakit naman niya gagawin ang bagay na ito? Anong mapapala niya kung sakaling maghiwalay tayo dahil dito?"

"Hindi pa ba malinaw? May gusto siya sayo kaya kahit ano ay handa niya gawin, kahit ang manira ng puri ng iba."

"Hindi ako makapaniwala. Anong dapat nating gawin ngayon?"

"Kailangan nating mag-imbestiga kung tama nga ba ang mga hinala natin bago tayo gumawa ng aksyon." sabi ni Shantal.

"Tama ka, sabi nga sa akin kagabi ni Kev na baka daw ang may gawa ng lahat ng ito ay ang taong may gusto sa atin at kapag nalaman nilang nagkakalabuan na tayo ay siguradong papapel sila."

"Sige, alam ko na kung anong dapat nating gawin para mahuli sila." sabi ni Shantal.

~EndOfChapter41~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon