Chapter SIXTEEN

536 13 0
                                    

Chapter 16

~Tyron's POV~

Nang makabalik ako sa venue ng party, nakita ko si Clarisse na tumatakbong palabas habang umiiyak. Gusto ko sanang tanungin siya kung anong nangyari kaso baka mamis-interpret lang niya ang paglapit ko kaya hindi ko na ginawa.

Pumasok ako sa venue at nakitang iilan na ang nagsasayaw. Nagmasid muna ako sa paligid bago ako lumapit sa karamihan. Nakita kong may lumapit na lalaki kay Shantal at panrang inaaya itong sumayaw. Nung una ay ayaw pumayag ni Shantal pero dahil makulit ang lalaki ay napilitan din itong sumama.

Naupo ako hindi kalayuan sa pwesto nina Shantal. Pinapanood ko sila habang nagsasayaw. Halatang naiilang si Shantal sa paraan ng paghawak ng lalaki kaya nagpasya na akong lumapit sa kanila.

"Excuse me, pwedeng ako naman?" tanong ko sa lalaking kapareha ni Shantal.

"Tyron?" sabi ni Shantal.

"Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy pa kami sa pagsasayaw na dalawa, ha?" maangas na sabi ng lalaki.

"Mukhang ikaw lang ang nag-eenjoy eh, hindi mo ba napapansin?"

"Paano mo naman nasabi na ako lang, unang-una, sasama ba sia sa akin makipagsayaw kung hindi niya ako gusto?"

"Halata naman na napilitan lang siyang sumama dahil makulit ka. A kanina ko pa napapansin na naglalakbay na ang kamay mo sa katawan ni Shantal, kaya kung ayaw mong masuspend ay bitawan mo na siya." Nagbabanta kong sabi.

"Tyron, tama na. Tara na sa labad." sabi ni Shantal at humawak sa braso ko. "I'm sorry." baling niya sa lalaki bago kami tuluyang lumabas ng hall.

"Okay ka lang ba? Parang namumutla ka." puna ko kay Shantal.

"Okay lang ako, salamat sa pagkuha mo sakin dun sa lalaki kanina." sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya para mapanatag siya, napansin ko kasing nanginginig siya. "Malalamig ang kamay mo, sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

"Hindi na kailangan, mawawala din ito." sabi ni Shantal. Hinubad ko ang coat ko at ibinigay kay Shantal.

"Salamat, pero hindi mo na kailangang gawin pa yan, sanay naman ako sa lamig." sabi niya.

"Alam ko, pero gusto ko pa ring gawin. Ihahatid na kita sa inyo, mahirap ng makakuha ng taxi kapag ganito ng oras." sabi ko.

"Naku, huwag na. Sasabay na lang ako mamaya kay Jane. Maaabala pa kita, eh."

"Hindi kaso saken yon. Ang gusto ko lang ay makasiguradong safe kang makaka-uwi. Baka mamaya ay maabutan ka pa nung lalaking nagsayaw sayo kanina at kung ano pang gawin sayo, mahirap na."

"Oo nga pala, kung okay lang, isabay na din natin si Jane, wala kasi yung makakasabay mamaya pag-uwi ehh."

"Don't worry, sasabihan ko na lang si Kev na ihatid si Jane mamaya."

"Hindi ba nakakahiya sa kaibigan mo kung ihahatid pa niya si Jane?"

"Hini yon. Tsaka date niya si Jane kaya responsibilidad niyang ihatid yun pauwi."

"Gannon ba, sige."

"Sige, hintayin mo na lang ako dito at kukunin ko ang kotse ko sa parking area." sabi ko at tumalikod na ng pigilan niya ako. "Bakit?"

"Pwede bang sumama na ako sayo pagkuha ng kotse? Natatakot kasi akong mag-isa ehh." sabi niya haang mahigpit ang hawak sa braso ko.

"Oo naman, yun lang pala eh, tara na." sabi ko at inakbayan siya para sabay kami sa paglakad.

"Salamat, pero teka, huwag mo na akong akbayan, baka makita tayo ng girlfriend mo magalit pa yun at magka-away pa kayo." sabi niya at tinaggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya.

"Don't worry, wala namang magagalit." sabi ko.

"Paanong wala? Kahit hindi niya tayo makitang ganito pero may makakita naman sa atin na kakilala niya at sabihin, masasaktan yon panigurado."

"Shantal, wala akong girlfriend, kaya mag-relax ka lang diyan at huwag ng mag-isip ng kung anu-ano pa. At isa pa, magsisimula pa lang naman akong manligaw sayo." sabi ko. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Anong sinabi mo, paki-ulit nga, baka dala lang ng antok at pagod kaya kung anu-ano ng naririnig ko." sabi niya at kahit medyo madilim sa paligid ay kita kong nagba-blush siya.

"Tama ang kung anumang narinig mo. Hindi ko na uulitin, dahil simula bukas ay gagawin ko na lang." sabi ko at inakbayan ulit siya at nagpatuloy na sa paglakad.

Nasa byahe na kami pauwi sa kanila ng magtanong ako. "Gusto mo bang kumain muna bago umuwi ng bahay?"

"Pwede ba?" nag-aalangang niyang tanong.

"Oo naman. Hindi kasi ako nabusog sa pagkain doon sa party, ikaw ba?"

"Hindi rin. Nakakahiya naman kasing magpabalik-balik sa buffet table, kahit pa sabihing eat all you can naman." natatawang sabi ni Shantal.

"Oo nga eh, mabuti na lang at nagpa-reserve na ako sa resto kanina nung labas ako."

"Yun lang ba ginawa mo kanina kaya ka lumabas?"

"Oo naman. Nasa plano ko ng ayain kang kumain sa labas, kaya nagpa-reserve na ako at bumili ng mga ito." sabi ko at iniabot ang isang bouquet ng red roses.

"Wow ha, para sa akin din ba ang mga ito?"

"Oo naman. At ikaw lang ang bibigyan ko ng ganyan."

"Bakit naman?"

"Hindi pa ba halata, matagal na kitang gusto, Shantal. Matagal ko na ring sinasabi sayo ang nararamdaman ko sa mga sulat na ibinibigay ko sayo pero hindi mo naman pala binasa ang kahit alin sa mga iyon."

"Pasensya ka na, hindi ko naman alam na ganoon pala ang laman ng mga sulat. Akala ko'y nang-aasar ka lamang kaya hindi ko binabasa ang mga sulat."

"Ayos lang iyon, ang mahalaga ngayon ay alam mo na kung ano talaga ang nararamdaman ko para sayo."

"Oo, alam ko na ngayon. Salamat."

"Bakit ka naman nagpapasalamat sa akin?"

"Kasi kahit paano pala ay may nagmamahal sa akin."

"Walang sinuman ang hindi ka mamahalin, dahil mabait ka at higit sa lahat ay maganda."

"Naku, oo na, pambobola na yang dina-dialogue mo, tayo na lamang kumain."

"Hindi kita binobola, totoo ang sinasabi ko. Pero gutom na ako, kaya kumain na nga muna tayo." sabi ko at nagtawanan kami.

~EndOfChapter16~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon