Chapter TWENTY-FIVE

423 12 3
                                    

Chapter 25

~Shantal's POV~

"Hindi ako makapaniwalang nagawa sa akin ni Tyron yon!" sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

"Tahan na, Couz. Ano ba kasing nangyare?" tanong ni Jane.

"Ayoko ng pag-usapan. Ayoko ng maalala." sagot ko at niyakap ang unan ko.

"Alam kong importante sa iyo ang first kiss mo, pero ganito na lang ang isipin natin, baka nagawa niya lang yon dahil gusto ka talaga niya at gaya mo, nabigla din lang siya."

"Hindi ko alam, Couz. Hindi ko na alam ang iisipin ko, basta ayoko muna siyang makita sa ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kapag nagkita kami."

"Hayaan mo, sasabihin kong huwag ka muna niyang lapitan." sabi ni Jane.

"Salamat, Couz. Buti na lang nandyan ka para damayan ako."

"Oo naman. Hindi ba nga, bukod sa pinsan mo ako ay bestfriend mo pa, kaya doble ang pagmamahal ko sayo. Ang gusto ko lang ay ang makita kang masaya." sabi ni Jane at niyakap ako. Simula kasi ng mamatay ang parents ko, ang pamilya na ni Jane ang nag-alaga sa akin kaya ganoon na lang kami ka-close ni Jane.

"Salamat talaga, Couz. Sa lahat."

"Wala yun, ano ka ba. Tumaha ka na diyan at mag-ayos. Mamasyal na lang tayo para hindi ka na malungkot." aya ni Jane.

"Siguro, pass na muna ako diyan. Dito na lang muna ako sa bahay, matutulog maghapon. Baka sakaling okay na ako pag gising ko."

"Sige, ikaw ang bahala. Basta kapag kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako, ha!"

"Oo naman. Ikaw ang unang-una kong tatawagan."

"Sige, uwi na muna ako at ng makapahinga ka."

"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi."

Narrator: Habang lumilipas ang araw, ginawa nga ni Tyron ang hindi paglapit kay Shantal. Kahit sa mga subject na magka-klase sila ay hindi rin nasipot si Tyron. Sa araw-araw na dumadaan, hindi nawawalan ng pinapadalang peace offering para kay Shantal. Iniipon niya ang lahat ng pinapadala sa kanya pero kahit isang sulat o note ay hindi niya binasa.

"Couz, pwede ka ng magtayo ng gift shop sa dami ng regalong narito sa kwarto mo. Buti may natutulugan ka pa." sabi ni Jane ng minsan siyang dumalaw sa bahay.

"Sa labas na ako natutulog."

"Seryoso?"

"Malamang hindi. Wala namang laman ang kama ko, bakit naman sa labas ako matutulog."

"Akala ko naman sa labas ka nga natulog eh. Hindi mo pa rin ba napapatawad si Tyron, magdadalawang buwan na simula nung nagalit ka sa kanya ah." tanong ni Jane.

"Alam mo, sa totoo lang, parang hindi naman ako nagalit sa kanya eh, parang nabigla lang din ako."

"Eh bakit pinatagal mo pa ang hindi pagpansin sa kanya?"

"Hindi ko din alam. Parang nahihiya ako na kung papaano. Ewan!"

"Naku, ang gulo mo."

"Kaya nga ehh, hindi ko alam kung ako ba dapat ang unang lumapit, o kumausap sa kanya. Parang ang sama namang tingnan eh."

"Hindi ah! Bakit naman sasama, hayaan mo, aalamin ko kung nasaan siya at sasamahan kita pagpunta sa kanya."

"Kung pupunta naman tayo, ano namang sasabihin ko sa kanya? Ano bang dapat kong sabihin?"

"Yun lang, hindi ko din alam kung anong dapat sabihin eh. Hayaan na muna natin, saka na natin iisipin ang sasabihin kapag kaharap na antin siya." payo ni Jane.

"Tama, yun na nga lang ang gagawin natin. Sa ngayon, babasahin ko muna ang mga card na kasama ng mga regalong galingnsa kanya."

"Ngayon mo pa lang babasahin? Ni minsan hindi ka nagbasa?"

"Hindi. Ayokong basahin, maiinis lang ako eh."

"Eh bakit babasahin mo ngayon?"

"Malay natin, may makuha akong idea kung anong pwede kong sabihin sa kanya sa mga sulat niya."

"Oo nga no! Sige, basahin mo na. Tutulungan kitang pagsunud-sunurin ang date."

"Sige." ginawa nga namin. Una kong binasa ang pinakauna niyang card na binigay. Lahat ng iyon ay iisa lang ang nakasulat, "I'm really sorry, Shantal. Sana mapatawad mo ako, Mahal na mahal kita." at naiba lang dun sa pinakahuli. "Shantal, hindi ako mananawang huminge ng tawad sayo hanggang sa mapatawad mo na ako, pero sa ngayon, hanggang dito na lang muna, aalis ako. Sa monday ang flight ko 8am at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Habang wala ako, sana ingatan mo ang sarili mo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Tyron."

"Aalis si Tyron?"

"Ha? Anong aalis?"

"Sabi niya dito sa card. Monday 8am daw ang flight niya."

"Monday ngayon ah! 7:30 pa lang, tara sa airport, baka abutan pa natin."

"Kahit umalis tayo ngayon, hindi na natin siya aabutan dahil sa tagal ng traffic." sabi ko.

"Oo nga pala, sayang naman at hindi man lang muna kayo nagkaayos bago siya umalis. Eh kelan naman daw ba ang balik niya?"

"Hindi niya pa daw alam eh."

"Sinabi ba kung saan siya pupunta at kung bakit siya aalis?"

"Hindi eh."

"Gusto mo ba na kausapin ko si Kevin, baka may alam siya."

"Saka na lang siguro. Hihintayin ko na lang siyang umuwi. Pag-uwi na lang niya kami mag-usap."

"Sige, ikaw ang bahala." sabi ni Jane at tumayo na para umalis. "Ay, may idea ako, ganito gawin mo, kapag may maiisip ka na gusto mong sabihin kay Tyron, isulat mo sa isang papel at ilagay mo sa garapon. Tapos pagdating niya, iabot mo na lang."

"Oo nga no?! Gagawin konyun, salamat. Ingat ka sa pag-uwi."

"Sige. Kita na langbtayo bukas sa school."

"Okay.

~EndOfChapter25~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon