" May tao ba diyan? " Walang sumasagot pero patuloy pa rin ang malalakas na yabag na nanggagaling sa labas." Sino yan? Mark? Ikaw ba yan? " Dahan-dahang tumayo si Mia sa kaniyang kinauupuan at nakiramdam sa paligid. Ilang sandali lamang ay tumigil ang mga malalakas na yabag.
Napatalon si Mia sa malakas na tunog na nagmumula sa Cellphone niya. Sinadya talaga nitong mag alarm 15 minutes before 7 p.m.
Ilang minuto pa ang lumipas nang may marinig na namang malalakas na yabag si Mia na tila ba nagmamadali. Inis siyang tumayo sa upuan at binuksan ang pinto ng silid aklatan kung nasaan siya. Walang tao. Tiningnan niya ang paligid ngunit wala siyang nakita kundi isang payong na itim.
Napakunot ang noo niya sa pagtataka sapagkat wala namang ibang tao siyang nakikita. Sakto namang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Sobrang lakas. Rinig na rinig niya ang bawat pagpatak nito.
Biglang bumukas ang bintana at humangin ng napaka lakas. Lumapit si Mia at sinarado ang bintana. Sumilip siya sa labas at kinilabutan sakanyang nakita.
Mayroong babaeng naka itim, nakatayo sa gitna ng ulan. Ilang saglit lang ay bigla itong lumingon sa kanyang kinaroroonan.
Napaatras si Mia, nagmamadali niyang inayos ang kanyang gamit ng aakmang bubuksan na niya ang pinto ay narining na naman niya ang mga yabag.
Binuksan niya ang pinto ngunit walang tao. Nagpalinga-linga siya.
" Sinong nandyan? May tao ba dyan? " Walang sumasagot. Sa takot ay dinampot niya ang payong na itim at nagmamadaling umalis.
Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Mark.
Walang sumasagot. Patuloy lamang siyang naglalakad nang nakita niya ang babaeng naka itim sa dulo ng pasilyo. Sigurado siyang ito ang babae kanina sa labas ngunit labis ang pagtataka niya dahil hindi man lang ito nabasa. Ipinagsa walang bahala na lamang niya ito.
Hindi pa rin sumasagot si Mark. Napatigil siya upang tawagan muli ito, ngunit napansin niyang nag iwan ito ng voice message sakanya. Pinindot niya ang play button at pinakinggan ito.
" Mia. Pasensya na at hindi kita masusundo ngayon pero siguraduhin mo na makaka alis ka diyan bago sumapit ang ala syete. Makinig ka, kapag may naririnig kang mga yabag, Huwag mong papansinin, Umalis ka na, Huwag kang lilingon, Ang Babaeng nakaitim. Nandito siyang muli.... " May halong takot ang tinig ni Mark. Kinilabutan siya. Anong sinasabi nito? Sinong babaeng nakaitim?
Napatigil siya. Mga yabag. Babaeng naka itim...
Wala sa sarili niyang napatingin sa dulo ng pasilyo kung saan nakatayo pa rin ang bababeng naka itim.
Hindi alam ni Mia ang gagawin. Lahat ng sinabi ni Mark ay tugmang tugma sa nangyayari sakanya ngayon. Napatingin siya sa kanyang cellphone.
Ikapitong taon.
Today is July 7, 2012
7 p.m.
Napalingon muli si Mia sa kanyang harapan.
" S - Sino ka? " Nanginginig na tanong ni Mia.
" Ako? Ako lang naman ang tatapos sa iyo " Malamig na sabi nito.
" AHHHHHHHHHHHHHHH "
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Bí ẩn / Giật gânSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...