Chapter 23

25 8 0
                                    

" Stop Shouting! " Pagsuway ko sa kanila. " Kumalma kayo, okay? "

Inagaw ko kay Andrea ang kaniyang cellphone at itinutok sa sulok kung saan natumba si Ann.

" Don't tell nandiyan yung bangkay " Natatarantang sabi ni Ann.

" Obvious ba girl? Ayan nga nakikita mo at andaming patak ng dugo " Sabi ni Jay.

" What to do? " Tanong ni Francine.

" Ano pa ba? Edi buksan " Sabi ni Nicole. Isa itong metal box, It looks like a small locker. " Itapat mo dito, hindi ko makita " Lumapit naman ako sa kanya para magkaroon siya ng sapat na ilaw para mabuksan ang box.

" Ayaw, walang handle. Sino mahaba kuko diyan. Sungkitin niyo. " Sabi ni Nicole. Lahat naman kami napatingin kay Francine at Jay.

" NO! " Sabay nilang sabi.

" Yes! Bilisan niyo na, kung mahaba lang kuko ko ay ako na gumawa " Sabi pa ni Nicole.

" Bloods. Ang daming dugo " Nandidiring sabi ni Francine.

" Gawin niyo na lang para matapos na to. " Sabi naman ni Ann.

Walang nagawa ang dalawa at kahit diring diri na sa mga patak ng dugo na sumisksik sa mahahaba nilang kuko ay patuloy pa rin nilang sinusungkit ang takip.

" Ayan! Wait lang, wag niyong bibitawan " Sabi ni Andrea.

Bago pa namin tuluyang mabuksan ang takip ay malalim na boses ang umagaw ng pansin sa amin.

" Anong ginagawa niyo diyan? " Lahat kami ay napasigaw at napatalon sa takot.

" Shit " Sabay-sabay naming sabi. Lumapit sa amin ang nagmamay-ari ng boses. Itinutok ko ang ilaw na nanggagaling sa cellphone ni Andrea patungo sa mukha nito.

" Prof. Arthur? " Tanong ko. " Oo ako nga. Sino ba kayo? Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba at restricted ang area na ito, bawal kayo dito. "

" Ahm. Sir, we are from Star Section. Meron lang po kasi kami nalaman and we wanted to make sure kung tama po ba yung nalaman namin " Pagpapaliwanag ni Nicole.

" And that is? " Nagtatakang tanong nito. Nagkatinginan naman kami at nagsenyasan kung sino ang magsasabi.

" What is it? " Ulit ni Prof Arthur. Lumapit sa akin si Jay at binulungan ako. " Ikaw na magsabi tutal ikaw naman nakakaalam ng buong kwento " Pinanlakihan ko naman siya at sinabing " Ikaw na "

" Ano ba? Are you guys going to say it or not? " Nagkocompose pa lang ako ng sasabihin ko ng magsimulang magsalita si Francine.

" Sir. Ahmm. We think that there's another victim of the incident kaninang umaga and we are here to check because Ann had a blood on her hand nung nadapa siya and we discover this box full of blood. " Pagpapaliwanag ni Francine sabay turo sa box, itinapat ko naman ang ilaw sa box para makita ng maayos ni Prof. ang sinasabi ni Francine.

" Bakit may dugo dito? " Tanong ni Prof. Arthur habang naglalakad papalapit sa box.

" We are trying to open that thing using our nails when you saw us. We think that there's a bangkay inside that " Pagpapatuloy ni Francine. Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi ni Francine. Napaka conyo.

" Bangkay? Anong sinasabi niyo? " Gulat na gulat na sabi ni Prof. Arthur.

" Actually hindi pa po kami sure, we are just checking pa lang po " Paliwanag ni Andrea.

" How to open this damn thing. " Rinig naming sabi ni Prof. Tinulak ko naman si Jay para ituloy yung pagbubukas nila sa box.

After a minute of trying to open the box ay bumungad saamin ang duguang mukha ng isang bababe.

Lahat kami ay napaatras at napatakip sa aming ilong.

" Shit. Sinong gumawa nito? " Hindi makapaniwalang sabi ni Prof. Arthur.  Tumayo naman ito at kinuha ang cellphone at nag dial ng number pagkatapos ay inutusan kaming lumayo sa box.

" Girls. Bumalik na kayo sa room niyo, mamaya tayo mag-usap, okay? Go. " Wala na kaming ibang nagawa at nag-unahan bumalik sa room.


How can someone do this cruel thing?





Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon