" Ano yon? " Hindi makapaniwalang tanong ko kay Nicole habang nakaturo sa pintong nilabasan ni Prof. Arthur.
Hindi ako makapaniwalang yun ang maabutan ko pagka pasok ko sa apartment niya.
" Don't give me that kind of look, Elle! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! " Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Umalis ako sa harapan niya at pumunta ng kaniyang kusina, kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig pagkatapos ay walang hintong inubos ito.
Naramdaman ko namang sinundan ako nito. Ginulo ko ang aking buhok dahil sa sobrang inis. Bakit kailangan niyang gawin iyon?
" I am not judging you. " Madiing sabi ko bago humarap sakanya.
" Gusto ko lang malaman kung bakit kailangan mong gawin yun? Para saan? Hindi ko maintindihan. Gulong gulo na ako, tapos dadagdag ka pa! " Umiwas ako ng tingin ng maramdaman kong tumulo ang aking luha, agad ko itong pinunasan.
" Aba! teka sandali lang ha, Unang-una hindi ko kasalanan na marami kang problema! At wala akong sinabi na problemahin mo ang mga problema ko! " Sagot nito.
" Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Nicole " Madiing sabi ko.
Napatango tango ito at lumabas ng kusina, ginulo ko ulit ang buhok ko at sinundan ito sa sala.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko at nakahawak ang magkabilang kamay sa kaniyang buhok.
Umupo ako sa kanyang harapan at pinakalma ang aking sarili.
" May problema ka ba? " Muli kong sabi, tumingin ito sa akin at umayos ng upo. Hindi pa rin tumitigil ang pag agos ng luha sa kaniyang mga mata.
" Nandito lang ako.. " Binigyan ko siya ng nginting nagsasabing nandito lang ako. Tumayo ako at tumabi sa kaniya, niyakap ko siya ng mahigpit, kasabay ng paghagulgol niya ay ang pagtulo ng luha ko.
Humiwalay siya ng yakap sa akin at tumayo, pumunta siya sa kaniyang kwarto, sumunod ako sa kaniya at sinarado ang pinto.
Umupo ako sa kaniyang kama at pinagmasdan siya, hinihintay kong magkwento siya sa akin, dumiretso siya sa kaniyang cabinet at may kinuha.
Humarap siya sa akin at naglakad papunta sa pwesto ko, may dala dala siyang box, may kalakihan iyon at mukhang mabigat dahil nahihirapan siyang dalhin ito.
" Ano yan? " Tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at binuksana ang kahon pagkatapos ay walang sabing binuhos ang laman ng kahon.
Nagkalat sa sahig ang limpak limpak na pera, nang maubos ito ay binalibag niya ang kahon sa sahig at tumingin sa aking mga mata.
" Saiyo na lahat yan, " Kumunot ang mga noo ko sa sinabi niya.
" Para saan? Bakit mo ako binibigyan ng pera? "
" Sa'yo na ang lahat ng iyan, kapalit ng pananahimik mo " Pinunansan nito ang luha na gumulongsa kaniyang pisnge. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
" Bakit? Ano bang akala mo? Na ipagkakalat ko ang nakita ko? Na sasabihin ko sa mga kaibigan natin? Na sasabihin ko sa Alexus? " Tumayo ako at nilapitan siya, wala akong pakialam kahit natatapakan ko ang mga libo libong pera sa sahig, hinawakan ko siya sa magkabilang braso at lumapit sa tenga niya.
" Na ang kaibigan ko ay pumatol sa Professor namin. Para saan? Para sa pera, ha? " Bulong ko dito. Tinulak naman niya ako at sinampal sa magkabilang pisnge, pakiramdam ko ay bumaon ang pisnge ko sa aking mukha sa lakas ng pagkakasampal niya.
Dahan dahan kong inangat ang aking kamay at dinama ang magkabilang pisnge, mahapdi iyon at masakit. Putek!
" Oo! Tama ka! Pumatol nga ako, ano naman ngayon? Dito ako nabubuhay! Alam mo ang kwento ko! Ang pinagdaanan ko ng mamatay ang magulang ko! Kung hindi ko gagawin 'to, sa tingin mo? Nasaan ako? Nasa kalye! Doon ako pupulutin! " Hindi ako nakasagot sa kaniya. Totoo naman, wala ng sumusuporta kay Nicole.
" So ano mo siya? Sugar Daddy? Itigil mo ang relasyon mo kay Prof. Arthur, makakaasa ka na walang makakaalam kahit ang mga kaibigan natin, " Napailling naman ito sa sinabi ko.
Tumalikod siya sa akin pagkatapos ay naghalungkat pa ulit sa kaniyang drawer, nang makita niya ang kaniyang hinahanap ay humarap ulit siya sa akin at inabot ang kaniyang kinuha nang aking tignan ay passbook.
" Ano 'to ? " Tanong ko.
" Buksan mo, " Napakunot ako ng noo pero sinunod naman siya.
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, mahigit Tatlong milyon na ang nilalaman ng kaniyang bank account.
" Bukod sa mga perang ito, " Turo niya sa mga perang nagkalat sa sahig.
" Yan na lahat ng naipon ko. Ang laki na, no? Mayaman na ako, " Tumatawang sabi nito.
" Hindi lang si Prof. Arthur ang lalaki sa buhay ko, itigil ko man ang relasyon na meron kami. Marami ang naghahabol sa akin, lalo na ang mga katulad ni Prof. Ano nga ulit iyon? " Pinitik pitik pa niya ang mga daliri niya habang naglalakad, pumunta siya sa likuran ko, sinundan ko naman siya ng tingin at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Kumuha siya ng pera sa sahig at inihagi ang sarili sa kama pagkatapos ay umupo at tumingin sa akin.
" Ano nga ulit tawag sa mga taong katulad ko? Pokpok? Puta? Malandi? " Tumawa naman ito at humiga ulit at hinagis ang pera sa ere.
" Kahit ano pa yun, doon ako nabubuhay, " Umalis siya ng kama at tumayo sa harapan ko.
" Binabalaan kita. Huwag kang magkakamaling sabihin ito sa kanila, or else... "
" Or else what? " Sagot ko.
" Or else, our friendship will be over, " Nakangising sabi nito.
" Kilala kita, Elle. Sa ating lahat, ikaw pinaka nagpapahalaga ng friendship natin. Ayaw mo naman siguro masira yun, nang dahil sa'yo, diba? " Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya, wala akong mahanap na salita. Naipit na naman ako. Bwiset na buhay 'to!
" Isa pa, sigurado naman ako na hindi lang ako ang may sikreto sa ating lahat. Malay mo, meron din isa sa atin ang may karelasayon na Prof. " Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
" Anong sinasabi mo? " Naguguluhang sabi ko. Tinawanan naman ako nito at unti-unting kinukuha ang pera sa sahig at inilalalgay sa kahon.
" Ang sinasabi ko lang, lahat naman tayo may sikreto, yung iba nga mas malala pa akin, " Hindi na ako nagsalita pa at walang sabi sabing iniwan siya at umalis ng apartment niya. Narinig ko pang tumawa siya ng malakas bago ako tuluyang makalabas.
Padabog kong sinara ang pintuan ng aking silid at hinagis ang aking bag sa kama.
Humarap ako sa salamin sa loob ng aking room at kinausap ang aking sarili.
" Kung anu-anong nasasaksihan mo. "
Hinubad ko ang damit ko at nagpalit ng pambahay pagkatapos ay humiga sa kama. Ilang oras lang akong nakatitig sa kisame bago ako hilahin ng antok at namalayan ko na lang na nagising ako ng gabi at hinihingal.
Napaniginipan ko ang lahat ng aksidenteng nasaksihan ko.
Tama si Nicole, lahat sila may sikreto, inabot ko ang frame na naglalaman ng litrato naming pito.
" Sino nga bang mag aakala na ang mga mala anghel na itsura niyo, ay may mga alagang demonyo, "
Tumulo ang isang butil ng luha sa aking kaliwang pisnge. Pagod na akong masaksihan ang lahat.
Tumawa lang ako habang umiiyak at pinagmamasdan ang mga larawan nila, napahinto ako nang may mapag tanto ako. May isa na lang sikreto ang hindi ko pa nasasaksihan, tumama ang daliri ko sa mukha niya.
Gen.... anong sikreto mo?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...