Please support my stories and follow me, also follow itsDdreamer
________________________________
Madaling araw na ng maka uwi kami sa kanya kanyang bahay. Kahit pagod na pagod ay pumasok pa rin kami sa Alexus. Walang tigil ang mga kwentuhan at tawanan namin kahit na magkakasama kami simula noong isang araw hanggang ngayon.
Naging normal ang takbo ng buhay namin sa Alexus. Malapit na rin naming matapos ang parusang community service, Kanina lang ay maaga kaming nagsimula at katatapos lang namin ngayon.
Naging mapayapa ang mga sumunod na araw ko. Walang masamang panaginip, walang babaeng nakaitim.
Pagkatapos ng pangyayari sa school ay wala ng naging balita sa babae na nakakita ng babaeng nakaitim, though hindi naman talaga malinaw kung babaeng nakaitim talaga ang nakita niya.Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria dahil nagugutom na kami dahil sa pag lilinis.
" Alam niyo pansin ko lang ha, simula noong isang araw iba na trato sa atin ng mga ibang section " Sabi ni Gen habang tumitingin sa mga estudyanteng tumutungo kapag nakikita kami o kaya ay nakakasalubong kami.
" Dahil nga ayaw nilang madamay.... " Napalingon kami sa babaeng nagsalita. Si Ysa.
" Madamay saan? " Nagtatakang tanong ni Francine.
" Remember, Angela? " Sabi niya habang nakataas ang kilay.
" Angela who? " Naguguluhang tanong ko.
" Yung babaeng nakakita sa babaeng nakaitim " Napa ahh naman kaming lahat sa sagot niya.
" Ano namang connect? " Tanong ni Andrea.
" Hindi ko ba nasabi? Tanging Star Section lang ang binibiktima ng babaeng nakaitim at natatakot sila na baka madamay sila sa sumpa na meron sa atin kaya lumalayo sila " Paliwanag nito. " At isa pa, We're so smart kaya " Napatitig lang kami dahil sa sinabi niya.
Hindi naman humaba pa ang usapan namin dahil tinawag siya ng isa sa mga kaklase naming lalaki na si Lloyd.
" Sino nga ulit yun? Ysa? Ysa diba? " Tanong ni Andrea.
" Oo. Bakit? " Ang sabi ko.
" Wala, ang arte nya lang. 'We're so smart kaya' " Natawa naman kami dahil talagang ginaya niya pa yung boses ni Ysa.
Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming umorder dahil gutom na gutom na kami.
" Hmmm... Isang spaghetti, isang fries, isang mango shake and isang bottled water " Ang sabi ko sa tindera.
" 250 po " Nagbigay ako ng bayad at kinuha na ang mga inorder ko pagkatapos ay dumiretso na ako sa lamesa namin.
" Nasaan sila? " Tanong ni Nicole na ang tinutukoy ay sila Francine at Jay na kasama ko sa pagbili.
" Naka pila pa " Maikling sagot ko.
Hinintay muna naming makarating sila Francine bago kami mag simulang kumain.
" Punta ulit tayong baguio " Ang sabi ni Gen.
Napatigil ako sa pag subo ng spaghetti dahil sa sinabi niya.
" Gala na naman " Natatawang sabi ni Francine. " Pero, sige next time mag set tayo " Pahabol pa nito.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...