Chapter 16

28 12 0
                                    

" So, paano kayo nga nagka kilala ng kapatid ko? " Tanong ni Ann. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain.

" Una kaming naging magka kilala kinder pa lang kami. Since that day, never na kaming nag hiwalay at palagi kaming magka sama hanggang sa lumaki na
kami " Kuwento ko.

" Really? Ang tagal niyo naman pa lang naging magka ibigan. " Hindi makapaniwalang sabi nito habang nanlalaki pa ang mata.

" Yeah. Pero ewan ko ba, hindi ko na alam kung anong nangyari sa amin " Nakatungong sabi ko.

" Sorry. "

" It's okay, hindi mo naman kasalanan " Nakangiting sabi ko sa kanya.

" Ann... " Napalingon kami sa babaeng nagsalita sa likuran ko.

" Elle... "

" Oh, Hi Anna! " Tumayo si Ann at lumapit kay Ann, yumakap siya dito at humalik sa pisngi nito.

" A-anong ginagawa mo dito?  " Tanong ni Anna.

" Surprise! Gusto lang kasi kitang dalawin " Nakangiting sabi nito sa kapatid.

Tinignan ako ni Anna bago kami walang sabing tinalikurang dalawa ni Ann.


Kinabukasan maaga akong pumasok dahil gusto kong kausapin si Anna. Naabutan ko naman siyang nakatungo sa lamesa sa kanyang upuan. Wala pang masyadong tao.

Tinapik ko siya sa kanyang balikat. "  Anna, mag usap nga tayo. " ang sabi ko habang naka pameywang. Tinignan niya ako at hindi man lang nag salita. Akmang magsa salita na ko ng mapansin kong meron siyang maliit na pasa malapit sa tenga niya.

" Anong nangyari diyan? " Turo ko sa pasa niya.

Agad niya itong tinakpan ng kaniyang buhok. " Ano bang paki alam mo?! " Ang sabi nito at padabog na tumayo. Nang magtapat kami ay hinila ko ang kaniyang braso para maka harap ulit sa akin. 

" Ouch! "  Napakunot ako ng ulo dahil sa naging reaksiyon niya.

" Anong nangyari diyan? " Tanong ko sa braso niyang hinila ko.

Inangat ko paangat ang manggas ng uniform niya at may nakita akong malaking pasa.

" Bakit ka may ganiyan? Sinong gumawa niyan? " 

"  Bakit ko naman sasabihin saiyo? Sino ka ba? Kaano ano ba kita? " Nakataas na kilay na tanong niya habang dinuduro duro ako.

Tinabig ko ang kamay niya sabay sabing " Kaibigan kita! Kaya malamang ay mag aalala ako saiyo! " Naiinis na sabi ko.

" Pasensya na. Para sa akin kasi hindi kita kaibigan " Pagka sabi niya ay tinaasan niya ako ng kilay at tinarayan ako bago tumalikod sa akin at umalis.


Kinagabihan ay umalis ako nagpunta sa Mall ng maka salubong ko si Ann. " Elle. Hi " Bati niya sa akin.

" Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko. " Kumain lang kaming dalawa ni Anna, ayun siya oh. " Sabay turo sa isang fast food chain. " Anong nangyai sakanya? " Tanong ko dahil punong puno ng sauce ng spaghetti ang kaniyang damit.

" Ha? Ahh. Hahaha. Alam mo na medyo tanga tanga talga ang kapatid ko kaya ayun natapunan siya ng spaghetti " Ang sabi nito habang tumatawa pa.

Hindi ko naman na ito pinansin, tutal sabi naman nito ay hindi niya ako kaibigan kaya mas mabuti pang mag kalimutan na lang kami!


  




Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon