Chapter 10

51 16 4
                                    

" Grabe ha! Isang linggo pa lang tayo dito andami nang nangyayari " Reklamo ni Francine.

" Totoo kaya yung sinabi ni Ysa? " Tanong ni Jay sabay tingin sa akin.

" Aba malay ko. Bakit ako tinatanong mo? " Mataray kong sabi.

" Hindi naman ikaw tinatanong ko e! " Inis niyang sabi.

" Bakit ka sakin nakatingin? " Inirapan niya lang ako at ganun din ang ginawa ko.

Nandito kami ngayon sa Gymnasium at pinapanood maglinis sila Andrea at Ann.

" Hindi niyo ba kami tutulungan? " Tanong ni Andrea.

" Bakit naman kayo tutulungan, Marami pa din kaming gagawin. " Natatawang sabi ni Gen.

" By the way, Gala naman tayo. Minsan na lang tayong makagala e " Sabi ni Francine. Ang numero unong taga aya sa galaan.

" Saan? " Tanong ko.

" Ngayon na? Iwan natin yung dalawa. " Sabi ni Jay sabay tawa ng malakas, Pati kami ay napatawa ng malakas dahil sa.sinabi niya.

Sinamaan naman kami ng tingin ng dalawa dahil sa sinabi ni Jay.

" Saan nga? " Ulit kong tanong.

" Dyan, sa tabi tabi lang. " Sabi ni Francine.

" Swimming na lang " Sabi ni Gen.

" Ayy, Tara. Maghohotel kami sa sabado. Sama kayo? Para tipid na din." Suggestion ni Jay.

Lahat kami ay sumang ayon sa sinabi niya. Pagkatapos ay nagkanya kanya na kami dahil may kanya kanya pa kaming gagawin.

Dumating ang araw na mag gagala kami. Imbes na sumabay kami sa kotse nila tita ay naisipan naming bumukod ng kotse dahil magro roadtrip muna kami bago sumunod sa Tagaytay kung saan kami tutuloy.

" Ayos na ba lahat? Gamit niyo? Baka may nakalimutan kayo,check niyo muna. " Sabi ni Francine. Nandito kami ngayon sa bahay niya dahil sakanyang sasakyan ang gagamitin namin.

" Okay na. Foods, Snacks, Water, Drinks.. " Nagvolunteer si Nicole na siya na mismo ang magche check ng mga dadalhin namin.

" Hmm.. Ano pa ba? Chocolates. Wala tayong chocolates " Sabi ni Nicole kay Francine." Daan muna tayo sa Convenience Store, bibili ako " Dugtong pa niya.

" Okay. Let's go! " Nang marinig naming ayos na ang lahat ay sumakay na kami sa kotse, Nauna silang sumakay at ako naman ay pangalawa sa huli.

Ng maka angkas ako ay may natanaw akong pamilyar na pigura. Lalaki. Nanlaki ang mata ko at tinignan mabuti dahil baka namamalikmata lamang ako.

Pero ng tignan kong muli ay wala na ito, humarap ako kay Andrea para tanungin kung nakita niya ba.

" Nakita mo siya? " Tanong ko.

Hindi siya umimik pero ramdam ko ang kabang nararamdaman niya. Muli akong tumingin sa likod at nagpalinga linga. Namamalikmata lang ba ako? Pero hindi e.

Saktong alas dos na ng maka alis kami at bumiyahe para masimulan ang aming roadtrip. Tumigil naman kami saglit sa isang Convenience store dahil bibili daw ng chocolates si Nicole.

Nang makabalik na si Nicole ay sinimulan na namin ang aming road trip. Naka bukas ang mga bintana at malakas ang tugtog namin na halos hindi na kami magkarinigan.

" Nicole paabot ng V Cut " Sabi ni Andrea. Mukhang hindi narinig ni Nicole ang sinabi ni Andrea kaya wala lang itong imik habang kumakain at kumakanta.

" NICOLE PAABOT NG V CUT! " Sigaw ni Andrea, narinig naman na siya ni Nicole kaya inabot sakanya ito.

Kumakain lang kami ng mga dala naming snacks habang sumasabay sa kanta.

Ala singko ng makarating kami sa Tagaytay pero hindi muna kami dumiretso sa hotel. Naghanap lang kami ng lugar na wala masyadong tao at doon muna kami tumambay.

" Teka nga, Teka! " pigil ko sakanila " Bakit tayo dito sa may bangin? " Kinakabahang tanong ko sakanila.

" Baliw! Hahaha. Dito lang tayo, hindi sa bangin " Natatawang sabi ni Gen. Napatingin ako kay Ann.....

" Tara na! " Yaya ni Ann.

" Okay. Elle, Relax. Nandito kayo ngayon para magrelax " Pagkausap ko sa sarili ko.

Bumaba ako ng kotse at nakisali na sa kwentuhan nila.

" Naalala ko noong nasa ibang section pa tayo noong Grade 8." Natatawang panimula ko habang nakatingin kila Nicole at Ann. " Siguro mga bandang November yun, nag dedecorate kami ng classroom kasi nga malapit na yung Christmas. " Habang nagkuwento ako ay tawa na ako ng tawa. " So yun nga edi tahimik lang yung room kasi naggugupit kami, yung mga boys, If I'm not mistaken naglalaro sila nun ng games kaya tahimik lang talaga "

" AHHHHHH.. Oo. Putek! " Sabi ni Nicole. Si Ann naman ay tawa na din ng tawa samantalang sila Jay, Francine, Gen, at Andrea ay hindi makarelate dahil hindi kami magkakaklase noon. Grade 9 lang kami nagka sama sama kung saan nakilala namin si Andrea na isang transferee student that time.

" And then, Si Ann since siya yung Artistic palakad lakad siya sa room kasi nagche check siya. Tapos meron siyang hinanap na hindi ko alam kung ano sa box, tapos naka medyas lang siya that time kaya medyo madulas. Tapos yun na nga may hinahanap siya dun sa box hinahalungkat niya yung pinakailalim. And then Nagulat na lang kami kasi may narinig kaming parang bumagsak so napatingin kami dun sa may ingay. At alam niyo ba kung ano nakita namin?  " Hindi ko mapigilan ang pagtawa habang nagkuwento dahil sa epic moment na iyon ni Ann.

" Ano? " Natatawang tanong ni Jay.

" Nakita namin siya nakapasok yung kalahati ng katawan niya sa box kasi nadulas siya, may hinahalungkat kasi siya sa ilalim so medyo nakabend siya at ang best part pa hindi namin alam kung tutulungana ba namin or hindi kasi gulat na gulat kaming lahat. " Pagkatapos kong makuwento ng buo ay napuno ng tawanan ang lugar kung nasaan kami.

Pansamantala nawala ang mga pangamba ko at nagsaya lamang.

Alas nuwebe na ng maisipan naming pumunta na ng hotel dahil magna night swimming naman kami.

" Oh Bakit ngayon lang kayo? " Tanong ni Tita, mommy ni Jay.

" Tumambay pa po kasi kami " Ang sabi ni Gen.

Sumubo lang kami ng kaunting pagkain dahil hindi pa kami naglala lunch at the same time ay hindi pa rin kami nagdi dinner. Pagkatapos ay lumabas na kami ng hotel para pumunta sa pool area.

" Ayy wait lang naiwan ko cellphone ko " Ang sabi ko.

" Samahan na kita " Ang sabi ni Andrea.

Nang makuha ko na ang aking cellphone ay hinarang ako ni Andrea at hinablot ang braso ko. " Sinabi mo ba kay Francine? " Nanggigigil na tanong niya. " Ang alin? " Tanong ko.

" Alam mo kung anong sinabi ko " Sagot naman niya.

" Bakit ko naman sasabihin?  " Nagtatakang tanong ko.

Tinitigan niya akong mabuti at kinilatis ang aking mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo.

" Wow. Pinagbibintanangan mo ba ako? " Hindi makapaniwalang
tanong ko. Binawi ko ang aking braso sa pagkakahawak niya. " Hindi ko alam kung paano niya nalaman, wala akong sinasabi sa kanya. Pasalamat ka nga at tinatago ko pa ang sikreto mo." Yun lang ang sinabi ko at pumunta na ng pool area.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon