Chapter 38

17 6 0
                                    

" Where's Jay? " Tanong ko kay Nicole habang inililibot ang aking paningin.

Hindi ko ito makita sa paligid. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko siya makita.

" Huh? Hindi ko alam.. " Sagot nito at nililibot din ang paningin upang hanapin si Jay.

" Nasaan si Jay? Nakita niyp ba si Jay? May nakapansin ba sa kaniya? " Tanong ko sa kanila. Walang sumasagot sa kanila.

Shit! Nakuha ba siya? No! No! This can't be happening.

" No! No! " Napatingin ako kila Nicole pagkatapos ay tumingin ako sa pader. Natataranta kong binuksan ang Habitacion Secreta.

" No! Jay! Jay! " Pagtawag ko sa kaniya ng makapasok ako. Walang sumasagot sa akin, wala din akong makitang bakas niya tanging kadiliman lang ang bumabalot.

" Jay! " Muli kong sigaw. Napahawak ako sa aking buhok sa sobrang pagka stress.

" Elle... Is this the flashlight that Jay's holding? " Napatingin ako kay Nicole sa sinabi niya particularly sa hawak niyang flashlight.

" No... " Sambit ko at tumulo ang luha ko. Hindi pwede ito...

" Nicole... No.. " Pag-iyak ko. Inakay ako palabas ni Nicole ng mabuwal ako sa pagkakatayo.

" We need to find her... baka kung anong mangyari sa kaniya... Nicole! "

" We will find her... " Pag aalo sa akin ni Nicole. I need to find her! Hindi ko makakaya kung mawawala na naman ako ng kaibigan...

Hindi ko na kakayanin pa...

Napa upo ako sa sahig ng makalabas kami ng Habitacion Secreta. Nanghihina ang aking mga tuhod at nanlalabo ang aking mga mata.

" Steven, check the Dean's office kung nandito pa siya, also the faculties, humingi ka ng tulong. Stephen, Mark, Joshua, samahan niyo si Steven, then go back to our room, "

" Jerome, pumunta ka sa security office, report what happened here. Jake, Liam, Michael, samahan niyo si Jerome then go back to our room, "

" Mag-iingat kayo! " Rinig kong utos ni Samara.

Bumaling ang tingin ni Samara sa akin at lumapit ito.

" We will find her, don't worry, "

" The rest of the boys accompany the girls to our room, make sure na mag-iingat kayo better lock the door hangga't wala pang tulong ang dumadating, "

" What are we going to do now, Elle? " Tanong ni Nicole ng mahimasmasan ako.

" Let's go back to our room first, wait there, kailangan muna nating masiguro na ligtas ang iba, " Ang sabi ko. I can't risk everyone while saving my friend. I need to consider them too.

" Sigurado ako na hindi lang si Jay ang target niya, " Pero sino pa? Sino pa ba?

Pinilit kong makatayo ng tuwid, nakaalalay pa din sa akin si Nicole ngunit sinenyasan ko na siya na kaya ko na.

" You mean... pwedeng isa sa atin ay patayin niya? " Tanong ni Andrea. Tumango tango ako sa kaniya bilang sagot.

" Kung ganoon ay kailangan na talaga nating bumalik, " Ang sabi ni Samara.

" Let's go.. " Pag-aya ko sa kanila, muli kong binalingan ang pader na daan patungong Habitacion Secreta.

Wait for me Jay. I won't let anything happen to you. Magkakapatayan kami kung sino man ang manakit sa iyo o kahit na sino sa aking mga kaibigan.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon