Chapter 2

89 21 0
                                    

Madali naming nahanap agad ang registrar at ngayon ay patungo kami sa classroom. Mas maliit lang ang building namin kumpara sa College Department but nevertheless sobrang laki na ng building namin kung ikukumpara naman ito sa dati naming pinapasukang eskwelahan. 

Mabagal lang ang paglalakad namin kahit alam naman naming late na kami. May taas na anim na palapag ang building Senior High Department, ayon sa map na hawak ko ang 1st and 2nd floor ay occupied ng mga Grade 11 students habang and 3rd and 4th naman ay para sa aming mga Grade 12. At ayon din sa map na hawak ko ay nasa ika-apat na palapag ang classroom namin. 

Natigilan kami lahat sa pagkukulitan nang harangin kami ng may edad na babae. Nakakatakot ang aura nito, mababang nakapusod ang namumuting kulay ng buhok nito at nakasuot ng makakapal na salamin sa mata. Malamang isa ito sa mga professor dito. Napaka istrikto ng itsura at tindig. Balita nga dito na masyadong mahigpit ang Alexus lalo na sa College Department, walang duda kaya isa ito sa mga University na nangunguna dito sa aming lungsod.

" Talagang nagawa niyo pang mag ingay, hindi niyo ba alam na oras na ng klase? Unang araw pa lang ay ganiyan na agad ang mga ugali niyo paano pa kapag tumagal, ha? Bakit ngayon lang kayo? " 

" We're very sorry ma'am, we're just new here po kasi kaya naligaw po kami, " Paliwanag ni Gen.

Hindi naman na sumagot pang muli ang propesor at hinayaan na kami ulit, dali dali naman kaming nag lakad nang tumalikod ito. Ilang saglit lang ay nahanap na namin ang aming classroom sa dulo ng pasilyo sa ika-apat na palapag ng building na ito. 

Star Section. Yan ang nakasulat sa pintuan ng room. Itim ang kulay ng pintuan, kakaiba ito sa lahat na kulay brown ang pintuan. Mapapansin din talaga ang pagkakaiba nito dahil bukod sa itim ang kulay ng pintuan, malakit din ito, siguro kung kakalahatiin ito ay kaya pang makabuo ng isa pang silid. May kadiliman din ang papunta dito kahit maliwanag naman sa labas.

" Let's get to know the new students first for this year before we continue our discussion. Introduce yourslf now, " 

Naunang magpakilala si Francine at sumunod naman si Gen na sinundan ni Nicole, Andrea, Ann at ako, pagkatapos magpakilala ni Jay ay pinaupo na din kami agad at nagpatuloy na sa pagdidiscuss.

Mabilis lamang lumipas ang oras at ngayon ay tapos na ang una naming subject, I mean our 2nd subject for today dahil na late nga kami at hindi namin naabutan ang unang subject. Grabe first day pa lang, lesson agad. Kaloka!

" Okay, guys. Listen Prof. Almadro will not be here today so it means na free time natin. You can do what you want but remember huwag masyadong maingay. " Napatingin kami sa babaeng nagsasalita sa harap. Mayroon itong katangkaran kung susukatin marahil ay nasa 5'7 or 5'8 ang height nito, mahaba rin ang kaniyang mga biyas, balingkinitan ang katawan, may maputing balat, mahaba at alam mong natural ang pagka kulot ng mga buhok. Sa tindig at postura nito alam mong galing sa mayaman na pamilya. 

Tinaas ko ang kamay ko upang matawag ang kaniyang atensiyon. Hindi naman ako nabigo at tumingin siya sa akin.

" Yes? " 

" Pwedeng magtanong? " I asked.

"You're already asking, aren't you?" Nakangiting sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko dahil sa sagot nito. Agad naman akong  hinawakan sa braso ni Nicole. " Girl, okay lang yan, huwag mo munang patulan, " Pagpapakalma sa akin ni Nicole.

" Just kidding. Ano nga yung itatanong mo? " Nakangiti nitong sabi. Peke naman akong ngumiti sa kaniya, sasagutin ko na sana siya nang maunahan ako ni Andrea.

" Sa susunod huwag kang epal nagtatanong ng maayos tapos babarahin. Bakit? Close ba kayo? " 

" Oh my god! "

" Hala! "

" Serves her right "

Kaniya kaniyang bulungan naman ang mga kaklase namin dahil sa nangyari, bago pa muling makasagot ang babae sa harapan ay binawi naman agad ni Andrea ang sinabi niya dahilan kung bakit mas lalong namula sa kahihiyan ang bababe sa harapan namin.

" Just kidding too. " Tinaasan lang kami ng kilay ng babae bago nito kinuha ang mga gamit at lumabas.

Tumingin ako sa likod ko at pinasalamatan si Andrea. Nag move on naman kaagad kami sa nangyari at nagkuwentuhan na lang pero kahit na lumipas pa ang ilang mga oras ay parang hindi pa rin ako mapakali. Maya't maya lumilitaw sa isip ko ang sinabi ng lalaking pinag tanungan namin kanina.

Ika-pitong taon . Ano ba kasi yun?



Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon