Chapter 4

64 22 0
                                    

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang may narinig akong kumalabog. Kinapa ko ang aking cellphone sa lamp table, 12:30 pa lang ng umaga. Bumangon ako para tignan kung ano ang nangyayari.

Pagka bukas ko ng pinto ng aking kuwarto ay naririnig ko ang sigawan nila mama. Mukhang nag aaway na naman sila, wala naman pinagbago.

" Ma, Pa alam niyo ba kung anong oras pa lang? Nagsisigawan na naman kayo. May pasok pa ako bukas, " Naiinis na sabi ko sakanila. Napatigil naman silang dalawa at tumingin sa akin.

" Anak, pasensya na. Sige na, matulog ka na ulit. " Bumalik ako sa kwarto at hindi na muling narinig ang sigawan nila, nag sawa na siguro.

Hindi na muli akong nakatulog at nagpaikot-ikot na lang sa higaan. Napag pasyahan kong bumangon at kunin ang mga libro ko, mag-aaral na lang muna siguro ako.

Alas-kuwatro nang matapos ako sa pag aaral at ngayon ay naghahanda na ako sa aking pagpasok. Inagahan ko talagang pumasok dahil may gusto akong malaman sa history ng Alexus.

Ala-sais pa lang ng umaga ay nasa tapat na ako ng Alexus. Pinakita ko kay aling guard ang aking I.D. at agad naman akong nakapasok.

Dumiretso ako sa library para magtanong sa librarian tungkol sa mga sinabi niya sa akin kahapon, pero pagdating ko ay ibang librarian ang nandoon at hindi na ang librarian kahapon.

" Ma'am, nasaan po yung librarian kahapon? " Magalang kong tanong dito.

" Ah, si Ma'am Antonia? Nagsabi siya sa akin kagabi na hindi siya makakapasok, kaya ako muna ang in-charge dito kahit bukas pa talaga dapat ang duty ko. Bakit? May kailangan ka ba? "

"Ahh ganun po ba, " Sayang naman at wala siya. Tiningnan ko ang librarian ngayon siguro ay nasa early 50's na siya. Mukha itong mabait at magaan ang presensya niya, hindi katulad sa mga profs dito.

" Gaaano na po kayo katagal dito sa Alexus? "  Napatigil naman siya sa tanong ko at tinitigan ako, nawala rin ang magaan kong pakiramdam sa kaniya para bang sa isang iglap ay may hindi magandang mangyayari, nailang ako sa pagkakatitig niya sa akin kaya ngumiti na lang ako.

" Ah..eh...magtitingin na lang po muna pala ako dito, may kailangan pa po pala akong gawin. Sige po, salamat "

Hanggang sa maka-alis ako sa harapan niya ay ramdam ko pa din ang mabibigat niyang titig sa aking likod kaya agad-agad akong lumiko at pumunta sa shelves ng yearbook. Pinakawalan ko ang malalim na buntong hininga nang nawala ako sa patingin niya.

Umupo ako sa may bandang dulo para walang maka istorbo sa akin, tama nga si Ann taong 1900 pa nang unang magkaroon ng Star Section at 4th year high school lang ang mayroon nito since wala pa namang senior high noon. Sobrang luma na ng libro at ang ibang pahina pa ay may mga mantsa at punit sa gilid. 

Nasa taong 1907 ako nang may pumukaw sa aking pansin, may mantsa itong nag kulay halos itim na, sakop nito ang halos kalahati ng pahina at tanging mga larawan ng mga dating estudyante na lamang ang natira. Ang nakakapagtaka pa ay may mga nakalagay na simbolo ng   ' X ' sa mga larawan. Pito.... Pitong estudyante ang may simbolo ng ' X ' sa kanilang mukha.

Kinilabutan ako sa aking nakita. Bakit ganoon ang class picture? 

Bigla kong naalala ang sinabi ng lalaking pinagtanungan namin.

" Mag iingat kayo. It's the 7th year. "  

Napatigil ako sa pahina ng taong 1914 parehas na parehas ito nang nasa taong 1907. Hindi maproseso ng utak ko ang mga samot-saring tanong sa isip ko na hindi ko masagot.

Ano ba talagang nangyayari? Masyado ba akong nago-overthink? Hindie eh, may mali talaga at kailangan kong malamn kung ano iyon.

Kung 2019 ngayon ibig sabihin....Mabilis kong binuklat ang Year book sa taong 2012 kung tama ang hinala ko. Tuwing ika-pitong taon may nangyayari talagang hindi maganda dito sa Alexus at tanging mga taga Star Section lamang ang nakakaranas nito. 2011. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang taong 2012. Kinilabutan ako sa aking nakita. Tumaas angmga balahibo at-

" Elle "  Bigla akong napatalon at mabilis na sinara ang year book.

" Oh, nandyan na pala kayo. " Awkward akong ngumiti sa kanila, pinagpapawisan din ako kahit na malakas naman ang aircon.

" Sige, susunod na lang ako. " Sabi ko at mabilis na binalik ang year book sa lalagyan. 

" Bakit ang aga mo? Anong ginagawa mo doon? " Tanong ni Ann.

Nginitian ko lang siya at hindi na pinansin. Hindi naman nila ako tinanong pa at pumunta na kami ng room.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon