Chapter 21

36 6 0
                                    

" Saan ka nanaman ba galing? " Tanong ni Nicole nang makabalik ako sa room galing library.

" Alam mo namang delikado! Baka mag pakita na naman yung babaeng naka itim at ikaw ang isunod " Dugtong pa ni Nicole.

" Hindi ---- " Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil naalala ko ang sinabi ng librarian.


" Hindi lahat pwede mong pagkatiwalaan. Huwag ka basta basta magtitiwala dahil baka ito pa maging katapusan mo. "


" I mean.. Sa Rooftop nagpa hangin lang. Naso suffocate ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko keri! " Nakangiting sabi ko. At maarteng pinapaypay ang mga kamay ko para mas mapaniwala pa sila.

" Pwede ba sa susunod mag sabi ka naman kung saan ka pupunta lalo na sa mga ganitong situation na nagkakagulo ang lahat! " Pangaral sa akin ni Nicole.

" Okay. Okay. Chill. Masyado ka namang hot. Don't cha worry, I'm sure hindi naman niya ako sasaktan" Pagpapa kalma ko sakanya habang nakatingin ng deretso sa mata ni..

" How can you be so sure na hindi ka niya sasaktan? Unless..... " At tumingin siya sa akin ng may pagdududa.

" Unless what? " tanong ko.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at sinuri ako ng mabuti. Nginitian ko lang siya bilang sagot

" Nevermind " tugon niya.

" Anyways, anong balita? Okay na ba? Naayos na? Nahuli na? " Sunod sunod kong tanong sa mga kaibigan ko para mabaling sa iba ang atensiyon ni Nicole sa akin.

" Wala " Sagot nila

" Wala? As in waley? " Tanong kong muli.

" Wala nga " Sabay sabay na sabi nila muli sa akin.

" Sabi ko nga "

Nang makaupo ako ay sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Samara.

" Magdadag ang Alexus ng panibagong rules and regulations para maiwasan ang mga ganitong pangyayari " Panimula ni Samara.

" Sa lahat ng sections kayo ang inaasahan ko na susunod at makikicooperate. Bukas na bukas din ay malalaman niyo na kung ano ang mga nadagdag na rules. Sa ngayon manatili tayong kalmado " Sumang-ayon naman ang lahat sakanya. Wala din naman kaming magagawa kung hindi ang sumunod.

" Ms. Fernando " Pagtawag niya kay Gen.

" Yes? " Sagot ni Gen na may halong pagtataka.

" Follow me on my office, I have something to tell you " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Gen nang may pagtataka. Tumingin din siya saamin na takang taka.

Naunang lumabas si Samara bago sumunod si Gen. " Bakit pinatawag yun ? " tanong ko sa kanila.

Nagkibit balikat lang sila at muli ng tumahimik. 10 minuto pa lamang ang nakakalipas simula noong lumabas si Gen ay hindi na ako mapakali.

Hindi ko alam. Kakaiba talaga yung nararamdaman ko.

" Something is going on " Pagkausap ko sa aking sarili.

" Anong something is going on ? " Napatuwid ako ng upo dahil sa sobrang gulat nang bumulong sa tabi ko si Ann.

" Ano ba? Bakit ba nanggugulat ka ? " Pabulong na sigaw ko sa kaniya.

" Nagtatanong lang ako " Natatawang sabi niya.

" Oh, Whatever! " Sabi ko bago tumayo at kinuha ang gamit ko at lumabas. Hindi talaga ako mapakali e. May nararamdaman talaga akong kakaiba. Hmm.

" Saan ka na naman pupunta? " Hindi ko pinansin si Ann sa kaniyang tanong pero bago ko masara ang pintuan ay narinig ko na naman ang sigaw ni Nicole na alam kong galit na naman.

" Elle! Comeback here! "

" Sorry girls, hindi niyo pwedeng malaman ang mga binabalak ko " Pagkausap ko sa aking sarili.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon