Chapter 37

19 6 0
                                    

" Samara! Ano ng gagawin natin? I can't stay here anymore! "

" Samara! What are we going to do now? "

Ilan lang yan sa mga reklamo nila, hindi ko naman sila masisisi dahil nga sino ba namang gustong makulong sa school na mayroong patayan na nagaganap.

" Do you think mayroong mangyayari ngayon? " Bulong sa akin ni Jay.

" Anong sinasabi mo? " Tanong ko.

" Elle, hindi na talaga ko mapakali, pakiramdam ko may mangyayari na namang masama, e " Napatingin naman ako sa kaniya, nakayakap ang dalawa niyang kamay sa kaniyang braso.

" I think we should do something, Elle, " Sabi ni Nicole.

" Do what? Anong magagawa natin? Eh, kinulong nga tayo, " Sagot ko.

" Elle, huwag nga tayong maglokohan dito, You know we can use Habitacion Secreta, idaan na natin sila doon, para na din malaman natin kung bakit hindi pa tayo pinapalabas ni Dean. Nakuu! Pag iyon talaga nakita ko, sasabunutan ko iyon! " Nanggigigil na sabi nito.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. She has a point.

" Okay! That's it, lalabas na tayo! " Ang sabi ko. Nakuha ko agad ng atensiyon nila sa aking sinabi.

" But how? " Napangiti naman ako sa kanila at humarap kay Samara.

Nagtataka itong tumingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito.

" Habitacion Secreta, " Nanlaki ang mata niya sa aking sinabi.

" No way! " Bigkas nito.

" What? "

" Habi what?? "

" What are you saying? "

" What's that? "

Sinenyasan ko sila Nicole na pumunta sa bookshelf kung saan kami lumabas noong isang gabi.

" Ilalabas ko kayo rito but first we need lights, " I said. Habitacion Secreta was too dark baka maaksidente pa kami kung nagkataon.

" Elle, I don't understand this. Explain. Nahanap mo ang Habitacion Secreta? " Tinaas baba ko lang ang aking kilay bilang sagot dito.

" I'll explain to you kapag nakalabas na tayo, " Ang sabi ko.

" Mayroong stock ng flashlight sa storage ng library, " Singit ni Steven — Student Council's Vice President.

Napatango tango naman si Samara.
" He's right, " Sabi ni Samara, napangiti naman ako at inutusan si Jerome na kunin iyon.

" Here.. " Anim na pirasong flashlight ang dala ni Jerome ng makabalik ito.

Kinuha ko ang dalawa nito at dinistribute naman ni Jerome ang apat.

" I think this is enough, " Ang sabi ko.

" Ano bang gagawin natin dito? Why would we need this? " Tanong ni Myrell.

Tumingin ako kila Nicole, sinenyasan naman ako ni Ann na nahanap niya na ang bukasan nito, naglakad ako papunta sa pwesto ng mga kaibigan ko, sinundan naman ako ng tingin ng lahat.

" Open it, " Sabi ko kay Ann.

Humarap ako sa mga kaklase namin lahat sila ay gulat na gulat ng gumalawa ang bookshelf at bumukas ito.

" Wow! "

" What the hell... "

" This is amazing! "

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon