Chapter 28

35 7 2
                                    

" Girl, ang tagal ha, " Naiinip na sabi ni Jay.

Nandito kami ngayon sa Pampanga, pauwi na din kami pero nag stop over muna dahil naiihi na ako.

" Mahaba pila, " Maikling sagot ko.

" Hindi ka ba naiihi, " Tanong ko.

" Umihi na ako, " Sagot nito at lumabas ng sasakyan at lumipat sa backseat para ayusin yung mga kakanin na binili niya.

" Susie's Cuisine, " Mahinang basa ko sa balot ng mga kakanin.

" Bakit dito pa tayo sa Pampanga? E, may nakita akong store niyan sa QC, " I said while pointing the name of the brand.

" Roadtrip, " Sabi nito at bumaba na ng  sasakyan at lumipat sa driver seat.

" Baliw! Baliw ka na, " Naiinis na sabi ko, paano ba naman, pumunta siya nang napaka aga sa bahay at binulabog ako para samahan siya.

" I'm so busy kaya tapos pupunta tayo ng Pampanga para lang mag road trip? Baliw ka ba? " Natawa naman ito sa reaksiyon ko at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.

" Busy? " Natatawang tanong nito.

" Busy saan? Sa pagtulog? Girl, dapat ine-enjoy mo ang vacation, malapit na ang pasukan, no, " Inirapan ko naman siya sa pinagsasabi niya.

" Bakit ba kasi ako ang sinama mo? Tska, kakauwi lang kaya namin! " Sabi ko at tumingin sa labas ng bintana at sumandal, nahihilo ako, gusto ko matulog.

" Wala akong choice, ikaw lang available dahil nasa vacation din yung mga iyon, " Sagot nito.

" Ahh, kaya ako ang ginugulo mo ngayon? " Tumango naman ito bilang sagot at hanggang tenga pa ang ngiti.

" Para saan ba yang mga kakanin? Bakit ang dami naman? "  Tanong ko.

" I dunno, inutusan lang ako e, " Napatango tango na lang ako sa kaniya.

Binuksan ko na lang ang radyo at nakinig sa mga music. Ilang minuto lang ang dumaan ay biglang huminto ang sasakyan. Tumungin ako sa paligid at nagtatakang humarap kay Jay.

" Saan tayo? " Naguguluhang tanong ko.

" May nakita ako, " Sabi nito habang may tinatanaw sa labas, nakisilip naman ako sa kaniya pero wala akong makitang kakaiba.

" Tara! " Sabi nito at nagmamadaling lumabas ng sasakyan, nataranta naman ako at lumabas, naiwan ko pa ang bag ko sa loob sa pagmamadali.

Nauna itong maglakad at parang may hinahabol. Sumunod ako sa kaniya, pumasok kami sa entrance, nagbayad na siya kaya sumunod na lang ako, ngayon ko lang napagtanto kung nasaan kami at kung anong gagawin namin, nandito kami ngayon sa Paradise Ranch - Mountain bike adventure.

" Hoy! Hoy, "  Hinawakan ko ang braso niya para mapigilan siya.

" Ano yun? Bakit ka nagmamadali, ha? " Humarap siya sa akin at sinuot ang helmet sa ulo ko pagkatapos ay kumuha na ng bike at nagsimulang magpadyak, nataranta naman ako at inayos ang helmet pagkatapos ay kumuha na din ng bike at sinundan siya.

" Jay! " Sigaw ko, masyado na siyang malayo at mabilis magpa-andar, masyado ng matarik ang nadadaanan namin, binagalan ko pa lalo ang pag pedal dahil takot ako sa matataas pakiramdam ko ay malalaglag ako sa bangin kahit napaka layo ko naman.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon