Chapter 7

66 20 1
                                    

" Sinong nagsimula? " Mahinahong tanong ni Samara.

Tinuro naming pito sila Sophie at mga alipores niya. " Sila" Sabay sabay naming sabi.

Nagtaas naman ng kilay si Sophie sabay sabing " Excuse me. Kayo ang nauna. " Sabi ni Sophie.

" Alam mo kanina ka pa e, kung hindi lang ako sinabunutan nito " saby tingin ng masama sa babaeng sumabunot sakanya. " Babanatan na kita! " Galit na galit na sabi ni Francine. Natahimik naman si Sophie halatang natakot sa sigaw ni Francine.

" Lahat kayo may kasalanan, Wala akong papanigan sainyo. For now, bumalik na kayo sa room at magsisismula na ang klase ipapatawag ko na lang ulit kayo para sa parusa niyo " Ma autoridad na sabi n i Samara. Wala namang kaming nagawa at lumabas ng office ng Student Council.

Naunang lumabas si Andrea at sumunod kami pero ng tumapat si Andrea kay Sophie ay malakas niya itong binunggo dahilan para mapa upo ito. " Bitch! " Narinig kong sigaw ni Sophie.

Hindi naman namin siya pinansin at bumalik na sa room.



" Okay Class Dissmissed. "

Hindi pa nakakalabas ng room si Prof. Leandro ay tumayo agad si Samara at pinapunta kami sa office niya.

" Ano kayang parusa natin ? " tanong ni Nicole.

" Sana naman madali lang " Ang sabi ko.

" Okay, your punishment will be community service. 4 hours a day for 1 month " Diretsong sabi niya.

" What?!! No way! That's not fair " Nagulat ako sa sinabi niya. Anong hindi fair dun?

" Hoy, ako tigil tigilan mo sa kaartehan mo baka gustong mo ingudngod din kita! " Galit na sabi ko.

"Miss Rodriguez, stop it " Nagbabantang sabi ni Samara.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Sophie at inirapan ako.

" You can start now! "

" Are you really serious about this? Community service?! No way! I'm not going to do it " Madiin sabi ni Sophie.

" Hindi ba at ikaw naman ang nag simula nito? Ngayon kung ayaw mo, mapipilitan akong sabihin ito---" Hindi pa natatpos sa pag sasalita si Samara ng putulin ito ni Sophie.

" Fine!! " Sigaw ni Sophie sabay alis, padabog niya pang sinara ang pinto ng office.

" Sorry, I know hindi naman talaga kayo ang nauna. But, partly may kasalanan din kayo at lumabag kayo sa mga rules " Paliwanag ni Samara.

"It's okay. We understand " Sabi ni Francine.

Binigay naman ni Samara ang listahan ng mga lilinisin namin at kung saan kami mga naka assign, lumabas naman agad kami para masimulan na ang community service namin for 4 hours !!!

" Ako, Si Jay, at Si Nicole sa 3rd floor tapos sa library. Si Francine and Gen sa Ground floor tska sa 2nd floor. Si Ann and Andrea sa Gymnasium. " Sabi ko sa kanila habang chine check ang listahan na binigay sa akin ni Samara. " Ano, tara na? Para matapos na natin " sabi naman ni Ann.

Naghiwa hiwalay na kami ng landas. Kami naman ni Jay at Nicole dumiretso na sa 3rd floor. Nagvolunteer ako na sisimulan kong linisin ang library habang silang dalawa ay sa corridor, mahaba haba ang corridor kaya nasa magkabilang dulo sila. Kailangan nilang magwalis, mop , at punasan ang dingding.

At ako naman ay nagsimula na ding maglinis sa library, malaki ang library. May part na kailangan mong isa isahin ang libro sa shelves dahil maalikabok. Nagpupunas ako ng mga libro ng tawagin ako ng librarian. " Miss Rodriguez. Mauuna na ako. This is the key, paki lock na lang ng mabuti. Salamat " Sabay abot sa akin ng susi. Tinignan ko ang orasan na nakasabit malapit sa pinto ng library, Ala singko na pala. Ibig sabihin 2 oras na akog naglilinis.

Lumabas ako ng library para tignan kung tapos na silang maglinis. Tanging si Nicole lang ang nakita ko sa kabilang dulo ng pasilyo. " Nicole, patapos ka na ? Tulungan mo namn ako dito " Ang sabi ko. " Si Jay nasaan? "

" Saglit lang patapos na, Si Jay tapos na yun, nag cr lang " Tango lang ang sagot ko at nagpatuloy na rin sa paglilinis nasa shelves ako ng mga year book ng pumasok si Nicole at Jay.

" Grabe, pawis na pawis na ko " Reklamo ni Nicole. Hindi na namin siya napansin at nagpatuloy lang sa paglilinis. Lumipas ang ilang minuto kinuha ko ang walis at nagsimulang mag walis sa may bang dulo malayo kila Nicole at Jay pero matatanaw mo pa rin sila.

Nakayuko lang ako habang nagwawalis ng may isang pares ng paa ang humarang sa winawalisan ko hindi ko na tinignan kung sino at nilagpasan siya, nagsimula muli akong magwalis ng apakan naman nito ang walis ko, " Ano ba? Nagwawalis ako e " Sabay hila ng walis pero hindi pa rin ako lumilingon.

Tumalikod ako sakanya at inipit ang walis sa pagitan ng hita ko, nagpunas muna ako dahil tagatak na ang pawis sa mukha ko. Napakunot ako ng matanaw ko si Jay at Nicole na naglilinis ilang segundo lang ang lumipas ay may humablot ng walis sa may hita ko galing sa likod.

Agad naman akong napatingin at kinilabutan ako ng makitang walang tao at wala rin ang walis. Sa sobrang kaba ko ay tinawag ko si Jay at Nicole.

" Jay! , Nicole! " Malakas kong sigaw. Lumapit namn sila agad sa akin " Bakit? " tanong ni Nicole.

" Naglinis na ba kayo dito sa pwestong to? " Tanong ko sakanila. " Hindi pa, Bakit ? " Sagot namn ni Jay, kinabahan ako sa naging sagot nila.

" May ibang tao ba ang pumasok dito ? " Tanong ko ulit. " Wala naman. Kanina pa nag uwian 6:30 na e. " Sabi ni Jay, napalunok ako sa sinabi niya.

" Kani kanina lang, nagwawalis ako tapos may humarang sa daan ko akala ko kayo yun kaya iniwasan ko siya pagka iwas ko inapakan niya yung walis kaya nainis ako at tumalikod para magpunas ng pawis tapos yung walis inipit ko sa hita ko " Kinakabahanh kkwento ko sakanila.

"Pero ng mapatingin ako sainyo nagtaka ako na nandoon kayo tapos may biglang humila sa walis ko, kaya lang pagtingin ko walang tao tapos wala rin yung walis kaya tinawag ko kayo. " Nakatingin lang sila sa akin at naguguluhan.

" Pero hindi pa kami nag--- " Natigil sa pagsasalita si Nicole ng may marinig kaming kumalabog sa may pintuan.

Napalingon kaming tatlo. " Tapos na kayo? " Tanong ni Samara. HIndi kami nakasagot dahil sa kaba kaya napa iling na lang kami. " Bukas niyo na ituloy yan, umuwi na kayo." Nagmamadali niyang sabi at nilibot ang tingin sa buong library. Sa takot na rin siguro ay nag madali kaming mag ayos at lumabas ng library. Ako ang nag sarado dahil nasa akin ang susi at nasa likod ko namn sila. Bago pa masara ang pinto ay napatingin ako sa loob at may napansin akong babae, pero hindi ko sigurado dahil sumara na rin ito.

Napatulala ako saglit dahil sa nakita ko. " Elle, Let's go! " Doon lang ako nagising sa pagkatulala at mabilis na nilock ang pintuan. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, tumataas ang balahibo ko at nanghihina ang tuhod ko kay binilisan ko ang lakad at umalis na ng Alexus.

_____________________________________

1,212 words. First time. Hehehe. Well, Hope you like it and Please follow me and vote for my stories. And also follow tweeshaness. Thank you!

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon