Chapter 19

29 7 0
                                    

" Elle, saan ka nanggaling? 2 araw ka na namang absent a. " Tanong ni Jay. Papasok pa lang ako ng gate ng makasalubong ko siya at eto nga pinapaulanan na naman ako ng tanong.

" Tuwing aabsent ka talaga ang daming nangyayari. " Patuloy pa nito. Nagtaka naman ako kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Bakit, anong nangyari?  " Tanong ko.

Huminto rin siya at tinuro ang dulo ng pasilyo sa 4th floor kung nasaan ang room namin.

" May nakita na naman daw babaeng naka itim diyan. Taga ibang section naman ang nakakita. " Sabi nito.

" Babaeng nakaitim?  Hindi ba at ilang beses ng sinabi ni Samara na walang Babae " Sabi ko.

" Duguan na naman yung babaeng naka kita, tapos sigaw siya ng sigaw, may nakita daw talaga siya " Ang sabi nito. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

" Okay, Sige. Sabihin na nating totoo ang Babaeng nakaitim. Pero diba ang sabi ni Ysa, tanging mga taga Star Section lang ang binibiktima ng babaeng nakaitim, so papaanong ang binibiktima nito ay mga taga ibang section?  " Paliwanag ko.

" Ewan ko. Yun lang naman ang sabi nila e " Napa iling naman ako sa sinabi niya.

" See. Walang evidence na nagpapatunay na may Babaeng nakaitim talaga " Ang sabi ko at tuloy tuloy na pumasok sa room.

Naabutan ko naman sila Nicole na nagdaldalan at napa hinto ng makita nila ako.

" Elle! " Sabay sabay na tawag nila.

" Bakit? " Natatawang tanong ko.

" Saan ka galing?  Missing in action ka na naman " Sabi ni Andrea.

" Sinundo namin si Lola sa Bicol " Ang sabi ko at tumingin kay Ann na naging balisa sa sinabi ko.

" Ang layo naman " Ang sabi ni Gen.

" Ha? Oo nga e. " Sagot ko naman. Dumating ang Prof namin kaya hindi na kami masyadong nakapag usap pa.

" Okay, I know. Hindi pa rin kayo nakaka move on sa nangyari kahapon. But ginagawa na ng Alexus ang lahat baka kasi may nangtitrip lang at nananakot " Ang sabi nito. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Napatingin ako kay Samara, akala ko ba.....

" So today we are going to discuss about blah blah..... " Bago pa makapag sulat sa pisara si Ma'am ay pinatawag si Samara sa office.

Nasa kalagitnaan kami ng pagka klase ng may narinig kaming malakas na sigaw na nanggagaling sa labas.

Agad namang lumabas si Ma'am at ang iba ko pang kaklase. Ang iba naman ay hindi na lumabas na parang alam na nila kung anong nangyari.

" Don't tell me, nagpakita na naman yung Babaeng nakaitim " Ang sabi ko at humarap sa kanila. Pagharap ko sa kanila ay wala si Gen.

" Nasaan si Gen?  " Tanong ko.

" Nag Cr " Ang sabi ni Andrea.

" Ngayon lang?  " Tanong kong muli.

" Kanina pa. " Napatayo ako at agad na lumabas ng room sinundan naman nila ako. Nang nakalabas kami ay nakita namin ang isang babae na dinadaluhan ng mga Prof.  nakatulala at iyak lang iyak ito habang nakatingin sa dulo ng pasilyo.

" M-may b-b-babae doon " Sabay turo nito sa dulo ng pasilyo.

Hindi ko na masyadong pinansin ang babae at tumakbo na papuntang Cr. Hinanap namin si Gen sa loob pero wala ito doon.

" Kanina pa ba siya wala? " Tanong ko.

" Oo. Magkasabayan lang sila ni Samara na lumabas e. " Ang sabi ni Francine.

" What?! That's an hour ago! " Sabi ko.

Bumalik kami sa room at wala ng masyadong tao sa may pasilyo tanging mga Prof na lang ang nandoon at ilang mga estudyanteng nakikiusosyo.

Naabutan namin si Samara na nagpapaliwanag sa loob at pinapakalma ang iba naming kaklase.

" Guys, calm down. " Pagpapakalma nito.

" Samara tapatin mo nga kami, ano ba talagang nangyayari?  Tatlong estudyante na ang nagkaka ganyan! " Galit na sabi ko.

" Honestly, Hindi ko din alam " Pag amin nito. " Pero ginagawa na ng Alexus ang lahat. Basta ang sabi nila huwag tayong mag alala, dahil safe naman daw tayo. Mga estudyanteng walang magawa sa buhay nila ang gumagawa nito. Tinatakot lang tayo "

" Safe? Safe ba ang tawag mo diyan? At anong tinatakot?! Mygod!  I can't believe it! " Sabi ng isa naming kaklase na babae.

Umupo kami sa upuan namin para pakalmahin ang mga sarili namin. Hindi pa din namin nahahanap si Gen.

" She's not answering her phone!  " Ang sabi ni Francine.

Nagkakagulo pa rin ang Section namin at walang tigil na tinatanong si Samara sa kung ano ba talaga ang nangyayari.

Maya maya lang ay pumasok si Gen galing sa kung saan.

" Mygod! Saan ka ba galing? Halos isang oras kang wala!" Tanong agad ni Francine ng makita si Gen.

"Pinuntahan ka namin sa Cr pero wala ka " Ang sabi ni Jay.

" Alam mo ba kung anong nangyari?  " Sunod na tanong ni Nicole.

" Naulit na naman yung kahapon " Ang sabi naman ni Andrea.

" Akala ko ba Magc Cr ka lang? Akala ko nga na flash ka na. "Ang sabi ni Ann.

Tahimik lang ako at pinag masdan si Gen. May kakaiba kasi sa kanya pero hindi ko matukoy kung ano.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon