Chapter 33

17 6 0
                                    

" Oh My God! Paano mo nagawa iyo? " Manghang mangha na tanong ni Nicole.

Umiling iling ito. " Hindi ko alam, " Sagot nito sa mahinang tinig.

" So this is Habitacion Secreta. Wow! Ang dilim ha! " Natatawang sabi ni Andrea.

" Anong gagawin natin? " Tanong ni Ann. " Papasok ba tayo? Huwag! Baka nandiyan si Valak, " Sambit nito.

Natawa naman kamk sa sinabi nito.

" Ano ka ba, wala diyan si Valak pero nandiyan si Mr. and Mrs. Owner. " Nanlaki naman ang mata nito at kumapit sa damit ni Nicole.

Nilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang flashlight. Masyadong madilim sa loob.

" Ano? Tara? " Tanong ko sa kanila, tumango naman sila at binuksan din ang flashlight ng cellphone nila.

" Sure ba kayo dito? Baka mamaya hindi na tayo makalabas, ha " Rinig ko pang sabi ni Ann, sumara ang pader na ang pinasukan kay napalingon kami sa aming likod.

" Nicole. " Tawag ko.

" Ano? " Tanong nito sa likod ko.

" Mauna ka, demonyo ka diba? " Ang sabi ko at pumwesto sa likuran niya, lumipat din si Jay at Andrea sa likod niya kaya ang ending ay mag isa siya sa harap at nakahawak kami sa kaniya.

" Kayo ang demonyo! Lintek kayo! " Angal nito at nagsimula ng humakbang.

Ilang minuto na kaming naglalakad pero hindi namin makita ang dulo nito nagsisimula na din akong mainip.

" Ano ba ito? Nakakapagod na ha! " Reklamo ko.

" Sure ka ba na dito talaga ang opisina nila? " Tanong ni Jay.

" Hindi naman opisina ang hinahanap ko! Bonus na lang yun kung mahanap natin. " Sagot ko.

" Eh ano? " Tanong muli ni Jay.

" Kung ano yung dulo nito. Kung saan dumaan si Oli noong nakatakas siya sa atin. " Napatango naman ito.

" Eto na yata ang dulo, " Ang sabi ni Andrea. " Pero saan tayo dadaan? " Sabi nito at pinagpalit palit ang tingin sa tatlong daanan.

May tatlong daanan ang dulo nitong Habitacion Secreta. Kahit ako ay hindi alam kung saan kami mapupunta.

" Dito, " Turo ko sa kaliwa. Bahala na kung saan man kami mapadpad. Tumango naman sila at sumunod sa akin.

Mahabang lakaran ulit ang ginawa namin at this time ay marami kaming nilikuan pero hindi naman nakakalito at hindi ka mawawala.

" Ano na naman ito? " Tanong ko. Narating namin ang dulo ngunit pader lang ang bumungad sa amin. Mukhang dead end ito.

" Wait! " Pigil ni Ann ng akmang aalis na kami.

Napatinhin kami sa kanya at piangmasdan lang siya sa kaniyang ginagawa. Kinakapa niya ang pader at maya maya lang ay bumukas ito at napaatras kaming muli.

Itinapat ko ang ilaw na nagmumula sa aking cellphone papunta sa madilim na parte ng silid.

" Library? " Pumasok kami sa loob at tama nga ang Library nga ito.

" Wow. I can't believe na dito tayo napadpad, " May dalawang library ang Alexus. Una, ang para sa College Department at ang Pangalawa ay para sa amin. Sa layo ng nilakad namin ay hindi na ako nagtataka na sa library namin kami napadpad.

Naglibot libot kami, binuksan ko naman ang ilaw at umupo sa isa sa mga upuan dito.

" Ang init! " Reklamo ni Jay at pumunta sa switch ni aircon at binuksan ito.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon